Naabutan ko siyang nakaupo sa harap ng lamesa dito sa loob ng library. Tinapik niya ang isang upuan para doon ako maupo. Nakangisi siya habang pinapanood niya ako. Basa pa ang buhok ko dahil sa pagligo, ala una na ako nang hapon nagising kaya pinadalhan na lang ako ni manang ng pagkain sa kwarto. Pagkatapos na pagkatapos ko kumain ay naligo agad ako.
Hindi ko ineexpect na nandito siya agad kaya hindi na ako nag abala pang magpatuyo ng buhok. Tinanong ko si ate Rosa kanina kung nakita niya ba sa Ali, ang sabi nito ay may pinuntahan lamang saglit.
Paupo na ako ay muntik pa ako mabilaukan ng makita ang nagbago sa mukha niya. "Nagpagupit ka?" Turo ko sa buhok niya dahil mas maikli na ito kaysa kagabi. Iyan ba ang pinuntahan niya kanina? Umaliwas ang kanyang mukha at lalaking lalaki tignan ito sa kanyang military cut.
Napahawak siya sa buhok niya at nahihiyang ngumiti "Hindi ba bagay?"
Nakupo kami pareho pero nakaharap kami sa isa't isa kaya kitang kita ko ang buong mukha niya. Umiling ako at ngumiti. "Bagay na bagay sa'yo. Ang pogi mo."
Namula ang kanyang mga tenga at tumikhim ng malakas "Talaga?"
Tumango-tango ako. "Oo, promise. Bakit ka pala nagpagupit?" Nawala ang ngiti ko ng may biglang pumasok sa isip ko. Tumingin ako sa mga papel na sa lamesa para hindi niya makita ang sakit na dumapo sa aking mukha. "May date ka ba?" Mahina pero alam kong dinig na dinig niya dahil naramdaman kong nagulat siya.
"Hey." Hawak niya sa pisngi ko para humarap ako sa kanya. Natatawa siya sa itsura kong nakasimangot. "Wala akong date. Remember, I have to tutor you today."
Singingkitan ko siya ng tingin. "Siguraduhin mo lang."
Hindi niya na napigilan at napatawa siya ng malakas. "Damn baby, you don't have to worry. I'm so fuckin fazed by you." Kinurot niya ang dalawang pisngi ko. "Stop being so cute, baka hindi na ako makapag pigil."
Binitawan niya ako at inayos na ang mga gagamitin namin para sa lesson ngayon. Napatanga ako hanggang ngayon, totoo ba ang sinasabi niya? Anong hindi makapag pigil? Ako din naman ah! Hindi na rin ako makapag pigil. Mahal na mahal ko na talaga 'tong mokong na 'to. Simpleng banat niya lang hulog na hulog na ako.
Nagsimula na ang lesson namin at tinititigan ko siya habang nagsasalita. Magpigil? Bakit siya magpipigil? Mahal din ba niya ako? I don't wanna assume but my hearts already celebrating!
Pinitik niya ang noo ko "Aray!" Hindi naman masakit pero napahawak ako sa noo dahil sa gulat.
"Focus, Seleena."
Napanguso naman ako at tumango. Pinagpatatuloy namin ang pag aaral. Hindi namin namalayan na pagabi na pala. Tinapos niya na lamang ang isang topic at lima ang pinapasolve niya sa aking problem. Hindi na kaya ng brain cells ko! Kanina pa ako nagrereklamo dito at paulit-ulit kong sinasabi na tama na, pero hindi niya ako pinapansin at ipinagpatuloy lang ang pagbabasa sa kanyang libro.
Nang matapos ay napahiyaw ako sa tuwa. "Sa wakas natapos din!" Sinimangutan ko siya habang nagliligpit ng mga ginamit namin. "Hmp! Nakakainis ka, akala ko mag-e-enjoy ako sa lesson natin pero mas terror ka pa pala kaysa sa mga professor ko!"
Tinawanan niya lang ako. "Lagi kasing lumilipad ang utak mo. Kailangan kong ulitin ang ibang sinabi ko, kaya tayo natatagalan."
Inirapan ko na lang siya dahil totoo naman.
"Bumaba na tayo at kumain ng hapunan."
"Ayoko kumain! Gusto ko ng matulog, pagod na pagod ang utak ko ngayon." Sabi ko habang hawak ng dalawang kamay ang aking ulo.
"Come on baby you have to eat." Napailing-iling ako. Hindi niya ako madadaan sa lambing niya ngayon. "Hmm." hawak niya ang isang baba niya habang nag iisip "Do you want some ice cream?"
Napatayo ako bigla "Tara na kumain na tayo para makabili na ng ice cream!"
Tumawa siya ng malakas dahil napakadaling magbago ng isip ko. Sinundan niya na lang ako palabas ng pinto.
Binilisan kong kumain para makabili na kami. Ali knows that I have a sweet tooth. Kung hindi chocolates ang kinakain ko pagkatapos kumain ay bumibili ako ng ice cream sa malapit na convenience store.
"Eat slowly, Seleena. Hindi tatako ang tindahan." Paalala ni Ali sa akin dahil sa bilis kong kumain ay baka mabilaukan ako.
Dahan dahan kong nginuya ang nasa bibig ko "Hindi ko mare-realize na ganito pala ako kagutom kung hindi mo ako niyayang kumain. Naubos ang energy ko sa pag aaral natin."
"Nag aadjust ka pa lang kasi ngayon ka na lang ulit nakapag aral ng seryoso. Bukas ay masasanay ka na."
Binagalan ko na lang ang pagkain ko kaya mas nanuna pang matapos sa akin si Ali. Nakasandal na siya ngayon sa kanyang upuan habang umiinom ng tubig. Naiilang ako sa titig niya kaya tinapos ko kaagad ang pagkain.
Naglalakad na kami pauwi sa amin habang kumakain ako ng ice cream. Siya naman ay may hawak na beer.
"Mahilig ka palang uminom ng alak."
"Hindi naman pero nakakatulong lang sakin 'to para makatulog agad."
"Bakit ba ayaw mo kasi akong patikimin niyan?"
"Hindi pa pwede ngayon."
"Why? Nasa edad naman na ako ah?"
"Kapag tumaas ang grade mo sa midterms. Mag iinuman tayong dalawa."
"Yehey! Sabi mo yan ha!" Tumatalon talon pa ako sa tuwa. Kahit naman hindi mahigpit sa akin ang parents ko ay hindi ko naman sila binibigyan ng ikakasama ng loob nila. Ayoko sa alak pero curious talaga ako sa lasa niya.
"Yes, I promise." tawang tawa pa siya sakin habang inaalalayan ako na baka madapa ako kakatalon.
Nakarating na kami sa loob ng bahay at hinatid niya ako sa tapat ng kwarto ko.
"See you again tomorrow. Don't try to wake up too early. Dalawang oras lang tayo mag aaral. I'll be good to you because it's sunday."
Lalong lumapad ang ngiti ko "Okay Ali! Goodnight!" Yumakap ako sa kanyang leeg at hinalikan ko siya sa pisngi. Naramdaman kong nanigas siya at nagulat sa ginawa ko.
Namula ako ng sobra sa kahihiyan. Mabilis akong pumasok sa aking kwarto at makalas na naisara ito ang pinto kamamadali, pagkatapos ay napasandal na lamang ako. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil parang sasabog ito dahil sa bilis ng t***k ng puso ko.