"Paano mo nakuha ang phobia mo?" tanong ni T-Ross habang nakakandong pa rin siya rito. May kilabot na gumagapang sa katawan niya sa bawat pagtama ng mainit nitong hininga sa may batok niya. Hindi rin siya sigurado pero pakiramdam niya ay dumadaiti ang tungki ng ilong nito sa may malapit sa kanyang leeg na labis na nakakapagpanginig lalo ng kanyang tuhod.
Tumikhim muna siya para palisin ang namumuong bara sa lalamunan na dinudulot ng presensiya nito sa kanya. Bago seryosong tumanaw sa malawak na dagat na nababalutan ng dilim.
"I was in elementary back then when that incident happened." Panimula niya. Matagal niya rin na pilit kinalimutan ang bangungot na iyon sa buhay niya. Isang bangungot na hanggang ngayon ay hindi niya tuluyang matakasan at maiwaglit sa isip.
"Nasa retreat kami for girls scout. Kasama ko iyong dalawa kong kaibigan na naglalakad sa kakahuyan dahil kami ang naatasan na manguha ng mga sanga para sa bonfire. Medyo padilim na ng mamalayan namin kaya dali-dali kami naglakad pabalik ng camp site. Pero nang nasa kalagitnaan na kami ay napatigil kami dahil sa taas ng tubig na rumaragasa sa ilog. Noong tinawid namin iyon ng hapon ay hanggang binti lamang iyon. Pero nang oras na iyon ay tila aabot na iyon sa dibdib namin." Tumigil siya saglit para lumunok at kumuha ng hangin. Pakiramdam kasi niya ay naninikip ang lalamunan niya habang binabalikan ang mga pangyayaring iyon.
"Natakot ang dalawa kong kaibigan na tumawid, pero nagmatigas ako at masyadong naging bilib sa sarili. Ako ang pinakamagaling sa swimming sa school, kaya buo ang tiwala ko na kaya namin tawirin ang ilog na iyon." Ngumiti siya ng mapait at tumingala sa langit. Pinipigilan ang nagbabadyang pagpatak ng luha. Nakatulong na nakatalikod siya kay T-Ross, mas kinakaya niya itong maikwento.
"Nauna akong tumawid, mukhang masyado kong na-underestimate ang ilog na iyon dahil sobrang lakas ng current. Pero kahit nahirapan ako ay nakatawid ako sa kabila. Sa puntong iyon ay binalingan ko ang dalawa kong kaibigan at sinabihan na tumawid na, bakas ang takot sa mga mukha nila. Magkahawak silang lumusong, ngunit hindi nila kinaya ang lakas ng daloy ng tubig. Tinangay sila parehas ng rumaragasang tubig." Napapikit siya ng mariin. Pakiramdam niya ay parang kahapon lamang iyon nangyari, dahil malinaw niya pa rin iyon na naaalala.
"Hindi ko alam ang gagawin ko, kinuha ko ang isang sanga at iniabot sa kanila para kapitan pero tila nahuli na ako. Bumangga ang mga katawan nila sa malaking tipak ng bato at sabay na lumubog. Kapwa sila wala ng buhay ng natagpuan." Matapos ang huling salita na iyon ay hindi na niya napigilan ang paghulagpos ng mga luha niya. Nasa balintataw pa rin niya ang mga ngiti at tawa ng mga ito. Nilagay niya sa mukha ang mga kamay niya at doon humagulgol.
Naramdaman niya ang paghapit sa kanya ni T-Ross at niyakap. Hinayaan siya nito na umiyak habang pinaparamdam naman nito sa kanya na naroon ito para makinig. Ayaw man niya aminin pero gumaan ang loob niya ng maikwento ito. Ang tagal niya rin iniwasan na maalala ito, at kahit sa pamilya niya ay iniwasan niyang ikwento ito. Marahil natatakot siya na marinig mula sa bibig ng mga ito na siya ang may kasalanan sa pagkalunod ng dalawang kaibigan.
"Accident happens, $ekerim. Kahit gaano natin kagusto na iwasan ito ay mangyayari at mangyayari ito. Kapag ito ang nakatakda ay hindi natin iyon mapipigilan. Stop blaming yourself over something that you do not have control," mahinang sambit ni T-Ross.
Kumilos ito at pinatagilid siya ng pagkakakandong dito. Ang mga paa niya ay nakalawit sa gilid ng hita nito. Tumambad dito ang naghahalo niyang luha at sipon habang hindi mapigilan ang panaka-nakang paghikbi.
Umangat ang isang kamay nito at pinahid ang mukha niya. "Para ka palang pusang nabilaukan umiyak." Seryoso ang mukha nito pero nang-aasar ang tono.
Tinabig niya ang kamay nito at sinamaan ito ng tingin. Habang ang lalaki naman ay binigyan siya ng nagmaang-maangan na mukha. Kinuha nito ang kamay niya at inilagay paikot sa batok nito at kinabig siya para yakapin.
"Let go of that past, $ekerim. It's high time for you to move on. I'm sure ayaw ng mga kaibigan mo na sisihin mo ang sarili mo buong buhay mo at mamuhay sa lungkot at takot," sambit ni T-Ross habang hinihimas ang likod niya.
Hindi niya maipaliwanag pero tila unti-unting gumagaan ang bigat ng pakiramdam niya.
"Pero paano kung galit pa rin sila sa akin? Dahil kung hindi ako nagmagaling at pinilit sila tumawid hindi iyon mangyayari sa kanila."
"Kung galit sila sa iyo, malamang matagal na nila hinila ang paa mo," sagot nito. Akma siya kakalas sa pagkakayakap nito dahil sa inis ngunit hindi siya nito hinayaan. Masyadong malakas ang mga bisig nito. At sa totoo lang ay nagugustuhan niya ang init na nagmumula rito na pumapawi ng lamig ng paligid.
Ilang saglit namayani ang katahimikan sa kanila. Ngunit biglang tila may kuryente na gumapang sa kanya ng maramdaman ang pagsinghot nito sa may leeg niya.
"Stop sniffing me, dinosaur! Aso ka ba noong past life mo?" pumipiglas na sambit niya rito.
Mahina itong tumawa at mas lalong hinapit ang beywang palapit dito.
"You still smells good kahit medyo amoy dagat ka na."
Hinampas niya ito sa braso ngunit hinuli nito ang kamay niya at dinala iyon sa labi nito.
Bumaba ang mukha nito at marahan na dinampian ng halik ang balikat niya bago umangat para tignan ang mukha niya.
Bumuntong hininga ito bago ngumiti at nagsalita. "You are so beautiful, $ekerim," mahinang sambit nito ngunit sapat para marinig niya ng malinaw. Ang isang kamay nito ay marahan na humahaplos sa hita niya. Hindi niya maipaliwanag pero tila parang bula na naglalaho ang ginaw na nararamdaman niya kahit pa kapwa basa ang kanilang suot na damit.
"Shhh... Secret lang iyon!" sita niya rito sabay lagay ng hintuturo sa labi niya.
Ngunit napasinghap siya ng biglang humigpit ang kamay nito sa beywang niya. Hindi niya namalayan na umangat na ang isang kamay nito papunta sa likod ng ulo niya at mabilis siyang kinabig at siniil ng halik sa labi.
Nanlalaki ang mga mata niya sa gulat, ngunit dagli rin napapikit ng maramdaman niya ang pagpisil ng kamay nito sa isang dibdib niya.