"I need your help, Larkspur." Tumaas ang kilay nito habang nakahalukipkip at nakasandal sa gilid ng pader. "Ano namang tulong ang kailangan mo aber?" "Nawawala si Kuya Eros hindi ba? Magpapatulong ako sa kaso niya," sambit niya sabay tayo mula sa sofa at kaswal na naglakad papunta sa kusina ni Larkspur at walang kaabog-abog na binuksan ang ref at kumuha ng soda in can. "Ayos ah, bahay mo?" Nginisihan niya ito habang binubuksan ang soda. "Toh naman! Hindi ba dapat kapag bisita sasabihan mo ng feel at home?" "Gagi, hindi ka bisita. Bwisita!" nakairap na tugon nito. "Wala ka man lang pagkain dito sa bahay mo? Ano kinakain mo, mga microchips?" "Pumunta ka ba rito para sa kuya mo o para lang makikain?" iritableng wika ni Larkspur. Agad naman na sumeryoso ang mukha nito at lumapit kay

