Naalimpungatan ako kasi biglang nangalay ang braso ko dahil nakatagilid ako ng higa. Pipikit-pikit pa ang mata ko, nang marealize ko kung saan ako nakatulog ay bigla ako napatayo. Nagulat si Ali sa tabi ko na may hawak na libro. Nandito na kami sa loob ng kotse niya at nasa parking area ng school.
"Anong oras na? Bakit pa tayo nandito?"
"Ang sarap ng tulog mo kaya hindi na kita ginising."
Napatingin sa oras at 10:45 na. Halos tatlong oras akong tulog? Bumalik sa pagbabasa si Ali at hindi niya pinansin ang panic sa aking mukha
Tinapik ko ng malakas ang kanyang braso. "Hoy! May klase ka din diba? Bakit hindi mo ako ginising!?"
Sinarado na niya ang kanyang libro at hinarap ako patagilid. Nilagay niya ang isang kamay niya sa likod ng aking upuan at ang isa naman ay nasa manibela ng kanyang sasakyan. He slowly lean to me. s**t, my heart! Napaatras ako ng konti dahil sa gulat. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya dahil baka mahalata niya na bigla akong ninerbiyos sa kanya.
"Mamaya na lang tayo pumasok. Hinihintay kitang magising para makapaglunch na tayo. Hindi mo masyadong ginalaw ang pagkain mo kanina, alam kong magugutom ka." He's talking while searching for my eyes. Iniwas ko lalo at tumingin na lang sa bintana sa gilid ko.
Pumikit ako ng mariin. Heto ang pinakaiiwasan ko. Ang magkasama kaming dalawa. Ayoko na kaming dalawa lang. Hindi ako makapag isip ng maayos when he's close to me. His presence affect me so much. Lalong lalo na ngayong magsasabay kaming maglunch. Hindi ko matandaan kung gano na kami katagal na kumain sa labas ng kaming dalawa lang. Iniwasan ko na siya noong napagtanto ko na ang nararamdaman ko sa kanya. Ayokong malaman niya, dahil... natatakot ako.
Pero, iba ang sinasabi ng puso ko.
I need to compose myself. Huminga ako ng malalim bago magsalita. "Saan?" Papiyok kong tanong dahil sa sobrang kaba.
"Hmm, karinderya lang ang kaya ng pera ko sa ngayon. Okay lang?"
Kahit saan basta kasama ka. Sagot nanaman ng isip ko. "Okay"
"Maglakad na lang tayo kasi malapit lang naman." Sabi niya sabay hagilap ng mga gamit namin at nauna ng lumabas.
Naglalakad na kami palabas ng school at lumapit sa pinakamalapit na karinderya.
"Bakit nga pala dito tayo kakain. Meron namang cafeteria sa loob?"
Nilingon ko siya at nakitang nakasabit sa isang braso ang kanyang bag habang ang dalawang kamay ay nakapamulsa sa kanyang pantalon.
"Masyadong mahal ang pagkain sa cafeteria. Dito na lang tayo kasi parehas lang naman ang lasa at makakatipid pa tayo."
"Ha? Bakit ka nagtitipid? Binibigyan ka namaan ng allowance ni dad."
He smirked. "Ever since I stepped into college ay hindi ko na kumukuha ng allowance na binibigay ng mga magulang mo."
Tss, ang yabang talaga. Napatango na lamang ako. "Kaya pala nagpapart time ka." Mapride ka siguro. Hindi ko napagilang ibulong sa sarili ko. Ayoko namang iparinig sa kanya dahil baka mag-away nanaman kami. Wala pa naman ako sa mood ngayong bulyawan siya dahil nakabawi ako ng tulog at maaliwalas ang pakiramdam ko ngayon.
Pero nagtataka ako sa sarili ko kasi hindi ko man lang napansin ang bagay na 'yan sa kanya. Pero hindi na ako magugulat na kaunti lamang ang alam ko sa kanya at isa pa, iwas talaga ako dati pa dahil sa inaalagaan kong galit. Pero mas lalo ko siyang iniwasan nang marealize ko papunta na sa pagmamahal ang nararamdaman ko sa kanya.
Lagi din akong wala sa bahay kasi lagi kaming nag roadtrip ng bestfriend ko. Kaya noong bago ako mag debut ay sasakyan na lang ang nirequest ko sa aking ama. I don't want a extravagant birthday beacuse I personally hate socializing. Tamad akong makipag usap sa mga tao, but Jade tought me on how to. Kaya na lumaki din ang circle of friends ko, yun nga lang ay nakikipag usap nga lang naman ako sa kanila kapag nasa mood ako.
Roadtrips with my best friend is my form of scape. Kaya hindi na ako masyadong nakakapag aral dahil inuuna ako ang ibang bagay. Si manong Roy ang driver ko, kasama namin siya ni Jade dahil hindi pa ako pinapayagang mag drive ng parents ko. Kaya ngayong wala siya ay hindi kami makakapag gala. Napasimangot ako ng naalala ko. Ang tagal kong iniwasan to pero ngayon I'm stuck with Ali. May brains hate it but may hearts contradicting it.
Laging nagtatalo ang puso't isip ko. Hindi sila magkasundo kaya ayokong napapalapit sa kanya kasi hindi ako makapag isip ng maayoos. Pero kapag nanjan na siya ay puso ko na ang laging panalo.
Tapos na kaming kumain at ang sabi niya ay ihahatid niya raw ako sa classroom ko. Nag aaway kami habang naglalakad kasi ayoko.
"Huwag mo na sabi akong ihatid! Makikita ka nanaman ng mga classmates ko at hindi nanaman nila ako titigilan sa kakatanong tungkol sayo!" Papadyak kong sabi.
Napangisi siya sa itsura kong aburido. "Just ignore them." Parang sanay na sanay na siya. Alam na alam niya sa sarili niya na gwapo talaga siya. Ang hangin talaga!
"It's easy for you to say! At isa pa, malayo ang Engineering building dito sa THM building. Mapapagod ka lang!"
Napatingin siya sa kanyang relo "It's okay, ala dos pa naman ang susunod kong klase. I have more time to relax."
Hindi ko mapigiliang sumimangot. Arghhh, ang kulit!
Teka bakit ba ako pang na stress sa bagay na 'to! Hay, hayaan ko na nga lang. Bahala na siya.