Lingid sa kaalaman ni Amaryllis ay nag-uumpisa ng humulagpos ang pagkakabuhol ng tali ni T-Ross sa kamay.
"Okay next question!" wika pa ni Amaryllis na may ngisi pa sa labi habang nakatingin sa mukha ng lalaki.
"Okay, $ekerim. Kung hindi ko sasagutin ano nga ulit ang gagawin mo?" may kislap sa mga mata na wika ni T-Ross.
"Edi mauubos ang buhok ng binti mo!" may gigil pa sa mukha nito na sagot sa lalaki.
Ngumiti ng palihim ang Dinosaur habang hinihintay ang susunod na gagawin ni Amaryllis. Kunwari na patango-tango lamang ito at sumasang-ayon sa sinasabi niya.
"Sino si Yohan Vermin at bakit bigla na lang tayong ikinasal sa Ninong mong Judge?" kahit nakaupo ito ay nakuha pang mameywang habang naka-indian sit at nakasalubong ang mga kilay.
Sa tanawin na nakikita ni T-Ross ay lalong tila naging kaakit-akit ang babaeng lukaret na ito lalo at nagtataray at nagiging seryoso. Hindi niya halos pinansin ang mga sinasabi nito at tanging sa bumubuka nitong labi lamang nakatuon ang kanyang pansin.
Tapik sa pisngi niya ang nagpabalik sa ulirat niya.
"Hoy, Dinosaur! Ano? Saang planeta ka na nakarating?"
"Malapit na sa rurok, $ekerim," pilyong sagot nito.
Isang pinong kurot naman sa tagiliran nito ang pinakawalan sa kanya.
"Kahit kailan talaga napaka--- ayyy!" napatili siya. Dahil bago pa man niya matapos ang sasabihin ay bigla na lang siyang hinapit ni T-Ross at sa isang kisapmata ay nasa ilalim na siya nito.
"Handa ka na ba sa ganti ko, $ekerim?" paanas na sambit ng lalaki.
"Hoy! Paano ka nakawala? Umalis ka nga! Bitawan mo 'ko!" angil niya rito habang pumapalag. Kinakabahan siya sa kakaibang kislap ng mga mata nito.
Ngunit ni katiting ay hindi natinag si T-Ross. Mataman itong nakatunghay sa mukha niya habang pinagsalikop nito paitaas sa ulo niya ang magkabila niyang kamay.
Lalo siyang kinabahan ng mapagtanto na itinatali nito ang kamay niya sa sintas ng sapatos na pinanggapos niya rito kanina at ibinuhol sa headboard ng kama.
"Thunder Ross Fierro! Umayos ka!" babala niya rito.
Tumawa ito at umiling sabay kagat sa mamula-mula nitong labi.
Sandali siyang natigilan sa ginawa nito. Sh*t! Ang hot n'on! Yawa!
"How I love hearing you call my name, $ekerim," halos pabulong ang pagsambit nito. Napaigtad siya ng maramdaman ang paghaplos ng palad nito sa may tiyan niya papuntang tagiliran.
Oh my aliens! Ito na ba iyon? Mapapasok na ba ng dambuhalang dinosaur nito ang jurassic park ko? Teka! Hindi ako ready!
Natataranta ang utak niya pero ang katawan naman niya ay parang may sarili ring pag-iisip na tila nagugustuhan ang posisyon at pagdaiti ng katawan nito sa kanya.
Para siyang ginapangan ng boltahe ng kuryente ng maramdaman niya ang pagpasok ng mapangahas na kamay nito sa loob ng oversized t-shirt niya. Idagdag pa na alam niya na wala siyang suot na bra kaya panigurado ay malaya nitong mahahawakan ang dalawang matayog niyang kabundukan.
Sandaling nagtama ang mga mata nila bago walang babala nitong sinakop ang kanyang labi.
Napasinghap siya ng maramdaman ang mainit at basa nitong labi sa kanyang labi. Hindi niya alam kung bakit tila ang tamis at ang sarap nito na kusang pumikit ang mga mata niya para namnamin ito.
Marahan ang paggalaw ng mga labi nito, banayad, masuyo at maingat. Walang pagmamadali, wari ba ay isinasaulo ang hugis ng kanyang labi.
Tila naiinip naman siya sa bagal ng paghalik ng dinosaur sa kanya. Naiinis siya dahil hindi niya rin maikilos ang mga kamay niya mula sa pagkakagapos. Dahil kung hindi ay kanina pa niya itinodo ang paghalik dito.
Ayoko ng mabagal at nabibitin! Char!
Tila naman naramdaman ni T-Ross ang pagkainip niya kung kaya't nagsimula na nitong laliman ang halik. Kumatok mula sa b****a ng labi niya ang mapangahas nitong dila at doon ay malaya nitong ginalugad ang bawat sulok ng bibig niya.
Napasinghap siya ng maramdaman ang palad nito na sumakop sa kanang dibdib niya at nag-umpisa na masahihin. "Uhmm," napadilat siya ng mapagtanto na ang pag-ungol na iyon ay mula sa bibig niya.
Nagtama ang paningin nila, mapungay ang mga mata nito at ramdam niya na hindi na magpapapigil pa ito. Kahit harangan pa ng bomba!
Mula sa pananalakay sa labi niya ay bumaba ang halik nito papunta sa panga niya, pababa sa leeg niya. Hindi rin niya namalayan na naiangat na nito ang t-shirt niya at nakahantad na rito ang dibdib niya.
Dagli siyang nakaramdam ng hiya ngunit may excitement din siyang nararamdaman.
"T-Ross, pwede mo bang alisin na ang tali? Nahihirapan ako at nangangalay. Hindi naman ako lalaban eh," nakanguso niyang turan.
Muling natawa si T-Ross sa tinuran ng asawa at mabilis nitong inilapit ang mga labi sa punong tainga nito at bumulong ng may paos na tono. "Kahit lumaban ka pa, $ekerim. I'll make sure that you will end up screaming my name. "
Inilayo ni Amaryllis ang mukha niya at salubong ang mga kilay na tinignan ang lalaki. "So, sigawan ng pangalan ang labanan natin dito gano'n?"
"No, baby. Ubusan ng lakas ang labanan natin ngayon. Handa ba ang mga tuhod mo?" pilyong tanong ni T-Ross habang ang mga kamay nito ay abala sa paghaplos sa bawat daanan ng kamay nito sa katawan ni Amaryllis.
"Hah! Huwag mong kuwestiyunin ang lakas ng tuhod ko. Dahil kung lakas din lang ng tuhod ang usapan, baka malugi ang eskelan at arthro sa lakas nito noh!" nakairap niyang sagot kay T-Ross.
"Hmm... Let's see kung talagang malakas nga. Come here, my $ekerim," anas nito sa kanya sabay hapit dito at muling sumalakay ang mapangahas na labi nito sa labi niya.
Naging abala rin ang mga kamay nito sa pagkalas ng tali at tuluyan ng kinalagan ang kanyang mga kamay. Awtomatikong pumulupot ang mga ito paikot sa batok ng dinosaur at nakipagtagisan na rin ng intensidad ng halik dito.
Dagli siyang napamulat ng marinig ang pagbulalas ni T-Ross.
"You are so damn beautiful, $ekerim!" Nagtama ang mga mata nila at kita niya ang pagdaan ng hindi maipaliwanag na emosyon mula sa mga mata nito.
Nang bumaba ang mga mata nito sa dibdib niya ay tila gusto niyang pamulahan ng mukha. Natanggal na pala nito ang oversized shirt niya ng hindi niya namamalayan.
"No, baby. You don't have to cover yourself. You look so perfect." Hinawakan nito ang kamay niya na tumatakip sa katawan niya at dinala sa labi nito. Yumukod din ito at tinaniman ng maliliit ng halik ang mukha niya.
"Uhmm, T-Ross," napadaing siya ng sakupin ng labi nito ang isang tuktok ng sierra madre niya. Napakagat siya sa labi sa kakaibang sarap na hatid ng pagsipsip nito roon na tila sanggol habang ang isang kamay nito ay abala naman sa pagmasahe sa kabila. Hindi niya malaman kung saan ibabaling ang ulo ng laruin pa ng dila nito ang korona.
"Call my name more, baby. Come on, $ekerim," sambit nito kay Amaryllis.
Napadilat siya at tinignan ito ng masama. "Pwede ba mag-focus ka na lang diyan sa ginagawa mo? Huwag na puro utos! Bilis!" pagsita niya sa lalaki. Ngumiti ito bago muling itinuloy ang ginagawa. Mukha naman na sumunod ito dahil halos mabaliw siya sa mga sunod na ginawa nito sa kanya.
Ang isang kamay nito ay dumako sa jurassic park niya at pangahas na kinapa iyon.
Pakiramdam niya ay kaya niyang punitin ang bedsheet sa higpit ng pagkakakuyumos niya rito.
Walang kahirap-hirap na natanggal nito ang boxers na suot niya at inihagis lang sa kung saan.
Napalunok siya ng tumapat ang mukha ng dinosaur sa b****a ng langit. "Hoy dinosaur, ano'ng gagawin mo?" napasigaw siya dahil sa pagkataranta sa binabalak nito.
Umangat ang tingin nito sa kanya at ngumisi. "I'm unlocking your jurassic park, $ekerim."