THIRD PERSON'S POV Maagang gumising si Vincent para makapag luto ng almusal nila. Kapag baba niya ay agad napakunot ang noo niya ng makita si Voughn na mahimbing na natutulog sa may sala habang may mga alak sa gilid niya. Agad siyang lumapit sa mahimbing na natutulog na si Voughn at bahagyang inuga para magising. "Hmm," ungol ni Voughn. Mas inalog pa ni Vincent si Voughn kaya kunot noong napadilat si Voughn. Nang makita niya si Vincent ay napakusot siya sa mata at naupo. Natabig niya pa ang wala ng laman na alak sa paanan niya. "Why are you sleeping here?" Kinuha ni Vinceng ang natabig na bote ng alak ni Voughn at inilagay sa isang tabi. "Nakatulog lang ako dito." Tinitigan ni Vincent si Voughn na halatang inaantok pa. "Why are you drinking?" Kilalang kilala ni Vincent si Voughn at

