Nang maibaba siya nito ay hindi niya maiwasan na hindi paikutin ang mga mata niya sa paligid.
Tila isang hotel room ito at ni sa hinagap ay hindi niya maiisip na may ganito karangyang silid sa ilalim ng mausoleo.
Si T-Ross ay naglakad at pumasok sa isang pinto na sa palagay niya ay walk-in closet.
Humakbang siya at iniinspeksyon ang bawat paligid. Ngunit naantala ang pagmamasid niya ng makita niyang lumabas mula sa walk-in closet ang lalaki na ngayon ay naka-boxers na lamang at walang damit pang-itaas. May nakasabit na tuwalya sa balikat nito pero hindi naging hadlang iyon para masilip niya ang namumutok na abs nito.
Napalunok siya. Mga tatlong lunok. Tila biglang natuyo ang lalamunan niya at uminit ang paligid.
Umiwas siya ng tingin dito habang pinapaypay ng isang kamay ang mukha niya.
"Why $ekerim? Naiinitan ka ba?" nakakunot ang noo na tanong ni T-Ross ngunit may sinusupil na ngiti sa labi.
Marahas naman niya itong nilingon na may matalim na tingin. "Oo ang init dito! Hindi mo naman ako in-inform na kapitbahay mo pala ang impyerno!" nakairap niyang sambit. Hindi naman talaga mainit, nais niya lang itago ang malaking epekto ng presensya ng lalaki sa kaniya.
Pumalatak ito bago naglakad at may dinampot na remote at itinutok sa aircon at pinababa ang temperature. "O ayan, hindi na impyerno ang kapitbahay natin. North Pole na. Check mo baka nasa kabila si Santa Claus," nakangisi nitong wika sabay kindat sa kanya at dumiretso na sa loob ng banyo.
Matalim pa rin ang tingin na ipinukol niya sa may pinto ng banyo kahit kanina pa ito naipinid ng nang-aasar na si T-Ross." North Pole at Santa Claus ka pang nalalaman. Gawin kitang reindeer diyan eh!" malakas na sigaw niya para marinig ito ng dinosaur.
Padabog siyang umupo sa gilid ng kama, doon niya lang napansin ang nakatuping damit na nakapatong. Isang oversized shirt at boxers.
Haist! Wala nga pala siyang damit.
Napaangat siya ng tingin ng bumukas ang pinto ng banyo at niluwa si T-Ross na may hawak na tuwalya habang nagpupunas ng buhok. May mga butil pa ng tubig na naglalandas sa hubad baro nitong katawan. Ang boxers naman nito ay hapit na hapit at nakabakat ang natutulog na dinosaur.
Napalunok siya. Kahit kasi natutulog ito ay mukhang busog lusog ito sa laki!
P*nyeta! Mukhang masisira ang kinabukasan ng jurassic park ko kapag nakapasok ang higanteng nilalang na iyon sa likod ng boxers nito.
Bigla siyang nataranta ng mag-umpisa itong humakbang palapit sa kanya. Ang tingin nito ay hindi nawawaglit sa kanya. Mabilis niyang dinampot ang damit at mabilis na gumulong sa kama at walang lingon-likod na tumakbo papasok ng banyo. Dinig pa niya ang malakas na tawa nito mula sa kwarto.
Tila gumaan ang pakiramdam niya sa maligamgam na daloy ng tubig na nagmumula sa shower. Maging ang kirot na nagmumula sa kanyang braso ay bahagyang naibsan.
Ang daming tumatakbo sa isip niya sa oras na iyon. Sino ang humahabol sa kanila at gusto silang patayin? Ano ang motibo ng mga ito? Sino si Yohan Vermin?
Idagdag pa ang biglaang pagpapakasal nila ni T-Ross. Naguguluhan siya sa nangyayari. Sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay halos hindi na niya masundan. Tila siya nangangapa sa dilim idagdag pa na parang naging suntok sa buwan ang misyon nila na mahanap ang kinaroroonan ng kuya Eros niya. Pakiramdam niya ay napakaraming balakid.
