Nagku-kwentuhan kami ni Jade. Sa kahihintay ng oras ay nakaidlip ako. Hinayaan lamang ako ni Jade na matulog at hindi na siya umalis sa tabi ko, naglaro na lamang siya ng games sa phone niya para hindi mainip. 4:45 nang may tumawag sa phone ko at ginising niya ako.
"Hoy beshy yung mahal na mahal mo tumatawag!"
Wala pa ako sa sarili ko at ang bagal bago ko na-absorb ang sinabi niya. Napaupo ako ng maayos. Kinuha ko ang ang akong cellphone at sinagot. "Hello?" Medyo ruspy pa ang boses ko dahil sa pagkaidlip.
"f**k!" Mahina niyang bigkas at hindi ko naintindihan.
"Ha? Ano yun?"
Hindi siya sumagot ng ilang segundo Tumikhim siya ng malakas bago nagsalita. "Asan ka ngayon? Susunduin kita para makauwi na tayo."
"Ha? Hmm.." Ninerbyos ako bigla at medyo nataranta. "N-nandito ako sa tapat ng THM building. Sa puno malapit sa auditorium."
"Okay. What are you doing before I called?"
"I w-was sleeping. Dito sa may puno katabi si Jade"
"I'm sorry, baby. Did I wake you up?"
"Hmmm.. it's okay. Ang sarap kasi ng hangin dito kaya nakaidlip ako." I yawn between those words.
He chuckled sexily. "Papunta na ako jan."
Muntik ko nang mabitawan ang phone ko sa kaba "O-okay." Pinatay ko na agad ang tawag para makapag ayos na.
Hinalughog ko ang bag ko at nagretouch ng mukha. Sa sobrang focus ko ay nakalimutan ko na may kasama pa pala ako.
"Wow. Sana all. Susunduin ka ni Ali? Sana man lang maalala ako ni Azrael, nakakainis!" Papadyak padyak niya na parang bata. Tinawanan ko lamang siya habang nagsusuklay ng buhok.
"Sumabay ka na sa'min para hindi ka na mag taxi."
"Naku, hindi na! Sasabay na lang ako kay kuya. Ngayon mo nga lang masosolo si Ali at alam kong matagal mo ng gustong mangyari 'to. Iistorbo pa ba ako?" Pasundot sundot niya sa tiyan ko at parang siya ang kinikilig.
Tinawanan ko lang siya at maya maya pa ay palapit na si Ali dito. Lakad takbo ang ginawa niya. Pagkalapit niya ay may konting pawis sa kanyang noo. Gusto kong punasan kaso baka mapahiya lang ako at siguradong aasarin lang ako ni Jade kaya hinayaan ko na.
"Tara na?" Taas, baba ang kanyang dibdib dahil sa hingal. Hindi ko siya masisisi dahil ang layo talaga ng building ng Engineering dito. Kaya tuwang tuwa ang mga classmates ko ng makita si Ali dahil madalang lang talaga na mapadpad dito ang mga Engineering Students.
"Sige mauna na ako beshy. Mag ingat kayo." Ngumiti siya sa akin at kumaway. Tinignan na lang niya si Ali at maliit na ngumiti. Naglakad na ito paalis, hindi niya na inasar si Ali dahil nahihiya siya rito. Classmate kasi ni Ali si Azrael.
"Bye beshy. Ingat ka ha.Tawagan mo ako kapag nakauwi ka na." Tumango na lamang siya. Nang makalayo na si Jade ay bigla nanaman akong kinabahan dahil magkasama nanaman kaming dalawa ni Ali. Hindi masanay sanay ang puso ko.
"Halika na." Hinila ako ni Ali sa braso para makuha ang atensyon ko. Binitawan niya din agad nang humarap na ako sa kanya. Tumango ako at nagsimula na kaming maglakad.
Nakarating na kami sa parking lot. Tahimik lamang kaming naglakad dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Ayokong mautal at mapahiya sa harap niya.
Habang lulan ng sasakyan ay nagpatugtog siya ng mahina. Ako naman ay papisil pisil ng daliri ko dahil hindi ako makapaniwalang katabi ko siya at sabay kaming pauwi. Bonus pa na sinundo niya ako.
It's so awkward in here. Or it's just me?
"How's your class?" Panimulang tanong niya, na para bang nabasa niya ang iniisip ko.
Hindi ko napaigilan ang sarili ko at nagsumbong sa kanya. Nilingon ko siya at napasimangot ako ng naalala ko ang tatlong oras na parusa samin ni Jade. "Sobrang boring talaga halos makatulog na ako sa klase. Pinigilan ko lang sarili ko kasi baka tawagin nanaman niya ang pangalan ko at wala akong maisagot." Humaba ang nguso dahil sa inis. Kung pwede lang na huwag ng mag aral ay ginawa ko na.
Tumawa si Ali at kinurot ang pisngi ko. Napahawak naman ako sa kinurot niya. Namula nanaman ang mukha ko. Nagconcentrate siya sa pagmamaneho at hinarap ako saglit.
"You need to focus, Seleena. Para hindi na magalit si Tito sa'yo at magawa mo na lahat ng gusto mo. Patunayan mo na tataas ang grado mo ngayong mid terms. Tutulungan kita, pangako 'yan" Ngumiti siya sa akin. Nagtitigan kami ng tatlong segundo at binalik niya agad ang tingin sa daan.
Bigla akong napatahimik at hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko napansin na kanina ko pa pala siya tinititigan.
First time na nangyari ito sa amin. Dahil sa ilang oras na magkasama kami ay walang halong bangayan, sipaan at sungitan. Heto na ba ang chance ko para makapag first move? Teka ako ba talaga ang magf-first move? Pero ang sabi ni Jade, wala naman mali doon. Ang mahalaga walang karelasyon ang gusto mo. Pero kaya ba ng pride ko?
"Why are you staring at me? May probelama ba?" Pabalik balik ang lingon niya sa akin at sa daan.
"Ha? Ah wala may naalala lang ako" Bumaling na ako sa bintana at napangiti ako sa iniisip ko.