"Muli siyang napamulat ng maramdaman ang kamay nito na naglalakbay pababa sa tiyan niya. Nahinuha na niya ang pakay nito.
"Teka, dinosaur!" Pigil niya sa kamay nito.
"Why?" kunot noo nitong tanong habang ang isang kamay ay humihimas sa likod niya.
"Kailangan mo ng password para ma-access mo ang jurassic park," sagot niya.
Tumawa ito sabay nanggigigil na humalik sa labi niya.
"Ano'ng password, $ekerim?"
"Kailangan mo mahulaan. Kung hindi ay hindi maaring pumasok ang dinosaur mo sa jurassic park ko, " sambit niya habang pilit pinapaseryoso ang mukha.
Isang malakas na tawa muli ang kumawala sa labi ni T-Ross. Hinapit siya palapit at mariin na hinalikan ang panga niya pababa sa leeg niya. Napapikit siya habang nakakagat sa labi upang pigilan ang pagkawala ng ungol sa bibig niya. Nakakahiya naman sa mga lamang-dagat baka maistorbo ang pagtulog.
"$ekerim, we're here," bulong ni T-Ross sa may punong tainga niya. Sabay halik sa pisngi. Tila siya dinala ng haplos at halik nito sa ibang dimensiyon. Agad siyang bumalikwas para pagtakpan ang hiya na naramdaman. Nahihiya siyang mapansin nito na nadadarang siya sa mga pinaggagawa nito sa kanya. Konti na lang talaga maisusuko na niya ang full access ng jurassic park niya. Kahit pa alam niya na matataas na ang talahib niya roon ay wala na siyang pakialam.
Tumigil na pala ang bangka at nasa may pampang na ito. Luminga siya sa paligid, kinakain pa rin ng dilim ang lugar. May mga matatayog na puno ng niyog. Napakunot ang noo niya bago nilingon si T-Ross. "Nasaang lupalop na tayo ng universe?"
"Malapit na tayo sa hideout. Gusto mo bang magpahinga muna tayo rito sa dalampasigan at hintayin ang pagputok ng araw?" tanong nito.
Hindi niya alam kung marumi lang ba ang isip niya o ano dahil tila iba ang dating ng sinabi nito sa kanya.
"Mag-umpisa na tayong maglakad at baka kung ano pa ang paputukin mo bago sumikat ang araw," wika niya na nagpatiuna ng maglakad. Basa ang lahat ng gamit niya pero inilabas niya mula sa bag ang isang flashlight na nakabalot kung kaya't hindi iyon nabasa sa loob.
Nakangisi naman na sumunod sa likod niya ang lalaki. "Ang talino mo talaga, $ekerim," mahinang bulong nito.
Isang masukal na gubat ang tinahak nila. Mga kuliglig at kung ano-anong huni ng hayop ang nagpapaligsahan. Maingat silang nakatuon sa daan dahil baka may makamandag na ahas silang maapakan o makasalubong.
"Be extra careful on your steps, $ekerim. Medyo nagiging madulas na ang daan," paalalang turan nito sa kanya. Ang tilamsik mula sa mataas na falls ang nagbibigay ng madulas na daanan sa kanila. Idagdag pa na medyo malalaking tipak ng bato na ang kailangan nila lakaran at tawirin.
Kapwa sila napatigil ng makarinig ng kaluskos at yabag mula sa hindi kalayuan. Humapit sa beywang niya ang braso ni T-Ross at mabilis na naglakad papunta sa matataas na halaman.
"Mga humahabol ba ang mga iyan sa atin?" mahina niyang bulong.
"Hindi natin sigurado. O baka mga NPA. Nagkalat ang mga iyon sa parte na ito ng kagubatan. Pero alinman sa kanila ay kapwa tayo nanganganib," mahinang tugon nito.
Ilang sandali pa ang katahimikan na namayani sa kanila ng makaramdam siya ng malamig na gumagapang sa paa niya.
"Sh*t!" mahinang sambit niya.
Tumingin naman si T-Ross sa mukha niya. Tumingin siya sa paanan niya ng magtama ang mata nila kaya sinundan nito ang mga mata niya. Sumenyas ito na huwag siya gagalaw. Tinapatan niya ng ilaw ito at nakita na isa itong rattle snake.
Halos pigilin niya ang paghinga habang hinihintay itong makalagpas. Nang makalayo na ito ay nasapo niya ang dibdib at hinahabol ang hinga.
"Let's get going, $ekerim. Bago ka pa matuklaw ng ahas dito."
Nilingon niya ang mukha nito. Tila natakot din ito dahil tunay na makamandag ang rattle snake.
