Natagpuan niya ang sarili na kaswal na naglalakad palabas ng Bureau. Kipkip sa bulsa ng jacket ang folder ng kaso ng kuya niya. Madilim ang mukha niya na tila sino mang haharang ay paniguradong bubulagta sa harap niya. Nagpupuyos ang loob niya sa matinding galit na sinabayan pa ng pagkadismaya sa natuklasan. Masakit ang loob niya, mas masakit pa sa pisikal na pananakit sa pagitan ng hita niya matapos ang pagpapaubaya niya sa sarili sa lalaking hindi pa niya lubos na kilala ang pagkatao. Ang masaklap pa ay hinayaan niyang mahulog siya sa patibong nito na pati ang puso niya ay tila hindi niya naprotektahan mula rito. "P*nyeta ka ng isandaang beses, Fierro!" pabulong na ngitngit niya habang nakakuyom ang kamao. Gustong-gusto niyang sugurin ito muli sa rooftop at ubusin ang bala sa mag

