THIRD PERSON'S POV Napababa silang lahat ng may marinig na sigaw mula sa baba. Taka silang lahat na bumaba at nakita sina Wade sa baba. "No, what kind of bullshit is this?" Sigaw ni Wade sa photographer doon. "Calm down, Wade." Sinubukan pakalmahin ni Vincent ang galit na si Wade. Lumapit naman si Voughn kay Wade at sa buong buhay niya ay ngayon niya lang nakita na nagalit si Wade, laging kalmado si Wade sa kahit na anong oras kaya nagugulat na galit na galit siya ngayon. "What's happening?" takang tanong ni Voughn ng makalapit sa pinsan. "This is bullshit. How dare you change the photographer without my permission?" Napayuko naman ang babaeng kinakausap ni Wade. "Let her explain, Wade." Hinawakan ni Voughn ang balikat ni Wade pero nagulat siya ng malakas iyong tinabig ni Wade na iki