Dagli siyang napadilat ng maulinigan ang pagpihit ng seradura ng pinto ng banyo. Naningkit ang mata niya sa inis dahil hindi na niya kailangan hulaan kung sino ang nasa likod ng pinto. Mabilis niyang tinapos ang paliligo dahil baka may susi ito ng banyo at umatake nanaman ang kaabnormalan.
Napatigil siya ng makita ang repleksyon sa salamin, tanging boxers ni T-Ross lang ang suot niya na panloob dahil nilabhan niya ang bra niya kasabay ng underwear.
Siguro naman hindi na nito mapapansin dahil bukod sa malaki ang suot niyang damit na umabot na rin hanggang kalahati ng tuhod niya ay papatayin naman ang ilaw.
Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng banyo at nakiramdam kung nasaan ang bwisit na dinosaur.
Naulinigan niya na nasa walk-in closet ito dahil bukas din ang ilaw. Kasalukuyan niyang tinutuyo ang buhok ng may mahagip ang mga mata niya sa bedside table. Isang picture frame, pero nakatumba ito kaya hindi niya makita kung sino ang nasa litrato.
Lumapit siya rito para tignan, akmamg iaangat na niya ito ng biglang may malaking kamay na umagaw rito.
"Ano ba? Patingin ako kung sino yan," angil niya rito.
"Wala lang 'to," sambit nito at mabilis na binuksan ang drawer at sinusian iyon.
Lalo naman na umusbong ang kagustuhan niya na makita iyon. "Alam mo, parang ang dami mong misteryo na tinatago," wika niya rito. Iyon talaga ang totoong nararamdaman niya sa lalaki. Tila ito maraming sikreto.
Ngumiti ito at pumikit sabay iling habang nakaupo sa gilid ng kama.
Nakita niya na hawak pa nito sa kamay ang susi kaya mabilis niyang hinablot ito ngunit mas mabilis ang kamay ni T-Ross. Naiiwas nito na makuha niya ang susi. Ngunit dahil sa pagiwas nito ay napasubsob siya rito at ang kamay ng lalaki ay mabilis na humapit sa kanya kung kaya't napaupo siya rito paharap.
Nataranta siya ng maging ang isang kamay nito ay pumulupot na rin sa kanya. Akma siyang aalis ng mas lalo nitong higpitan ang pagkakahapit sa kanya.
"Hoy Dinosaur, bitiwan mo nga 'ko! Dati ka bang tuko?" angil niya rito pero ang totoo ay halos lumabas na ang puso niya sa bilis ng t***k nito.
Ngumisi ito at nakita niya na papalapit na ang mukha nito sa kanya.
Lord! Ayoko mawasak ang jurassic Park ko! Hindi ko keri! Baka mabutas ang bahay-bata ko sa haba no'n at umabot hanggang large intestine ko! I kennat!
Mabilis niyang inuntog ang noo niya sa noo nito kung kaya't napabitaw ito. Mabilis siya umalis sa kandungan nito at tumakbo papasok sa closet ngunit agad din palang nakasunod sa kanya si T-Ross at naiharang na nito ang katawan bago pa niya mailock ang pinto.
Umatras siya at umikot ang mga mata kung ano ang pwede na gawin niyang sandata. Nakita niya ang lagayan nito ng necktie at mga shoe laces. Inabot niya ang switch ng ilaw at pinatay iyon sabay mabilis na kumuha ng dalawang necktie at dinakot ang mga shoe laces.
Umikot siya sa kabila para makatakbo palabas ng kwarto. Nakikita niya ang bulto nito at sakto na tumalikod ito ay kumaripas siya ng takbo palabas ng kwarto pero mukhang hindi yata talaga ito magpapatalo sa bilis.
"Leche! May lahi ka sigurong snatcher! Ang bilis mo tumakbo!" angil niya rito ng mahuli nito ang beywang niya. Pero mabilis niya ito sinipa sa binti kaya nabitawan siya.
"F*ck! Grabe mapanakit ka na ha, $ekerim! Humanda ka sa 'kin!" wika nito habang hinihimas ang binti.
Itinago niya sa ilalim ng unan ang necktie at shoe laces. Lumuhod siya sa may kama sabay sigaw rito ng makita niya na papasugod na ito sa kanya.
"Taympers!" sigaw niya habang naka-porma ng letter T ang mga kamay.
Ngumisi ito pero nagpatuloy ito sa paglapit.
Umabot ang kamay niya sa may unan at nahawakan ang necktie. May naisip nanaman siyang kalokohan.
"Humanda ka sa akin, $ekerim!"
Ngumiti naman siya ng matamis dito na kinabigla rin ng lalaki. "I'm ready! Let's get it on!"
Pagsampa nito sa kama ay hinatak niya ito at itinulak pahiga na ikinagulat nito pero kita niya ang kasabikan sa mga mata nito. Umupo siya sa may tyan nito at kita niya ang sunod-sunod na paglunok nito habang nakatitig sa mukha niya pababa sa dibdib niya.
Gusto niyang pamulahan ng mukha dahil nakalimutan niya na wala pala siyang suot na bra at bakat na bakat ang matayog na dalawang bundok sa ilalim ng t-shirt niyang suot.
Hinawakan niya ang magkabilang braso nito at inilagay sa magkabilang gilid nito at pasimpleng inabot ang necktie at mabilis na hinatak para humigpit ang pagkakatali.
"What are you doing, $ekerim?" kunot ang noo na tanong nito ng mapagtanto ang ginagawa niya.
"Tinatali ka. Hindi mo ba nakikita?"
Mabilis ang kilos na itinali niya ang mga kamay nito sa headboard. Umalis siya sa pagkakadagan dito at sinunod na itinali ang mga paa nito gamit ang shoe laces.
"Kalagan mo nga ako. Bakit mo ba 'ko tinali?"
"Sagutin mo muna ang mga tanong ko at gawin mo ang lahat ng iuutos ko," nakangisi niyang wika. Umupo siya sa may gilid nito habang ito ay tila baka na kakatayin sa itsura ng pagkakatali.
"Eh kung ayoko?" hamon na sambit nito.
"Kung ayaw mo, edi ganito ang gagawin ko..." sabay haplos sa binti nito na may balahibo at hinugot ang isang buhok.
"Oh f*ck! Stop it, Elix Khale!" hiyaw nito kasabay ng pagpasag nito mula sa pagkakatali.
"O ano, hindi ka susunod? Mauubos yang buhok mo sa binti," banta niyang sambit dito habang may malapad na ngisi sa mga labi niya.
"Humanda ka sa akin kapag nakaalis ako rito. Gaganti ako tandaan mo 'yan!" angil nito.
Umakma siyang nabigla at humawak pa sa dibdib niya. "Ano, babarilin mo' ko?"
"Oo babarilin kita ng sunod-sunod, tapos siyam na buwan kang hindi dadatnan!"
Akma niya muling bubunutin ang buhok nito sa binti ng malakas muli itong sumigaw. "Ano ba kasi ang ipapagawa mo!"
"Kumanta ka ng twinkle twinkle!"
"What the hell? Ano ba iyang trip mo?"
"Ayaw mo?" nakataas ang kilay niya at nagbabanta ang mga mata.
"You're crazy, $ekerim!" binagsak nito ang ulo pabalik sa unan.
"Ano? Kakanta ka o kakanta ka?" pinwesto niya ang kamay sa binti nito.
"Oo na! Kakanta na! Twinkle twinkle little star, how I wonder what you are. Up above the world so high like a diamond in the sky. Okay na?"
"Okay, very good!"