"Stupid.. Love..."
Nandito kami ngayon sa kotse. Pauwi na kami ng bahay dahil galing kami ng Skyranch Tagaytay. Nagpapatugtog kami ng malakas at sinabayan ng pagkanta. Tatawa-tawa na lang si Manong Roy sa kabaliwan naming dalawa ni Jade. Sanay na sanay na.
Biyernes ngayon at kaylangan namin sulitin ang araw na 'to, dahil simula bukas mag-uumpisa na ang pag-tutor sakin ni Ali. At tuwing sabado't linggo ay hindi na kami makakagala ni Jade, kaya naisipan naming lumayo-layo ngayon. Wala kaming pakialam kahit inabot kami ng siyam-siyam sa traffic.
Ang huling kita namin ni Ali ay noong martes pa, pagkahatid niya sa akin ay dumiretso na siya sa bahay ng classmate niya. Hmp! Project study daw! Project study my ass! Akala ko pa naman tuloy-tuloy na ang pagiging close naming dalawa. Hindi ko mapigilang bumalik ang galit ko sa kanya. Ilang araw ko siyang iniwasan dahil masama ang loob ko sa kanya. Nag-expect ako masyado kaya sobra ang pagka disappoint ko. Makipaglandian siya hangga't gusto niya!
Napahinto ako sa pagkanta nang nagvibrate ang phone ko sa aking bulsa. Si Ali tumatawag. Che! Hindi ko pinansin ang pagtawag niya at tinignan na lamang ang oras. It's already past ten and were still kilometers away from our house. I don't f*****g care kahit magsumbong pa siya! Wala naman ang mga parents ko sa bahay dahil as usual busy nanaman sila.
Bumalik ako sa pagkanta at hindi na inisip pa ang ibang bagay. I'm gonna enjoy this f*****g day!
Madaling araw nang nakauwi na kami ni Jade. Naihatid na din namin siya sa kanilang bahay. Si Manong Roy naman ay tumuloy sa kanilang quarters malapit sa gate. Dito na halos siya nakatira kaya pinagawan siya ng sariling bahay kasama si Mang Boy. Hindi kalakihan pero pwede na para sa dalawang tao.
Pagpasok ko sa loob ay sobrang dilim ng pagilid. Hindi na ako nag aksaya pang buksan ang ilaw at dumiretso na sa hagdan. Ginamit ko na lang ang flashlight ng aking cellphone. Papasok pa lang sana ako sa kwarto ay may bigla ng humila ng braso ko. Napatili ako sa malakas dahil sa gulat at nabitawan ko ang hawak kong cellphone.
"What the f**k Ali! Bakit bigla bigla ka na lang lumilitaw! You almost gave me an heart attack!" Hingal kong bulyaw sa kanya. Madaling araw pa naman at takot ako sa multo. Magugulatin talaga ako dahil sa hilig kong manood ng horror movies.
Kaonti lamang ang liwanag ang mayroon dahil nakataob ang cellphone ko. Pero sapat na para makita ko ang galit na galit na mukha ni Ali.
"Why the f**k are you ignoring my calls!?" Dumiin ang hawak niya sa aking braso. "At ganito ba talaga ang normal na uwi mo!? Kung hindi kita hihintayin ay hindi ko pa malalaman na nakauwi ka na!"
Bakit ba galit na galit siya. Siya rin naman ah? Uuwi kung anong oras niya gusto. Nag-init ang mga mata ko ng mata ko nang matandaan ang pag-iwan niya sa akin noong nakaraan. "Why do you f*****g care Ali! Hindi naman kita pinakakailaman ha!? I will go home with the time I want! And you don't get to decide for me!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ko namalayan na may luha na palang tumakas sa aking mata at mabilis na pinunasan iyo gamit ang likod ng aking kamay. Bakit ang sensitive ko pagdating sa kanya?
Lumambot ang mukha niya at lumuwag ang pagkakahawak sa braso ko dahil kitang kita sa mukha ko ang sobrang pagkamuhi sa kanya. Nakitaan ko ng takot ang mga mata niya. Imagination ko lang ba 'yon?
"Sana sinagot mo ang tawag ko para alam ko kung anong oras ka makakauwi." mahinahon niyang sabi. "Nag aalala lang ako kasi pati si Manong Roy ay hindi sinasagot ang tawag ko."
"Dahil inutos ko! Masyado kang pakielamero. Ikaw din naman, palagi ka din na wala rito. Kaya huwag na huwag mo akong susumbatan sa oras ng pag uwi ko!"
"I already told you the reason, Seleena. I have my part time job."
"Bakit noong martes! Wala ka namang work 'non ah. Iniwan mo lang ako mag-isa dito! Sabi mo sabay tayong magdi-dinner!" Tuloy tuloy kong bulyaw sa kanya. At halatang halata sa aking boses na may pagtatampo sa kanya.
Napanganga siya. "I knew it! Kaya pala hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. You're ignoring me."
Ngayon ko lang narealize ang sinabi ko. I opened my mouth but my voice won't come out. Sinarado ko na lang ulit at naramdaman kong namula ang mukha ko.
You need to think of a reason, you idiot! Para kang girlfriend na gustong magpasuyo! Napapikit na lamang ako kasi parang mapapahiya pa ako kapag nagsalita pa ulit.
"Seleena." Hila niya sa braso ko. Lalo kong iniwas ang mukha ko sa kanya kaya nilagay niya ang isang kamay niya sa pisngi ko. "Baby, I'm sorry, hmm? Look at me please?"
Sobrang lambing ng boses niya, para akong hinehele. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko.
Napakarupok mo Seleena!
kumabog ng malakas ang puso ko at para akong maduduling sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.
"I'm sorry kasi kaylangan kong umalis noong araw na 'yon. I promise you, project study lang ang ginawa namin. Umuwi na ako agad pagtapos." Hinahaplos niya ang aking pisngi at palipat lipat sa dalawang mata ko ang tingin niya habang nagpapaliwanag. "I want to talk you more but I need to finish it first para wala na akong gagawin sa weekends."
Kumalma ako sa init ng hininga niya. Napatango na lang ako kasi wala talagang gustong lumabas na salita sa aking bibig.
Ngumiti siya ng maliit at kinurot ng mahina ang aking pisngi. "Next time kapag nagtatampo ka, sabihin mo agad. I don't want you ignoring me. It doesn't feel good."
Napanguso naman ako "B-but.. I've been ignoring you since day one."
"Kaya nga. We gotten close that day, so I thought the barrier that you built was already gone. But you've made another one." Pinaningkitan niya ako ng mata. Ang isang kamay niya sa braso ko ay inilipat niya na din sa kabilang pisngi ko. "I'm sorry, I didn't mean to scare you earlier. Are you okay?"
"I-I'm o-okay," nauutal ako at parang mabubuwal sa kinatatayuan ko. It's a first time that he held me like this. My heart is cheering for him. My heart is so happy.
Napatawa siya ng mahina dahil naramdaman niya ang kaba ko "Let's talk again tommorow. I know you're tired. Get a rest now." Tinitigan niya muna ang mga mata ko at dahan dahang nilapit ang kanyang mukha. Napapikit ako ng mariin at naramdamang hinalikan niya ako sa aking noo.
Marahan at may paglalambing ang pagbitiw niya sa akin. Pinulot niya ang cellphone kong nahulog kanina, pagtapos ay inabot niya sa akin.
"Goodnight Seleena, dream of me."