"Oh, I'm sorry po! Hindi ko sinasadya!" sambit ni Elix sa lalaking nakabangga niya at natapunan ng soda sa canteen ng Bureau. Nakasalubong ang kilay na umangat ang mukha nito habang pinapagpagan ang damit na nabasa ngunit bigla rin nagbago ang ekspresyon ng mamukhaan siya. "It's alright. Alam ko naman hindi mo sinasadya," nakangiting wika nito sabay lahad ng kamay. "By the way, I'm Captain Aljon Melendrez." Nakakailang ang mga titig nito. Pakiramdam niya ay hinububaran na siya nito sa isip. Dumila pa ito sa labi. May itsura naman ito, tae nga may itsura eh. Pero ito, iyong itsura talaga na hindi gagawa ng mabuti at hindi mo pwede pagkatiwalaan. O baka bias lang siya dahil alam niya ang background nito. Matangkad ito, wari niya ay nasa 5'9" ang height. Moreno at malapad ang balika

