Chapter 3

1045 Words
Noong dumating siya dito, pinag isipan ng mga magulang ko kung papalitan nila ang last name ni Ali. Pero hindi na nila tinuloy dahil masyado pa siyang bata para makapag decide sa bagay na 'yan. Kung magkakatuluyan kami ay hindi naman bawal. Baka nga gustong gusto pa ng mga magulang ko dahil kilalang kilala na nila si Ali at napakalapit nito sa pagiging perpekto. Mayabang nga lang. Tekaaaaa! Bakit ko ba iniisip to? Magkakatuluyan!? Nakakatawang isipin pero nagwawala nanaman ang puso ko at para akong lalagnatin kapag naiisip kong magiging kami ni Ali. Hindi ako makatulog. Patihaya, padapa, pagilid at kung anu-ano pang posisyon ang ginagawa ko dito sa kama para makatulog pero, s**t! Hindi talaga ako pinapatulog ng diwa ko. Si Ali na lang palagi ang nasa isip ko. Hindi niya pwedeng malaman na crush ko siya. Hindi kakayanin ng pride ko. Baka pagtawanan niya lang ako. At baka nga hindi na lang paghanga 'to dahil ayaw niyang lumubay sa sistema ko. Napatayo ako sa iniisip ko. Binuksan ko ang ilaw ng kwarto ko at humarap sa salamin. Ayon sa mga classmates ko ay nasobrahan daw ako sa kaputian, kaya ang tawag nila sa akin ay snow white. Hindi ganun kalakihan ang boobs pero napunta naman sa pwet ko ang laman, payat ako at medyo kinulang sa height. Binabantayan ko talaga ang diet ko kasi tabain kami sa lahi namin. My mom told me that. Kaya walang wala akong sa mga babae ni Ali, mahilig siya sa malalaking boobs katulad ni Arianne. Nanghina ako sa iniisip ko at bumalik sa higaan. I know Ali would never like me. Tingin niya lang sa akin ay bata. Kahit magpapansin pa ako ay kapatid lang talaga ang turing niya sa akin. Baka pagtawanan niya lang ako kapag nalaman niya ang nararamdaman ko. Hindi ko namalayan nakatulog na ako ng mabigat ang dibdib. Kinabukasan ay latang lata akong gumising, madaling araw na kasi ako nakatulog. Dahan dahan akong bumababa ng hagdan dahil pakit pikit ang mga mata sa sobrang antok. Hindi ko alam kung paano ako natapos sa pagligo at pagbibihis. Talent ko na yata 'to. Hindi ko namalayan nasa likod ko na si Ali. Pababa na rin siya ng hagadan pero nakapagtatakang sinasabayan niya ako ngayon. Seryoso siya nakatingin sa akin. Kakatitig ko din sa kanya ay namali ako ng apak. Muntik na akong mahulog, mabuti na lang at nailalayan niya ako. "s**t! Muntik na 'yon." Nakahawak na siya sa braso ko para hindi ako tuluyang mahulog. "Are you okay?" bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. Tumango na lamang ako at mabilis na humiwalay sa kanya, dahil ilang hakbang na lamang para makababa na kami ay mabilis na akong nakarating sa dining. "Magandang umaga Seleena at Ali. Maupo na kayo at mag almusal. Nakaalis na ang inyong mga magulang dahil may business trip daw sa Singapore. Hindi na nila nasabi sa inyo kagabi dahil nagmamadali sila." "Sige po, manang." "Manang kumain na po ba kayo?" Tanong ni Ali bago umupo sa harap ko. "Oo hijo, kanina pang madaling araw. Sige na at umupo ka na para makakain na. Ah, oo nga pala bilin ni Theodore na isabay mo si Seleena sa pagpasok kasi may inutos siya kay Roy at walang magdadrive sa batang 'yan." Napatingin muna sa akin si Ali bago sumagot kay manang "Sige po, walang problema." "Ano po manang, wala si manong Roy? May pupuntahan pa naman po kami ni Jade mamaya." Napanguso ako dahil akala ko'y makakapag relax ako ngayong araw. "Hay nako hija, itigil mo na yang paggagala mo at bantayan mo ang mga grado mo para hindi ka na mapagalitan ng iyong ama. O, siya mauna na ako at mamalengke pa kami ni Boy." Napahinga na lang ako ng malalim at napatunganga habang kumakain. s**t, antok na antok pa talaga ako. Gusto ko pang matulog pero kapag nalaman nina dad na hindi ako pumasok, baka lalo lamang akong higpitan. Habang ngumunguya ay hindi ko napansin na nakatitig pala sa akin si Ali. "Hindi ka ba nakatulog ng maayos?" Nahihimigan ko na parang may konsensya sa boses niya. Napasimangot ako "Obvious ba?" Obvious bang ikaw ang dahilan? Charot. "Bakit? Dahil ba sa pagtatalo niyo ni tito kagabi?" Kahit kelan hindi niya tinawag na daddy si dad, kahit si mom. Kahit anong pilit nila mas kumportable daw siya sa tawag niyang tito at tita sa kanila. "Ano bang pakialam mo? Kumain ka na nga lang dyan at baka malate pa tayo." Sabay tayo ko at diretso sa garahe para makapasok na ako sa koste niya. Naka-dalawang subo lang yata ako ng kanin dahil gusto ko nang umidlip kahit hanggang papunta lang sa school. Bubuksan ko pa lamang sana ang pinto para makapasok na pero nakalimutan ko pala ang susi. Babalik na sana ako sa loob para kunin pero bigla itong tumunog at nasa likuran ko na pala si Ali. Hindi na ako umiik at pumasok na ako sa loob. I reclined my seat so that I'm more comfortable taking a nap. Pagpikit ko pa lang ay ang pagpasok niya sa kanyang kotse. Napapikit ako ng mariin ng naamoy ko ang pabango niya. Humarap na lang ako sa bintana na nasa gilid ko para mawala ang focus ko sa katabi ko. Habang pinapaandar ang kotse ay tsaka siya nagsalita. "I'm not free on Wednesdays, Thursdays and Fridays. I can only tutor you on Saturdays and Sundays." Napalingon ako sa kanya "Why?" Nagtataka din soyang napalingon sa akin pero binalik niya agad ang tingin sa daan. "What do you mean, why?" "Bakit hindi ka available sa mga araw na yun?" "Because I have my part time jobs" "Really? Part timer ka pala?" He scoffed. "Why I'm not surprised that you didn't know?" Nagloading ang utak ko at hindi agad nagets ang sinabi niya "Ah, that's why you always come home late. I thought that you were busy dating your classmates." Napahalakhak siya. "You have a wild imagination, Seleena." Naiwan ang ngiti niya sa kanyang labi at ang kanyang mata ay kuminang dahil sa pagtawa niya. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Tumibok nanaman ang leche kong puso. Kahit ang tawa niya ay nakakakilig. Inirapan ko na lang siya. Tumagilid na ako at pinilit ko ng umidlip ngunit ayaw pa rin kumalma ng puso kong gustong kumawala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD