Chapter 22

1116 Words
Malakas na tawa mula kay T-Ross ang umalingawngaw sa buong mausoleo matapos nitong marinig ang sagot niya. Kasalukuyan pa rin siyang nakakulong sa mala-bakal nitong mga braso at ang buong bigat nito ay nakadagan sa kanya. Ayaw man niya aminin pero kakaibang init ang hatid ng pagkakadikit ng mga katawan nila. Halos natuyo na rin ang mga suot nilang damit sa tagal na nakababad sa katawan nila. "Are you sure na kakayanin mo ang ride all you can, $ekerim?" Nanunudyo ang tono nito habang tila sumasayaw ang mga mata sa pagka-aliw. Hindi rin mapuknat ang pagkakapaskil ng pilyong ngiti sa mga labi nito. Pumiksi siya sa pagkakahawak nito sa mga braso niya na nakadiin sa magkabilang gilid niya ngunit hindi man lang ito natinag. Bagkus ay lalo pa nitong idiniin ang sarili. Ngumisi siya para asarin din ito. Hindi siya papayag na magmukhang mahina sa paningin nito. "Wala ka talagang bilib sa akin, ano? Ako pa?" Pagmamayabang pa niya. Pero tila siya kinabahan sa paraan ng pagtitig nito. Tumatagos sa kaloob-looban niya. Napalunok siya ng bumaba ang mga mata nito pababa sa leeg niya at bumaba pa sa dibdib niya. May saplot pa siya pero pakiramdam niya ay hindi naging hadlang iyon sa malayang imahinasyon ng dinosaur. "Parang ang sarap dukutin ng mga mata mong iyan. Kung saan-saan nakakarating!" nakairap niyang turan. "Sorry, $ekerim. I just can't help it. You are indeed adorable," paanas na sambit nito. Naramdaman niya na lumuwag na ang pagkakahawak nito sa braso niya. Inalis nito ang pagkakahawak sa isang kamay niya at malaya itong humaplos sa braso niya. Wala sa loob na napakagat siya sa labi niya dahil sa boltahe ng kuryente na agad tumulay sa katawan niya. Awtomatiko na namigat ang talukap ng kanyang mga mata at pumikit ng makita na papalapit na ang mukha ni T-Ross sa kanya. Ngunit ilang saglit na ang lumipas pero hindi pa rin dumadampi ang mga labi nito sa kanya. Mabilis siyang nagmulat ng mga mata at nakita na nakatunghay lamang ito sa mukha niya na tila sinasaulo ang bawat sulok at linya. May kakaibang kislap sa mga mata nito na hindi niya mapangalanan kung ano. "Sana in-inform mo ako na titigan pala ang trip mo para naman ready ako," ingos niya rito. Tinulak niya ng kanyang kamay ang mukha nito at pilit na kumakawala para makatayo. Dinig niya ang palatak nito sabay hapit sa kanya. Biglang nanlaki ang mga mata niya ng walang pasabi nitong sunggaban ang labi niya. Nakaawang ito kaya malayang sumalakay ang dila nito at mabilis na gumalugad sa bawat sulok ng bibig niya. Tila nawalan ng lakas ang buong sistema niya at tuluyan na lamang na nagpalukob sa pananalakay ni T-Ross sa labi niya. Ramdam niya ang kabog ng dibdib nito na tinutugon din ng kabog ng dibdib niya. Tila may sariling ritmo ang mga ito na sinusundan na sinabayan ng mga mumunting boltahe ng kuryente na dumadaloy sa katawan niya sa bawat dampi ng labi at haplos nito. Walang alinlangan niyang tinugon ang mga halik at haplos nito. Ilang sandali lamang ay tila sila nasa isang kumpetisyon na walang gusto magpatalo. Kapwa nila habol ang hininga ng maghiwalay ang kanilang mga labi. Ilang sandali na katahimikan ang namayani sa kanila habang nakatitig sa mga mata ng isa't isa. Naglandas