"Ibabahay muna kita". Ano daw?
Agad nyang dinampot ang envelope na nasa lamesa at hinampas ito sa mukha ng mahanging aircon "anong ibabahay pinagsasabi mong talipandas ka?"
Mabilis na sumalag ang mga braso nito sa hampas nya habang tumatawa "Joke lang! Ito naman hindi na mabiro. Pero kung gusto mong totohanin pwede din naman --aray!" hindi na nito natapos ang sasabihin dahil sinuntok nya ang hita nito habang magkalapat ang mga ngipin at nanggigigil.
Marahas syang tumayo at humalukipkip sabay panaka-nakang dinuduro ang lalaki "Alam mo kung hindi lang dahil kay Kuya Eros hindi kita pagtya-tyagaan kausapin. Mas gugustuhin ko pang kausap ang pader!"
Umiling iling ito at sumandal sa sofa sabay bulong "sungit!"
"Anong sabi mo?"
Sumilay nanaman ang mapang-asar na ngiti nito "wala! Sabi ko nagugutom na ko." nagbeautiful eyes pa ito. Talaga namang ipinagmamayabang ang ganda ng mga mata nito na sinabayan pa ng pagtaas taas ng malalagong kilay nito.
"Wow! Anong tingin mo sa bahay ko restaurant? Kung nagugutom ka lumayas ka na at kainin mo kung anong gusto mo. Tsupi!" sabay wasiwas ng kanyang mga kamay.
Nagulat sya ng tumayo na nga ang lalaki. Akala nya ay aalis na nga ito pero napanganga nalang sya ng hindi ito sa pinto dumiretso kundi sa kusina nya!
"Hoy! Ayun ang pinto oh! Bakit andito ka sa kusina ko?!" angil nya dito habang tinuturo ang pinto
"Maghahanda ng pagkain. Mukhang ayaw mo naman ako ipagluto kaya ako nalang magluluto." nginisihan lang sya nito habang kampante na binuksan ang ref na kala mo pag-aari nya ang bahay. Nilagay pa nito sa baba ang kamay habang nakaarko sa ibabaw ng labi ang hintuturo na animo nag-iisip kung ano ang iluluto nya habang nakatunghay sa bukas na ref.
Nilapitan nya ito at akmang isasara ang pinto ng ref ng pigilan sya nito. Nauubos na talaga ang pasensya nya dito!
"Hep! Huwag mo ko pigilan magluto kung ayaw mong mapilitan akong iba ang kainin ko ngayon, $ekerim" matiim itong nakatitig sa mga mata ko na tila ba ito apoy na unti-unting tinutupok ang katinuan nya. Nagbabanta ang mga tingin nito pero mababakas pa din ang kapilyuhan.
Nakapigil din ang kamay nito sa braso nya na naghahatid ng maliliit na boltahe ng kuryente na hindi nya alam kung saan nanggagaling.
"Mahirap bumuo at magdiscuss ng plano kapag gutom, kaya hayaan mo muna ako magluto at ng makakain tayo bago natin pag-usapan ang pagliligtas kay Eros." mahinahon at tila nasapian nanaman ito ng kaseryosohan. Konti nalang talaga iisipin ko na may bipolar disorder tong aircon na to. Piniksi nya ang kamay nya mula sa pagkakahawak nito at nagmartsa palayo dito. Hindi nya gusto ang kakaibang epekto nito sa sistema nya. Nakakapanghina.
Hinayaan nya itong kumilos sa kusina habang sya ay nakaupo lang sa may lamesa at walang ibang ginawa kundi ang pagmasdan ang likod nito at ang paggalaw ng matitipuno nitong braso na bakat na bakat sa puting tshirt nito habang naggigisa.
"Are you done mind-raping me, $ekerim?" napakurap sya ng marinig itong magsalita habang nakatalikod ito.
"Anong mind-raping pinagsasabi mo dyan?! Bilisan mo na nga dyan ng makapag-umpisa na tayo!" pagtataray nya para pagtakpan ang pagkapahiya. Pano kaya nya nakita na nakatingin ako sa kanya? May third eye ba sya?
Napakurap syang muli nang bigla itong humarap sa kanya mula sa paghahalo sa niluluto nito. "alin ang uumpisahan natin?" kita ko ang pagbasa nito sa natural na mamula mula nitong labi at ang tila nang-aakit na tingin nito.
