Chapter 2

927 Words
Kumatok ako sa pinto bago ako pumasok ng library. Nakita ko na nakaupo si daddy sa may lamesa at nasa gilid niya naman na nakatayo ang aking mommy. Si Ali naman nakasandal sa isang shelve malapit sa lamesa kaharap si dad. "Sit down Seleena." Turo niya sa couch na nasa harapan niya. Napakunot noo na lang ako dahil sa pormal na boses ni dad. Naupo na ako at nakuha ng atensyon ko ang isang papel sa coffee table na nasa gilid ng inuupuan kong couch. "Oh, andito na pala ang mga grades ko. Tungkol ba dito ang pag uusapan natin dad?" Iiling-iling na lang si daddy habang nakatingin sa akin. "Look at your grades." "What about it?" "Ano? Ganyan lang ang reaksyon mo sa grades mo? For goodness sake, Seleena! Unang taon mo pa pang sa kolehiyo at preliminary exam pa lamang 'yan! Paano na ang mga susunod!?" Hay heto nanaman tayo. Huminga ako ng malalim at relax lang akong umupo. "Dad, alam mo namang hindi ako matalino. Atleast naipasa ko. Yun naman ang mahalaga. Right?" "Ha! Akala ko ba mag aaral ka ng mabuti ngayong college? You promised me na hahayaan kita sa pagbubulakbol mo nung highschool at babawi ka ngayon!" "Dad hindi ko naman alam na ganyan pala kahirap sa college at ang taas pala ng standards nila! Ang dami dami pang projects. Hindi na kaya ng braincells ko!" Napahalakhak naman ang mokong na si Ali. Tinignan ko siya ng masama dahil sa pang-aasar niya. Hindi na siya napansin ni daddy dahil sobrang problemado niya. "And what's the problem with my grades? It's just numbers. Duh" "Lady, I don't like that tone." Seryosong turan ni mommy at bigla akong kinabahan. Napaupo ako ng maayos. "Sorry, mom." Siya talaga ang pinaka-strict sa kanilang dalawa. My dad's love spoiling me at hinahayaan lang siya ni mom, kapag sumobra na ay doon na siya magsasalita. Hindi na nakapagtataka kung ganito ako lumaki, hindi takot sa ama. Dad took a deep breath before speaking "Ali and I talked about this. He will tutor you until the end of the semester. If your grades didn't change, you will be grounded for the next whole semester" Napatayo ako sa gulat "What!? Dad, you can't do this to me!" Mabilis akong lumapit sa lamesa ni dad at siguradong namumula na ang mukha ko sa galit. "What's your reason for this? Bakit bigla ka na lang naghihigpit sa grades ko!?" "Seleena, calm down!" Kalmado lamang si mommy ngayon. Hindi na sila nagulat sa reaksyon ko. It feels like they expected it. "I will not repeat what I've said. I'm done spoiling you. Your mom's right, I should've done this, long time ago." Tumayo na siya at hinila si mom paalis pero bago nila maisara ang pinto ay may pahabol pa siyang bilin. "Ali, ikaw na bahala sa kanya. Mag-usap kayo ng maayos. And please, stop fighting with each other." And they're gone. Just like that! Nanghina bigla ang tuhod ko at napahawak sa lamesa. Napatingin ako kay Ali na nakasandal pa rin sa isang shelve at nakangisi parang tuwang tuwa siya na nakikita niya akong nahihirapan. "Your times up Cinderella. You have to face the reality now." Tawang tawa siyang tugon sakin at halatang tuwang-tuwa siya kasi nakabawi siya sa ganitong paraan. Bakit parang ang bilis naman ng karma? Nakatagilid akong paharap sa kanya at nakitang lumapit siya sa akin. Pumikit ako ng mariin at mabilis siyang hinarap. "Give me your schedule. Para malaman ko kung mag aadjust ba ako ng time para sayo " Tinaasan ko siya ng kilay "Sino ko ba para utusan mo ako?" "Hindi mo narinig ang sinabi ni tito sa'yo? O kaylangan kong ulitin para maintindihan mo ng mas maigi?" Pang aasar niyang tanong. "What's with you now? Parang noong nakaraan lang nagpapatulong ako sa'yo sa assignment ko ay snob mo lang ako! Sinabi mo na sa iba ako magpaturo tapos ngayon inutusan ka lang ni daddy, go ka naman agad. Ang hilig mong magpalakas kay daddy. Sipsip!" Hindi ko napigilan ang sarili kong bulyawan siya, gusto kong ilabas lahat ng galit ko ngayon kaya hindi na ako masyadong nakapag isip pa ng maayos. "What?" Napanganga siya sa mga salitang binitawan ko. "Ganyan ba talaga ang nasa isip mo? Kaya ba lagi kang galit sa akin?" "Oo! Attention seeker!" Namula ng sobra ang kanya mukha sa sobrang galit. Lumapit siya lalo sa akin at halos isang pulgada na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa. Napanganga ako sa gulat at hindi makagalaw. Hindi ko napigilan ang sarili ko na titigan siya. Ang ganda pala talaga ng mga mata niya, ang haba ng pilikma at ang tangos ng ilong. Bagay na bagay sa mukha niya. Ang labi pulang pula at basa dahil sa pagdila niya, parang ang sarap halikan. Hindi ko alam kung gaano katagal kong tinitigan ang labi niya. Natigilan na lamang ako ng bahagyang tumaas ang isang gilid ng kanyang labi at ngumisi. "Whay are you looking at my lips? Hmm?" Malambing niyang tanong. Napaatras ako sa gulat nang nagsalita siya. Hinawakan niya naman ako sa braso para hindi ako matumba para bang alam niya na naghihina ang tuhod ko. "Say that again to me and I will kiss your f*****g lips." marahan na parang nang-aakit niyang sinabi. "Bukas na tayo mag usap dahil para wala ka nanaman sa sarili mo." Tinitigan niya saglit ang mukha ko tsaka ako binitawan at nag martsa paalis. Tuluyan ng naghina ang tuhod ko at napaupo. Sumandal ako sa lamesa at hinawakan ang puso kong nagwawala. Fuck! I'm doomed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD