Kaming mga babae ay nauna ng umalis. Ang mga lalaki naman ay nauna na para bumili ng alak. Nakarating na kami sa bahay at nakaready na rin ang mga snacks na pinahanda ko kina manang kanina. First time kong magdala ng classmates sa bahay. Masyado yatang naexcite si manang dahil ang dami niyang naihandang pagkain. Nandito kami ngayon sa garden pool habang hinihintay ang mga boys. Dito na rin kami nagdecide na uminom para makapag swimming na din. Marami akong spare bikinis kaya hindi na nila problema iyon. Hindi ko alam pero mahilig ako pasalubungan ng mga magulang ko ng mamahaling bagay pero naiipon lang sa kwarto ko dahil hindi ko naman nagagamit. Inabot ni manang ang bikini na pinakuha ko at nakapaperbag pa. Excited silang pumili ng kulay na isusuot nila. "Nagdala na din ako ng swimm

