Sick VOUGHN'S POV Bumaba na ako ng hagdan para almusal kahit medyo nahihilo parin ako, hindi ko alam kung dahil ba sa ilang araw kong pag iinom kaya sumasakit ng ganito ang ulo ko. Umupo ako at napatingin naman sila sa akin. "Good morning." bati sa akin ni Dad. "Morning." Nilapag na nina Manang ang kakainin namin. Mabilis akong kumain dahil gusto ko ng matulog sa classroom. Naka ilang subo lang ako bago nagtooth brush, pinanood naman ako ni Mom. Aalis na sana ako ng pinigilan niya ako kaya napabaling ako sa kanya. "Are you okay?" Bahagya akong ngumiti para hindi na siya mag alala sa akin at tumango. Mukhang ayaw akong paalisin ni Mom dahil sa pag aalala pero inalis ko ang paghahawak niya sa akin at agad ng lumabas. Buti maluwag ang daan at mabilis lang akong nakarating. Kapag upo k

