VOUGHN'S POV Napadilat ako ng maramdaman kong may humalik sa akin, hinalikan ko ito ng pabalik at mas pinalalim ang halik bago dumilat. Nakita ko ang mukha ni Chen na nakatitig sa akin, inayos ko ang hibla ng buhok niya at inilagay iyon sa likod ng tenga niya. "Beautiful." mahina kong sabi bago muling tinignan ang nang aakit niyang labi. "Kiss me again, Chen." Wala sa sarili kong sinabi at sa sobrang antok at kalasingan ay napapikit na lang ako. "Maybe I just have to let you go." Bahagya akong napadilat at imbes na si Chen ang makita ko ay si Synesthea ang nakita ko. Naramdaman ko ang pag yakap niya sa akin at pagsiksik ng sarili sa dibdib ko. "Why do you love her so much? I'm here, she's not even here when you need her but still all you can see is her." Sa sobrang kalasingan ay hind

