SYNESTHEA'S POV Agad akong nag park sa hindi kalayuan ng bahay ni Voughn lalo na ng makita ko sa labas si Chen. Anong ginawa niya doon? Gusto kong lumabas pero agad akong napatigil ng dumaan ng mabilis ang kotse ni Voughn. Pinanood ko sila at hindi ko marinig ang pinag uusapan nila dahil masyadong malayo. Nakita ko na lang na niyakap ni Voughn ang coat niya kay Chen. Lalabas sana ako ng agad akong napatigil sa pag bukas ng pinto ng makita na hinalikan ni Chen si Voughn at walang pakielam kung mahulog ang coat. Natigilan ako at hindi na natuloy ang pag bukas ng pintuan. Inistart ko na lang ang kotse ko at nag drive, agad kong pinunasan ang luha ko dahil nanlalabo na ang mata ko. Bumalik ako dito for Voughn. Nang binuksan ko ang cellphone ko ay agad akong nabuhayan dahil ang daming mis