"Kapag hindi ka tumigil ipupukpok ko sayo yang sandok na hawak mo!" gigil na turan nya sabay irap dito. Dinig naman nya ang pagtawa nito.
Pero bakit ganun? Parang ang gwapo ng tawa nya? May ganun ba? Hays! Nababaliw na yata sya!
Nang matapos itong magluto ay sya na ang kusang kumilos para ayusin ang lamesa. Kahit naman papano ay bisita nya ito. Ay mali, bwisita.
Biglang tila kumalam ang tyan nya nang ihain na nito ang niluto sa hapag. Buttered shrimp at mixed vegetables. Shocks! Puro paborito nya ang mga ito. Napatingin sya sa mukha nito, posible kayang --- hindi, hindi, imposible. Baka nagkataon lang. Winaksi nya ang nasa isip.
"Why?" kunot noo nitong tanong sa kanya ng mapansin ang pagtitig nya.
"Wala" iling nya. Akmang hihilahin na nya ang upuan pero maagap ang lalaki at nahila na ito para sa kanya.
Gentleman yarn? Tila nalito ang pakiramdam nya. Hindi nya alam kung magpapasalamat ba dito o tatarayan nalang itong muli.
"You're welcome" tila nabasa naman nito ang kanyang isip at inunahan na sya. Inirapan nya ito at sabay nalang silang natawa.
Napapikit sya ng malasahan ang buttered shrimp. Heaven!
"stop doing that, $ekerim." saway nito sa kanya na kinamulat ng mata nya.
Tinignan nya ito ng masama bago ito umiling at bumuntong-hininga ng marahas.
"In fairness, ang sarap ng luto mo" puri nya dito. Sobrang nagustuhan talaga nya. Parang gusto pa nya magpaluto dito. Lihim nyang tinatawanan ang sarili. Matapos mong taray-tarayan ngayon magpapaluto ka pa. Okay ka lang, Ghorl?
Ngumiti ito. Yung tipo ng ngiti na kailangan mong higpitan ang lahat ng pwedeng malaglag sayo. "So, pasado na ba ko maging asawa?"
Napakunot ang ilong nya at mapang-asar na tumawa "Cooking skills, pasado. Masarap! Pero ugali? Maygad! Dapat siguro asawahin mo mga kindergarten or elementary teacher para mahahaba ang pasensya sa kasing kulit mo!" dinuro duro nya pa ito ng tinidor na hawak nya.
"Okay lang. Atleast bukod sa masarap ako magluto, masarap din naman ako" hirit pa nito. Mabilis nyang inabot ang tissue box sa gilid at hinagis dito na sinalo lang naman nito.
"Bwisit ka talaga!"
Tila aliw na aliw ang lalaking aircon na to na bwisitin sya dahil nagsasayaw ang ningning sa mata nito lalo na pag naiinis na sya.
"Mr. Fierro, seryoso na. Sino ba uunahin nating imbestigahan sa dalawang grupo na posibleng kumuha kay Kuya?" lihim nyang hinihiling na sana sapian na ito ng kaseryosohan.
Nag-angat ito ng tingin mula sa pagsubo ng pagkain "Let's start with the Vermin Gang. Isasama kita sa headquarters para makilala mo din ang iba pa natin makakasama sa misyon"
Gusto nyang magtatalon sa tuwa, sa wakas nagseryoso din ang loko!
"Hihingin ko din ang tulong ng V Queens. Kakailanganin ko din sila sa misyon" dagdag pa nya. Samantalahin ang katinuan ng lalaking aircon na to.
Tumango ito. "Sure. We will be needing their expertise. But before we start the mission kakausapin muna natin ang mga magulang mo" napatigil sya sa pagbanggit sa parents nya.
"Ba-bakit?" ayaw na sana nyang idamay at pag-alalahin pa ang mga ito.
"Para meet the parents" wika nito habang nagkikibit-balikat.
"Mr. Fierro!" sigaw nya sa apelyido nito sabay bagsak ng kutsara at tinidor sa plato nya.
Pumikit ito habang may pilyong ngiti bago muling nagmulat at tumingin sa kanya
"Don't call me that, $ekerim. Call me Tatlim instead para sweet" sabay kindat sa kanya at kagat sa labi.
"Tatlim? Eh kung patalim na lang kaya tapos itarak ko dyan sa leeg mo para mas sweet?!" angil nya na habang nagkikiskisan ang mga ngipin.