bc

Legally Your's

book_age18+
37
FOLLOW
1K
READ
billionaire
contract marriage
HE
powerful
drama
bxg
campus
addiction
actor
like
intro-logo
Blurb

Umibig at pinagtaksilan. Sinaktan at pinaasa. Kaya mo pa bang magpatawad sa taong lahat ng pasakit ay pinaranas sa'yo ng walang pag-aalinlangan? Isang gabing pagkakamali na nagdulot sa kanya ng matinding paghihirap. Ang akala ni Ivy ay biro lamang nang tanggapin n'ya ang alok na kasal ng bilyonaryong si Javier sa isang pool party. Ngunit nagising siya isang araw na totoong kasal na s'ya kay Javier Kent Mallari. Hindi na s'ya nakatakas sa sitwasyon n'ya kaya minabuti nalang na tanggapin n'ya ang lahat. Ngunit sa isang iglap natuklasan n'yang isa lamang pala iyong pagkukunwari sa harapan ng karamihan. Makakaya ba n'yang ipaglaban ang pagmamahal sa lalaki kung ang matindi n'yang kaagaw dito ay ang babaeng labis nitong minahal? Paano paglalapitin ng isang bata ang dalawang puso na labis ang pagkamuhi sa isa't-isa? Makakaya kayang tanggapin ni Ivy si Javier alang-alang sa kapakanan ng kanilang anak? Sundan kung paano iikot ang kanilang kwento.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Medical Mission
IVY POV Hindi ako makapaniwala na ang pangarap ko noon ay naaabot ko na rin ngayon. Noong nasa ampunan palang ako. Habang pinapanood ko ang mga Doctor at Nurse na pumupunta sa bahay-ampunan kung saan ako nakatira ay aliw na aliw akong panoorin sila. Kaya sabi ko sa aking sarili. Paglaki ko gusto ko maging kagaya rin ako sa kanila. Kaya heto ako ngayon sa Mindoro kasama ang halos dalawampung volunteers na Doctors and Nurses mula sa pinapasukan kong hospital sa Manila para sa isang medical mission. Habang binabaybay namin ang makitid na daan patungo sa liblib na bario. Mataimtim akong nananalangin na sana ay magiging okay lang ang lahat. Akala ko ay madali lang ang sumasama sa mga ganitong aktibidad. Ngunit sa katulad kong hindi sanay sa mga matitirik na daan ay mahirap pala. Kahit lumaki akong mahirap. Ngayon lang ako nakabiyahe ng ganito kalayo. Mahirap man at nakakatakot ngunit sulit naman dahil sa magagandang tanawin na nadaraanan namin. Malamig at presko ang simoy ng hangin. Malayong-malayo sa siyudad. Pagdating namin sa pinakadulong bahagi ng Mindoro na kung saan matatagpuan ang mga mahihirap na pamilyang nakatira doon ay masaya nila kaming sinalubong. Ngiti sa mga labi na nakakaalis ng pagod ang sumalubong sa amin. Pagbaba ko, kulang nalang ay pasukan ng langaw ang aking bibig sa pagkamangha. Para kasing napuntahan ko na rin ang Mount Everest dahil sa sobrang taas pala ng lugar na pinuntahan namin. Halos nasa tuktok na kami ng bundok. Pinagpag ko ang aking mga paa dahil sa mga putik na dumikit sa aking puting sapatos. Ilang beses din kaming bumaba kanina at naglakad dahil sa maputik na daan. Isang panibagong karanasan na naman para sa akin ito. Nang makaupo kami sa isang malapad na cottage na gawa sa kawayan. Halos mamangha ako sa dami ng kakanin at prutas na halatang bagong pitas palang sa puno. Saka ko lang naalala ang aking kaibigan. Hinanap ng aking mga mata ang maarte kong kaibigan pero mahal na mahal ko naman. Napangiti ako nang makita ko s'yang tinataas ang kamay hawak ang cellphone. Napailing ako. Paano naman kasi magkasignal dito kahit koryente nga wala. Tsk! Napabuntong-hiningang nilapitan ko s'ya. "Irene, kain na muna tayo. Maraming nakahandang pagkain sa mesa. Alam kong nagugutom kana kanina pa." Aya ko sa kanya na wala pa ring tigil sa kakahanap ng signal. Anak ng isang mayamang negosyante si Irene Crisostomo. Kaya naman lumaki siyang marangya ang buhay at sunod sa luho pero masunuring anak naman kahit na baliw rin minsan. Hindi ko alam kung paano kami nagkasundo at naging mabuting magkaibigan. Basta ako, ang alam ko mahal na mahal ko s'ya na para ko na ring tunay na kapatid. "Oi, natulala ka na riyan. Ang sabi ko, tingnan mo ang iyong phone baka may signal." naiinip niyang sabi. "Ano ka ba! Ni koryente nga wala dito signal pa kaya? Tiis muna, okay? Hayaan mo muna si jowa na lumandi. Halika ka na kumain kana muna." pamimilit ko sa kanya sabay hila sa kamay niya. Wala naman siyang nagawa kundi nagdadabog na sumunod sa akin. "Palibhasa kasi hindi ka pa nagkaka-jowa kaya ayan mas masahol ka pa kay Manang. Tss.." ang tinutukoy niya ay ang katulong sa mansion nila na si Manang Cynthia na isang matandang dalaga. Inirapan ko s'ya. Di bale nang walang jowa. At least may Jungkook naman ako na mahal na mahal ko. Kinikilig ako sa aking naiisip. "Oi, bruha! Kinikilig kana naman. Jusmeyo marimar, inday. Mabuti sana kung makikita ka n'ya sa personal, ano?" puna niya sa akin. Hindi ko kasi napansin na nakangiti na pala ako na parang baliw. "Huwag kang mag-alala pagbalik natin sa Manila hahanapan kita ng kamukha ni JK mo!" "Wag na oi! Baka ma-dissappoint lang ako." sagot ko sa kanya. "Bakit? Ayaw mo bang magkajowa?" "Aba'y gusto siyempre. Pero hindi sa ngayon dahil gusto ko pang magkaipon para mahanap ko ang aking totoong mga magulang. At saka makapunta man lang sa South Korea." mahaba kong litanya "At para hanapin si JK." magkasabay naming dagdag. Alam na alam talaga niya ang mga linya ko. "Huwag kang mag-alala sagot ko na ang pamasahe mo. Sasamahan pa kita!" nakangiti niyang sabi. Inirapan ko siyang muli. "Huwag na oi! Paasa kalang naman." sagot ko kunwari nagtatampo. "Trust me, dear friend." paninigurado niya. Napangisi ako sabay yakap sa kanya. Matagal na niyang binabalak 'yan oras lang ang kulang kasi sobrang busy ang schedule namin sa hospital. Kinabukasan ay abala na kaming lahat. Halos wala na kaming panahon na magka-usap ni Irene dahil sa pagdagsa ng mga tao na magpa-check up. Abala ako sa pagkuha ng blood pressure sa mga matatanda. Si Irene naman ay nag-a-assist sa mga tinutuli na mga bata. Pagod man ngunit masaya ang buong maghapon dahil marami kaming natulungan at nabigyan ng libreng gamot at vitamins. Akala namin ay aabutin kami ng ilang araw dito. Ngunit natapos namin ng isang araw kaya luluwas na agad kami kinabukasan. Kailangan kasi naming maghanda na naman para sa ibang probinsya. Pagsapit ng gabi. Masaya kaming nagsama-sama sa iisang bahay na kumain. Ngayon ko na-realize na masarap palang kumain na kasama ang buong pamilya. Simple lang ang aming hapunan. Nilagang native na manok, sari-saring gulay na may sabaw at hinaluan ng pritong isda. Kahit ang mga kasamahan naming doctor ay nag-enjoy sa pagkain. Maging ang anak mayaman kong kaibigan ay tudo higop sa sabaw ng nilagang manok. May kalakihan ang bahay na aming tinutuluyan kaya kahit papaano ay nagkasya kaming lahat. Yari ito sa kawayan maging ang papag nito kaya masarap humiga dahil malamig at presko. Ang bubong naman ay pinagtapi-tagping nipa. Sinadya raw umano itong gawin para may magamit ang mga bisitang katulad namin dito sa bario. Magkatabi kaming dalawa ni Irene. Abala pa s'ya sa kanyang cellphone. Nag-e-edit ng mga kuha niyang larawan kanina. Mayamaya hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pagod. Kinabukasan maaga kaming naggayak para bumiyahe kami ng maaga. Madali nalang ang pagbaba namin sa bundok. Pero minsan may mga parte na kailangan naming bumaba at maglakad na muna dahil hindi kakayanin ng sasakyan. Nataunan rin kasi na umulan nang araw na papunta palang kami kaya maputik. Tatlong sasakyan ang dala namin. Isang bus, isang Fortuner na pag-aari ng aming leader na si Doc. Reyes. Isang magaling na Internist. Habang ang isang sasakyan ay Range Rover na pag-aari ng maganda kong kaibigan syempre. Jusko, ayaw ata nitong madisturbo sa pakikipaglandian sa jowa nitong sikat na model. Halos nangalay ang aming mga binti sa kakalakad kaya nang matanaw na namin ang highway sa may hindi kalayuan ay nakahinga ako ng maluwag. "Sasama ka pa ba sa susunod girl?" napalingon ako kay Irene na kampanteng nakahilay sa backrest ng upuan. "Oo naman. Bakit mo naitanong?" wala sa sariling sagot ko. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Baka sa susunod kasi hindi na ako makakasama. Ayaw na akong payagan ni Josh." tukoy niya sa kanyang nobyo. Ngumiti ako sa kanya. "Ano ka ba! Wala namang problema 'yon. At least kahit papaano ay nasubukan mo na ang sumama sa ganito. Kaya dagdag karanasan mo na rin di ba?" paliwanag ko sa kanya. Alam ko naman kasing nahirapan s'ya lalo na sa mga matitirik na daan. "Thanks, best friend. Basta mag-iingat ka sa susunod ha?" "Salamat." Pupwesto na sana ako para iidlip nang biglang bumagal ang takbo ng sasakyan. Hanggang sa tuluyan na nga itong huminto sa gitna ng daan. "Anong nangyari, Mang Bert?" tanong ni Irene sa driver nila. "Tumirik ang sasakyan natin, anak." sagot niya. Anak ang tawag ni Mang Bert kay Irene dahil mula noong bata pa s'ya si Mang Bert na ang kanyang kasama kapag nasa labas. Nagkatinginan kami ni Irene. "Sa ganitong oras?" bulalas ni Irene. "OH MY GOODNESS! Paano na'to? Anong gagawin natin?" nagpapanik na saad ni Irene. "Huwag ka munang magpanik, okay? Maraming paraan para makauwi tayong safe. Huwag kang mag-alala." pag-aalo ko sa kanya. Napatingin ako sa aking relo sa bisig. Alas-onse ng umaga na pala kaya ganoon nalang katirik ang araw. Para namang sinadya ng kapalaran na tumirik ang aming sinakyan sa hindi mataong lugar. Wala kaming nagawa ni Irene kundi lumabas sa sasakyan at tulungan si Mang Bert na maayos ang sasakyan. Si Irene ang nagmaniubra sa manibela. Kami naman ni Mang Bert ang nagtulak sa likod para maitabi namin ang sasakyan sa kalsada. Habang tinitingnan ni Mang Bert kung ano ang sira ng sasakyan. Kami naman ni Irene ay nag-aabang ng dadaang sasakyan upang makahingi ng tulong. Namumula na ang aming mga mukha dahil sa init ng araw kahit nakasilong pa kami sa may lilim ng maliit na kahoy. Mayamaya, may natanaw kaming parating na dalawang sasakyan. Sports car? Napatingin ako Kay Irene na titig na titig sa dalawang sasakyan. "Iv'z mukhang kilala ko itong dalawang parating na sasakyan. Sana tama ang hula ko." puno ng pag-asang sabi niya. Napatingin akong muli sa parating na sasakyan. Nag-aalangan akong parahin ang mga ito. Ngunit hindi pa ako nakagalaw nauna nang pumagitna sa daan si Irene. "Irene!!! Ano ka ba! Masasagasaan ka riyan! Tumabi ka rito!" nag-aalalang sigaw ko sa kanya. Ngunit wala siyang pakialam sa sinabi ko. Nagulat nalang din ako nang huminto sa kanyang harapan ang itim na sports car. Nakita kong ngumiti si Irene saka mabilis na lumapit sa driver. "Samuel! Thanks God! Mabuti naman at kayo ang dumaan." narinig kong sabi niya. So, kilala n'yang talaga ang may-ari ng sasakyan. Lumabas ang gwapong lalaki. As in, gwapo dahil sa isa siyang mestiso at matangkad. "What happened?" Tanong niya sa kaibigan ko. "Nasiraan kasi kami. Pwede bang makisakay? Total pauwi na rin naman siguro kayo?" pakiusap ni Irene sa lalaki. "No problem. Ikaw pa! Malakas ka sa amin eh!" sagot niya. Nakahinga ako nang maluwag. Ngunit pagsulyap ko sa aming sinakyan. Paano si Mang Bert? Nakakaawa naman siya kapag iniwan namin s'ya rito na mag-isa. Nagpasya ako na magpa-iwan nalang. "Irene, Ikaw nalang ang sumabay sa kanila. Malapit na rin naman sigurong maayos ang sasakyan natin. Kawawa naman si Mang Bert kapag iniwan natin na mag-isa dito." saad ko na nakangiti. Nakaramdam ako ng hiya nang tumingin sa akin ang lalaki na kausap ni Irene. Naramdaman ko kasi ang pamumula ng aking mukha dahil sa init. Lumingon ang lalaki sa kasunod n'yang sasakyan. Mukhang suplado ang driver niyon dahil hindi man lang siya lumabas sa kanyang sasakyan. "She can ride with Javier." narinig kong sabi niya kay Irene. "Tatawag nalang ako ng shop na malapit dito para matulungan si Mang Bert." Nataranta ako sa narinig. Ayaw kong makisabay sa kanila. Medyo malayo pa ang biyahe kaya nakakailang na tumabi sa hindi mo kilala. "Kung ganoon, maghintay nalang ako dito. Sasabay nalang ako kay Mang Bert." agad kong protesta sa kanila. Lumapit sila sa akin. "No! Sumabay ka kay Javier Mars. Ayaw kong iwanan ka rito. Wala naman s'yang kasama. Huwag kang mag-alala, mabait naman 'yan." pamimilit ni Irene sa akin. "Pero...." "No buts... Okay? Huwag kang mag-alala kay Manong dahil susunod din s'ya." Napatingin ako sa driver ng isang sasakyan. Halos nag-abot na ang dalawang kilay. Mukhang galit ata. "Tatayo lang ba kayo riyan? Let's go! May appointment pa akong hinahabol." sigaw ng lalaki sa sasakyan. Mabilis ang galaw na tinulak ako ni Irene patungo sa isang sasakyan saka binuksan ang pintuan. Nanginginig ang kalamnan na pumasok ako sa loob. Sinundan ko nalang ng tingin si Irene na kinausap ang kanyang driver bago sumakay sa isang kotse. "I'm sorry." pabulong kong sabi sa lalaki. "Sorry for what?" sagot niya saka mabilis na kinabig ang makina at pinaharurot ang sasakyan. Napahawak ako sa seat belt sa aking dibdib dahil sa takot. "Sa abala. At saka amoy araw ako. Pasensya na." sagot ko saka mabilis na sumulyap sa lalaki. OMGGGG... Nagulat ako ng makilala ko ang lalaking katabi ko. Itutuloy...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook