Chapter 5

896 Words
My goodness, heto na nga ba ang sinasabi ko. "Girl! Akala ko ba hindi kayo close ng kuya mo bakit hinatid ka niya dito?" Tanong ni Jessica habang nagpipilantik ang kanyang mga mata sa sobrang kilig dahil sa wakas ay nakita na ang crush niya. "I already said this a thousand times! HINDI. KO. SIYA. KUYA!" Gigil kong sabi sa mga classmates kong babae na nasa harapan ko ngayon. Nagkukumpulan sila at inaatake ako ng mga tanong nilang paulit-ulit. "Ey, kasama mo siya sa bahay niyo at inampon ng mga magulang. Ganun na din 'yon!" sabat naman ni Grace. Kung sabunutan ko kaya 'yang buhok mong puno ng split ends!? Hinding hindi ko siya magiging kuya kasi mapapangasawa ko siya! Pumikit ako ng mariin at nirelax ang sarili. May narinig akong tumawa sa gilid ko at thank god dahil dumating na si Jade. "Pwede ba tigilan niyo na ang bestfriend ko! Umalis na kayo sa harapan niya at baka hindi ako makapagtimpi sa inyo!" "Tse! Feeling siga pero lalambot lambot naman!" Nagtawanan ang mga kaklase kong nakarinig sa sinabi ni Jessica. Halatang sanay na sila sa asal niya at hindi sila natatakot sa kanya. Namula si Jade at parang napahiya. Sasabat pa sana siya pero biglang dumating si Mrs. Garcia. Biglang nagsialisan ang mga nasa harapan ko at umupo na sila ng maayos. Dadabog-dabog namang naupo ang katabi ko habang nakasimangot dahil hindi nakabawi. "Oh, bakit ngayon ka lang pumasok? Saan ka pumuntang gaga ka?" Ang bestfriend kong ito'y sisiga siga pero lalambot lambot. Akala mo'y tomboy pero babaeng babae talaga ang puso. Ganyan talaga siya magsalita at kumilos. Kung hindi nila alam at kung kalat na nililigawan niya ang crush niya ay baka aakalain mo na may relasyon kaming dalawa. Noong una ay hindi na kami magkasundo dahil ibang-iba ang pananalita siya sa mga normal na nakakasalamuha ko. Pero nang nagtagal ay nagkasundo kami kasi pareho kami ng hilig, ang gumala dahil parehas kaming may tinatakasan. Nang nagtagal ay unti-unti ko 'rin na-adopt ang pananalita niya. Siya rin lang ang bukod tanging nakakaalam ng nararamdaman ko kay Ali. "Mamaya na tayo mag usap at terror ang teacher natin ngayon. Baka matawag nanaman ang pangalan natin at parehas tayong walang maisagot." Napatawa kami ng mahina dahil relate na relate ang brain cells naming dalawa. In short, parehas kaming mahina sa klase dahil tamad kaming mag-aral. Natapos ang tatlong oras na klase namin kay Mrs. Garcia tungkol sa economics at nanghihina kaming napasandal sa puno sa tapat ng building namin. "Puta! Ayaw ko ng mag aral! Anakan mo na lang ako Azrael, please!" Sigaw ni Jade habang nakaupong pabukaka at nakapikit habang nakasandal sa puno. Tumawa ako ng malakas at hinampas ko siya "Hoy ang bata mo pa para magka anak!" Tumawa din siya habang hinihimas ang braso niyang hinampas ko. "Mas gusto ko na lang makasama si Azrael kaysa mag aral," nagmulat siya ng mata at may naalala "Oo nga pala beshy bakit ka nalate kanina?" Pinaliitan niya ang mga mga habang nakangiti. "At bakit narinig kong hintid ka ni Ali, ha?" Namula ako ng maalala ko ang nangyari kanina bago siya umalis paghatid niya sa akin ay nag usap kami sandali. Nasa tapat na kami ng classroom ko ay huminto siya bago magsalita. "Anong oras matatapos ang klase mo?" Nagisip ako sandali kasi hindi ko memorize ang klase ko. "Ahm, mga 3pm?" Napatawa siya ng mahina dahil sa pagdadalawang isip ko. "Okay, by 5pm tapos na ang klase ko. Hintayin mo ako at sabay tayong umuwi." Napatitig ako sa mata niyang nakatawa. Marahan naman aking tumango. "Pumasok ka na at aalis na ako." Tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad. Tinitigan ko ang likod niya habang naglalakad paalis. Nakanganga pa rin ako dahil sa kagwapuhan niya. Ang ganda ng mga mata kapag ngumingiti at nakakahawa ang tawa niya. Natigil naman ako sa pagtitig sa kanya ng makarinig ako ng mga tili. At doon na nasira ang magandang araw ko dahil sa mga bwisit kong classmates. "Hinatid niya lang ako kasi wala si Manong Roy ngayon!" Nawala ang ngiti sa kanyang mga mukha at napalitan ng pagkabigla. "Ha? Ano? Wala si Manong Roy!?" "Oo! Wala siya kaya hindi tayo makakagala ngayon. At isa pa, mababawasan na talaga ang paggala natin kasi pinagalitan ako ni dad sa naging grades ko sa prelims." "Ha? Bakit? Paano? Wala naman siyang pakielam sa grades mo dati diba? Anong meron ngayon?" Kinuwento ko sa kanya ang buong detalye nang nangyari kagabi. "Ang weird naman ng parents mo nayon." Napatango na lamang ako dahil pareho kami ng nasa isip. "I feel like there's something wrong and I couldn't pin point it. Hindi ko na sila kinulit dahil baka sabihin nanaman nila na hindi ko maiintindihan." Malungkot kong turan sa kanya. Sometimes, I wish that we're not rich and they don't have a job. I'm always alone because they're both busy with our business. Hindi katulad ng pamilya ni Jade na hindi naman sila mayaman pero nakaalalay naman sa kanila ang kanyang mga magulang. Nakakainggit at nakakalungkot isipin na isa lamang ang anak nila'y hindi pa nila mapagtuonan ng pansin. Napasimangot siya at nanghina. "Mukhang wala na din akong choice kundi mag-aral!" Napapadyak siya na inis. Tumawa ako ng malakas dahil ganyan na ganyan ang reaksyon ko kagabi. Isinantabi ko na lamang ang lungkot na nararamdaman at pinagpatuloy ang pakikipag-kwentuhan sa aking kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD