Kapwa sila napalingon ni Captain Melendrez ng biglang bumukas ang pinto ng conference room. Tila muntik na ito madurog sa bigat ng pagkakabukas niyon. "Am I disturbing something here?" napalunok siya ng marinig ang boses nito. "Commander Fierro! Why are you here?" bigkas ni Aljon sa pangalan ni T-Ross. Doon lang ito tumuwid ng tayo at hinintay si T-Ross na makalapit. Nagkaroon na siya ng pagkakataon na malayang makalingon at sumalubong sa kaniya ang nagbabagang mata ng dinosaur. Dinosaur na dragon, gano'n! Rawr! "May ipinadalang files ang director para kay Agent Elix. So, kung hindi nakakaistorbo kailangan ko ito idiscuss sa kaniya ASAP," mariin ang huling salita nito na wari ba ay ipinapaintindi kay Aljon na kailangan na nitong umalis sa harapan nito. Now na. Nilingon siya ni Aljo