ang daliri nito sa labi niya bago muling sinakop ito ng mapangahas na labi. Bumaba ang halik nito at naglandas papunta sa panga niya at pababa sa leeg. Mariin na nakapikit ang mga mata niya habang nakapulupot ang mga kamay sa batok nito at panaka-nakang humahaplos sa buhok ng lalaki. Dinig niya ang ungol nito na naghatid ng kakaibang init na tila sinilaban sa katawan niya. Ngunit napamulat siya ng may maramdaman na dumaan na malamig na ihip ng hangin mula sa kung saan at tila nakaramdam ng presensiya at may nagmamasid. Bahagya niyang tinapik ang balikat ni T-Ross na abala sa paghalik sa leeg niya. "Why, $ekerim?" nakakunot ang noo na tanong ni T-Ross. Magkahalo ang pagtataka at pagkabitin sa itsura nito. "P-parang may malamig na hangin ang umihip tsaka parang may mga mata na nakamasid sa atin," anas niya rito kasabay ng paglibot ng mga mata niya sa paligid. Pagak na napatawa si T-Ross at inilibot din ang mga mata sabay baling sa kanya. "Are you saying that there's a ghost here, $ekerim?" "Ewan ko, malay ko! Baka nabulabog sila. Ang lakas mo kasi umungol, para kang baka!" angil niya rito sabay irap. "Ang tapang-tapang mo sa mga kalaban pero sa multo tiklop ka?" Sinusupil nito ang ngiti sa labi. Hinampas niya ito sa balikat habang nakalapat ang mga ngipin at masama ang tingin sa lalaki. "G*go! Baka Lolo mo iyong nanunuod sa atin. Nakakahiya ka! Dapat galingan mo para maging proud sa iyo!" Malakas na tumawa si T-Ross at walang anuman na binuhat siya at naglakad sa pasilyo. "You are crazy as h*ll, $ekerim!" Tinignan niya ang lalaki habang nakapulupot ang braso niya sa leeg nito at si T-Ross naman ay patuloy na naglalakad sa pasilyo palapit sa nicho na may nakaukit na tatlong pangalan ng Del Fierro. "Tanungin mo baka gusto niya maging scorer." Bumaba ang tingin nito sa kanya at walang babala na sinakop ang labi niya at mariin siyang hinalikan. Nang narating ang dulo ng pasilyo ay tsaka nito binitawan ang labi niya at marahan siyang inilapag. Nakaharap sila sa nicho ng mga ninuno ng dinosaur. "Ano gagawin natin dito? Kakatukin natin ang mga ninuno mo?" Umangat ang braso nito at hinapit siya palapit. "This is my hideout." "Nicho? Sino'ng siraulo magha-hide out sa loob ng nicho?" "Well apparently, ako ang siraulo na iyon, $ekerim," nakangisi nitong turan. Lumakad ito sa gilid ng nicho at may pinindot. Nanlaki ang mga mata niya ng gumalaw ang ibabaw ng nicho at umangat. Tumambad ang hagdan pababa. Nilingon niya si T-Ross habang nakaawang ang labi niya habang ang lalaki naman ay nakatingin sa kanya at nakangiti. "Oo nga, siraulo ka nga. Saan mo nilagay ang abo ng mga nakalibing dito? Ang sama mo! Inagawan mo pa sila ng bahay!" "We transferred their urn in Manila, doon sila nakalagak. So I decided to make this place my hideout. . . and might also be our honeymoon place," sambit nito na may pilyong ngiti sa labi. Umatras siya at itinulak ito. "Baliw ka? Dito talaga? Ano na lang isasagot mo sa anak mo kapag tinanong saan siya nabuo? Sasabihin mo sa sementeryo? Ano ipapangalan mo? Nicho?" Malakas na tumawa si T-Ross at walang babala na binuhat siya at humakbang na pababa ng hagdan. "Nicho is a good name though."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD