Napalunok siya sa tinuran ni T-Ross. My gulay na pampahaba ng buhay! Ito na talaga ang araw na tuluyang mahahawi ang mataas na talahiban ng jurassic park niya! Muli siyang napalunok ng sunod-sunod ng makita ang mataman nitong pagtitig sa malalagong talahiban niya. Ngunit dagling nagsalubong ang mga kilay niya ng makalipas pa ang ilang segundo na nanatili itong nakatitig lang doon. "Hoy! Ano eye to eye contact lang ba ang peg mo sa jurassic park ko? Ano ba tinititigan mo riyan?" inis na sambit niya sabay mahinang kalabit sa mukha nito. Umangat ito para magpantay ang mukha nila at mabilis siyang kinintalan ng halik sa noo. "I just can't believe that you are already mine, $ekerim. And now, I can kiss you, caress you and make love to you." Napatitig siya sa mga mata nito at kita niya ang s

