Paggising ko at tumayo agad ako sa kama ni Ali. Nagising ako dahil hindi ako komportable sa aking panty. Sinilip ko ang kanyang kama at buti na lang ay hindi pa masyadong lumabas ang regla ko. Tumakbo ako sa aking kwarto at hindi na nagpaalam sa kanya dahil nasa cr siya nito at hindi lang kaming magkakarinigan. Naligo agad ako at bumaba. Napansin ni Ali ang pagkasimangot ko dahil hindi talaga ako kumportable kapag meron ako. Pagkatapos naming kumain ay hinili ako ni Ali sa may garahe. "Baby, are you okay? May hangover ka ba? You seems uncomfortable," nakakunot ang noo niya at malalim ang tingin sa akin. Mukhang nag aalala ito. "I'm okay, Ali," kinagat ko ang labi ko dahil nahihiya akong sabihin na meron ako ngayon. "Are you sure?" Tumango lang ako pero halatang hindi pa rin ito nan

