IBA ANG dating ng kaba ni Rachel habang nakatingin sa kalendaryo. Delayed na ng tatlong linggo ang monthly period niya. Dati-rati, mangyari man iyon ay hindi hihigit sa dalawa o tatlong araw. At sapagkat hindi naman nawawala sa isip niya ang nangyari sa kanila ni James ay halos konkreto ang kutob na bumabangon sa dibdib niya. Nang mga sandaling iyon ay nangingibabaw ang takot sa kanyang dibdib. Mula nang huling tangkain ni James na lumapit sa kanya sa ospital ay hindi na ito nagpakita pa. At iyon ay mahigit isang linggo na ring nakalilipas. Ang alam niya, ayon na rin sa naririnig niyang kuwento ng mga kasamahan niyang nurse ay nasa Maynila na ito. Inaasikaso raw nito ang naiwang kompromiso roon. Kung anuman iyon ay hindi niya alam. Kung babae man, ibig bang sabihin ay

