Chapter 4

1279 Words
Tila mas matindi pa sa pagsabog ng bomba ang naramdaman nya sa sinabi nito tungkol sa Kuya nya. "Anong sabi mo?" kailangan nyang ipaulit dito para makasiguro na tama ang narinig nya. Bumuntong-hininga ito at hinilamos sa mukha ang mga kamay "Let's talk inside. Bukod sa confidential ito, ayokong may ibang mata na magpyesta dyan sa suot mo" seryoso na ang mukha nito. Pero bigla syang napatingin sa suot nya. Shocks! Oo nga pala, nakasuot lang sya ng manipis na sando at nakapajama ng satin. At dahil alam nyang hindi naman sya lalabas ng bahay ay wala din pala syang suot na bra! My goodness! Parang gusto kong bumuka nalang ang lupa at lamunin ako! Now na please! Yoko na sa earth! Mabilis nyang pinagkrus ang kanyang mga kamay sa dibdib nya para takpan ang dalawang matayog nyang bundok na bumabakat sa manipis nyang sando. "Pasok na. Dali!" singhal nya dito para pagtakpan ang pagkapahiya nya. Dinig nya pa ang mahinang palatak nito. Pero bago pa man sya makahakbang papasok ay mabilis itong lumapit sa kanya kaya napaatras sya at napasandal sa pader habang nakakrus pa din sa dibdib nya ang mga kamay at nakatitig sila sa mata ng isa't isa. Napalunok sya, shemay! Bakit ba ganito ang epekto ng lalaking to sa sistema ko? Nakakainis! Nilapit nito ang mukha sa kanya at tinukod ang isang kamay sa gilid nya na lalong nagpabilis ng t***k ng puso nya. "Akin na tong baril. Baka masyado kang matulala sa kagwapuhan ko maiputok mo pa yan." nakangisi nitong wika habang hindi inaalis ang titig sa kanya sabay kuha ng baril sa kanya at tinanggal ang pagkakakasa nito. Napakurap sya at pilit binabalik sa ulirat ang sarili. Sa inis ay itinulak nya ito ng malakas ngunit tila ito bakal na halos hindi natinag. Lalong nanlaki ang mga mata nya ng bumaba ang tingin nito sa dibdib nya at may pilyong ngiti sa labi. Tinanggal nya kasi ang mga kamay sa pagkakatakip sa kanya ng itulak nya ito at alam kong mas aninag nito ang dibdib nya dahil sa lapit ng distansya nila. Bwisit! Mabilis nyang binalik ang mga kamay sa dibdib nya "Ang mata mo! Tutusukin ko yan!" angil nya dito pero isang nakakaakit na halakhak lang ang itinugon nito sa kanya. Mabilis syang pumiksi dito at nagmartsa papasok ng bahay. "umupo ka muna dyan. Huwag kang mangingialam ng kahit ano sa bahay ko nakikita kita sa camera!" banta nya pa dito. Prente lang itong naupo sa sofa at inilagay ang magkabilang kamay sa sandalan habang nakatingin sa kanya. "Go change. Huwag mo na ko akitin. Sabi ko sayo hard to get ako" gustong umusok ng bunbunan nya sa mga pinagsasabi nito. Nakita nya ang bote ng alcohol sa gilid nya at mabilis itong binato dito na mabilis naman nito nailagan. "Joke lang!" tumatawang turan pa nito kaya agad ko nang tinalikuran. Kailangan na nya ito makausap tungkol sa Kuya nya ng matapos na at makalayas na ito sa paningin nya. Feeling ko kasi maaga ako tatanda sa bwisit sa hudyo na to eh! Nang makabalik sya ay may bitbit na din syang dalawang baso ng juice. "Oh nakakahiya naman sayo" padaskol na wika nya sabay lapag ng juice sa harapan nito. Nag-angat ito ng tingin sa kanya at mabilis na ngumiti habang pinasadahan sya ng tingin. Nakasuot na sya ng loose na tshirt at pantalon habang naka-messy bun ang buhok nya. Wala syang pakialam kung mukhang losyang na kapitbahay ang itsura nya mas mahalaga sa kanya ang malaman ang tungkol sa kapatid nya. "Ang sweet mo ah? Baka nilagyan mo ng gayuma to?" ayun nanaman ang nang-aasar na mukha nito. Mariin syang napapikit. Goodness! Pahingi ng pasensya please! "Lason. Lason ang nilagay ko dyan nang bumula yang bwisit na bibig mo!" halos mawala na ang itim ng eyeballs nya sa tindi ng irap na binibigay nya dito. "kapag hindi ka pa umayos, ihahagis na kita palabas ng bahay ko!" Iiling iling lang ito habang may dinukot sa loob ng jacket nito na folder. "Here." inilapit nito sa kanya ang folder na agad naman na kinuha nya at nagpatuloy ito sa pagsasalita "Pagkatapos ng operasyon namin ni Eros sa Devon Syndicate ilang araw lamang ay bigla itong naglaho na parang bula. Ang mga gamit nito ay naiwan sa barracks kaya imposible na umalis sya. Nang hinalughog namin ang tulugan nya ay may nakita ang isa naming kasamahan na sulat. Inabot nito sa kanya ang isang kapiraso ng papel. Binuklat nya ito binasa "Find my sister and ask for help". Nanginginig ang mga kamay nya habang binabasa ito. "Kuya" mahinang sambit nya. "Yung nangyari nung nakaraang linggo, tinutugis namin ang Vermin Syndicate nang araw na yun. Base sa intelligence ay sasalakay nga ang mga ito sa isang malaking bangko kaya mabilis kaming kumilos at inabangan sila. Isa silang malaking sindikato sa likod ng mga holdapan sa mga malalaking establishimyento at isa din silang loan shark. Nilulubog nila sa utang ang mga nagigipit sa pera at pagkatapos ay hinihinging interes ang lupa nila o kapag may anak na babae ang mga ito ay yun ang magiging kabayaran." Wala sa loob na nalamukos nya ang hawak na papel habang nakatingin sa kawalan at pinapakinggan ang sinasabi ng lalaki. "Dalawa ang tinitignan namin na maaring may pakana ng pagkawala nya, una ay ang Devon Syndicate. Napatay kasi ni Eros ang kapatid ng leader ng sindikato kaya maaring gusto nilang gumanti." "Sumunod ay ang Vermin gang na nakaengkwentro natin last week. Ginawa kasing pain ng gang ang kasintahan ng leader nila para pasukin ang intelligence ng kampo, ngunit nahulog ang loob nito sa kapatid mo. Isang araw ay biglang naglaho nalang ang babaeng ito kaya't gumawa ng paraan ang kapatid mo para matunton ito at hiningi nya ang tulong ko. Pero sa araw na napag-usapan namin ay hindi ko na sya naabutan at naglaho na syang parang bula." "Pinaimbestigahan ko na din ang background mo at nung araw na nagkaengkwentro tayo ay kilala na kita. Mas napatunayan ko pa ang skills mo nang halos gustuhin mo na ikaw nalang ang mag-detonate ng bomba." "Inimbestigahan ako?" tanong ko habang pilit iniintindi ang mga sinasabi nito. "Oo. Myembro ka ng isang vigilanteng grupo na V Queens at isa kang bomb expert." nakangisi ito na tila nahalukay na ang buong pagkatao nya. Umirap sya at tumikhim "So saan tayo mag-uumpisa sa paghahanap kay Kuya? Kailangan na nating kumilos baka ano na mangyari sa kapatid ko" puno nang pag-aalala ang tono nya. Bumuntong-hininga ito at tinitigan ang mukha nya "huwag ka mag-alala. Mahahanap natin sya" Parang gustong tumalon ng puso nya. Sana mahipan ito ng hangin at lagi nalang ganito kaseryoso kausap. Naisip ko din na kontakin ang V Queens at humingi ng tulong. Pwera nalang kay Wolfsbane dahil buntis nanaman ito matapos makapanganak ng kambal. At sigurado hindi din naman ito papayagan ng asawa nito kahit gusto nito at kahit hindi pa sya buntis. "Sa umpisa?" papilosopo nanaman nitong sagot. kiniling pa nito ang ulo. Naglapat ang mga labi nya at naningkit ang mga mata "Eh kung iumpog ko kaya yang ulo mo?" "Biro lang! Masyado kang seryoso eh" "G*go ka ba? Nawawala kapatid ko, ano gusto mo magpa-party ako?!" naiinis na talaga sya dito. "Hey! Kalma! Kilala ko ang kapatid mo, masamang damo yun. Maililigtas natin sya, okay?" inangat nito ang baba nya gamit ang hintuturo nito. Sabay pa kaming napatigil dahil sa posisyon namin. Masyado nanaman pala kaming malapit sa isa't isa. Tumikhim ako at bahagyang lumayo. Awkward! "Ano ngang plano?" tanong ko para mapawi ang nakakailang na pakiramdam sa pagitan namin. "Ibabahay muna kita". Ano daw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD