Chapter 46

1061 Words

Sinag ng araw na dumadampi sa balat niya ang gumising sa diwa niya. Kumurap-kurap pa siya para pawiin ang panlalabo ng mga mata niya mula sa mahimbing na pagkakatulog. Luminga siya habang pilit bumabalik sa ulirat. Purong puti ang paligid. Lumingon siya sa kanan niya at nakita niya ang dextrose stand kung saan nakakabit ang suwero niya. Nagulat pa siya ng makita si Larkspur na nakahalukipkip sa gilid. "Nakaligtas nga 'ko kay Aljon, pero parang sa iyo ako mamamatay dahil sa gulat, impakta ka!" ingos niyang turan dito. Tumawa ito at lumakad palapit sa kaniya. "Ang OA ah? Tingin mo sa mukha ko pang-horror?" "Oo, kamukha mo si valak!" asar niya rito. Iwinasiwas naman nito ang buhok nito. "Ganda mo ah?" "Gaano 'ko katagal nakatulog?" pag-iiba niya ng usapan bago pa sila magbugbugan dala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD