THIRD PERSON'S POV Lahat ay nag palakpakan ng pumasok si Synesthea at Wade. Nakangiti naman si Synesthea na kinakawayan pa at saglit na kinakausap ang mga taong bumabati sa kanya. Lahat ay nakangiti maliban kay Voughn na seryoso lang nakatingin kay Synesthea habang inaalayan si Synesthea na maupo sa may unahan. Nang makaupo na si Synesthea ay hinalikan pa ni Wade ang buhok ni Synesthea kaya agad nag tilian ang mga tao sa ginawa ni Wade. "Parang ang bilis ng panahon, parang noon lang karga karga ka namin ng Mommy mo. My baby girl is no longer a baby. I will give everything you deserve until the day I die, I will make sure you will leave happily. " Buti na lang ay naka water proof make up si Synesthea kung hindi ay kanina pa nasira ang make up niya dahil sa pag tulo ng luha niya. Marami