"Okay lang naman sana matuklaw ng ahas pero huwag naman ng ganyang makamandag. Iyong mageenjoy naman sana ako na matuklaw at hindi ako mamamatay sa kamandag," wika niya habang nagpatiuna ng maglakad dahil siya ang may bitbit ng flashlight.
Naramdaman niya ang kamay ni T-Ross na humawak sa beywang niya at pumisil.
"Sana hindi lang puro salita," pang-aasar nito sa kanya.
Piniksi niya ang katawan para matanggal sa pagkakahawak nito at walang lingon-likod likod na naglakad. Bahala siya kung hindi man nito makita ang daan.
Matapos ang halos isang oras na paglalakad sa tila walang katapusan na kagubatan ay napatigil siya ng makakita ng arko na may gate. Pero matataas ang mga talahib sa loob. Halatang hindi ito madalas napupuntahan ng sino man.
SAN ISIDRO CEMETERY. Iyan ang nakapaskil sa arko.
"We're here," napalingon siya kay T-Ross sa sinambit nito.
"Dito? Sa sementeryo ang hideout mo? Seryoso?" hindi makapaniwala niyang sambit.
"Yup. Kaya nga hideout hindi ba? Kasi tago?" Pangbabara nito sa kanya.
Umirap siya at hinayaan itong buksan ang tarangkahan. Lumalangitngit ito na akala mo ay nasa horror house ka.
"Wala bang mga kaluluwa rito?" nakayakap siya sa sarili habang lumililingon sa paligid. Naglalakad na sila papasok sa sementeryo. Tila may mga huni pa ng kuwago at uwak habang binabaybay sa magkabilang gilid ang mga nicho. Kumpleto sa background music para nakakatakot.
"Marami," maiksing tugon nito.
"Hah! Hindi naman ako natatakot!"
Huminto sila sa isang mausoleo na may nakaukit na FIERRO na apelyido ng dinosaur. Nang makapasok sa loob at buksan nito ang malamlam na ilaw dahil kulay pula ito ay napatakip siya sa mata niya na nasanay sa dilim.
Nang masanay ay inilibot niya ang paningin at namangha sa gara ng loob nito. Tila hindi mo aakalain na may ganito kagara sa loob ng isang sementeryo. Mataas ang ceiling at may chandelier pa. Hindi niya malaman kung ano ang kulay ng dingding dahil sa pulang kulay ng ilaw. Makintab ang tiles ng sahig. Mukhang well-maintained. "Paano kaya ito napapanatiling ganito kalinis?" tanong ng isip niya.
Sa paglilibot ng kanyang mga mata ay napako ang paningin niya sa isang tila nicho na may nakasulat na tatlong pangalan sa lapida at puro FIERRO ang apelyido.
"Mausoleo ninyo ito?" kanina pa naglalaro sa isip niya ang tanong na iyon ngunit ngayon lamang niya naisatinig dahil abala siya sa paganalisa ng buong lugar.
"Hindi ka marunong magbasa?"
Marahas siyang lumingon dito at mabilis na sinipa ang binti nito. Ngunit ng tumama ang paa niya rito ay mabilis nitong hinawakan at hinatak kung kaya't nawala ang balanse niya. Pilit niya iyon na hinahatak pero tila wala itong balak na bitiwan siya.
Mabilis niyang itinukod ang kamay sa sahig at isinipa muli ang kabilang paa ngunit sa kasamaang palad ay nahuli muli nito ang isa pang paa niya kung kaya't bumagsak siya pahiga sa sahig.
Dinig niya ang halakhak ng hayup na dinosaur na nage-echo sa buong mausoleo. Muli siyang sumubok sumipa kahit hawak nito ang paa niya pero mabilis pa sa alas kwatro ang depensa nito.
Napanganga na lang siya ng bigla itong dumagan sa kanya at idiniin ang mga kamay niya sa ibabaw ng ulo niya.
"Ano nga ulit ang password ng jurassic park, $ekerim?" nakangiti nitong wika habang naglalakbay sa mukha niya ang mga mata nito.
"Hindi ko sasabihin sa iyo! Hindi kita bibigyan ng full access!" sigaw niya rito habang pilit na pumipiksi.
Tumawa ito at inilapit ang mukha sa mukha niya. "Ano ba ang benefits ng full access, $ekerim? Tell me, para ma-inspire ako alamin ang password." Ang lapit ng mukha nito, halos gahibla na lang ang layo. Naaamoy na niya rin ang mabango nitong hininga na lalong nagpapakabog sa dibdib niya.
"Ride all you can," tila nahipnotismo na talaga siya ng presensiya nito at walang kaabog-abog siyang sumagot.