Pinilit niyang bumangon para salubungin at pigilan si Eros. Pero hindi pa siya tuluyang nakakatayo ng makita sa gilid ng mga mata ang pagtayo ni Aljon at pagbunot ng isa pang baril nito mula sa likuran. Sh*t! Ano ba uunahin ko?! Pero natulos siya sa kinatatayuan ng biglang may isang malakas na putok ng baril at bumulagta si Aljon. Lumingon siya sa pinanggalingan ng putok at napanganga. "Foxglove!" sigaw niya. Si T-Ross naman ay dinamba rin ang kuya niya at niyuyugyog na tila ba ginigising mula sa bangungot. Ilang sandali pa ay nagsipasukan na rin sila Larkspur, Oleander at isa pang hindi niya inaasahan na makikita. "Wolfsbane!" Nanlalaki ang mga mata niya. Paika-ika siyang naglakad palapit sa mga ito. "Hindi ba kakapanganak mo lang? Anong ginagawa mo rito?" mangha niyang tanong. Kakap

