THIRD PERSON'S POV Naalimpungatan si Synesthea sa sinag ng araw na tumama sa kanyang mukha. Agad siyang napahawak sa ulo niya ng makaramdam ng kirot dahil sa hangover. Napatingin siya sa tabi niya at ng makita niya na wala doon si Wade ay tumayo na siya. Nag paalam sa kanya si Wade bago matulog na aalis ito kinabukasan dahil marami siyang gagawin, lahat ng mga naka schedule kasi kay Wade ay ni reschedule niya para makasama at makatulong sa debut ni Synesthea kaya ngayon niya ito gagawin lahat. Nag bihis lang si Synesthea at nag hilamos bago bumaba na para kumain. Napatigil si Syensthea ng si Vough lang ang tao sa baba, napatingin naman si Voughn sa kanya ng maradaman ang pagbaba niya. Umiwas lang ng tingin si Synesthea at dumiretso sa kusina para kumuha ng pag kain. Tahimik siyang n

