IVY POV
Tunog ng alarm clock ang gumising sa akin. Agad akong napabalikwas ng bangon. Ngunit nanatili pa ring nakapikit ang aking mga mata. Mayamaya, hindi ko na namalayang muli akong napahiga at nakatulog.
"OMG!"
Sigaw ko ng maalimpungatan ako sabay sulyap sa mesang nasa tabi ng higaan ko. "I...am...dead!" Tanging sambit ko sabay tayo at pupungas-pungas na pumasok sa loob ng maliit na banyo sa kanyang kwarto. Dahil sa pagod siguro mula sa pinuntahan naming medical mission sa Mindoro kaya lantang-lanta ang aking katawan. Ngayon lang ulit ako nakatulog ng maayos. Naalala ko tuloy ang mga iniwan naming pasyente roon.
Kumusta na kaya sila?
Napahinga ako ng malalim saka inilibot ko sa aking munting palikuran ang aking paningin. Bukod sa puting tiles, nilagyan ko rin ng konting dekorasyon ang dingding. May maliit na plastic rack sa tabi na lagayan ng aking mga gamit pampaligo. May nakakabit na shower curtain na kulay blue na may desinyong ulap at mga ibon na lumilipad. Dahil sa paborito kong kulay ang blue ang kinalabasan parang lalaki ang nakatira sa aking kwarto. Sabi pa nga ni Irene para s'yang napagitnaan ng langit at lupa sa tuwing andito s'ya sa apartment ko. Natawa nalang ako sa sinabi niya.
Maliit lang ang aking apartment dito sa Payatas, Quezon City. Dahil ako lang naman mag-isa kaya okay na ako sa kwartong mumurahin lang ang renta kada buwan na nasa dalawang- libo't limang daan. Kahit papaano komportable naman ako dahil inayos ko ang loob. Namili ako ng wallpapers at mga kurtina para naman kaaya-aya sa mga mata tingnan ang kwarto ko.
Habang nagkukumahog ako sa paghahanda para pumasok sa trabaho biglang tumunog ang aking cellphone.
Alarm?
Wait, anong araw nga ba ngayon? Napasapo ako sa aking noo nang mapagtanto kong rest day ko pala ngayon. Napabuga ako ng hangin sabay higa sa aking kama. Saglit akong napatitig sa puting kisame ng aking kwarto. Ngunit nabigla ako nang lumitaw doon ang gwapong mukha ni Javier Kent Mallari. Nakusot ko tuloy ang aking mga mata. Pero bakit bigla akong nakaramdam ng habag ng hindi ko na nakitang muli ang kanyang mukha sa kisame.
Tumamlay ang aking mukha.
Nagpasya na sana akong bumangon nang masulyapan ko sa lamesita ang isang bote ng mineral water. Napangiti ako at inalala ang nangyari kahapon habang kami ay pauwi.
FLASHBACK
Ang kanina'y sobrang init ng aking pakiramdam, ngayon ay nilalamig na ako. O baka dahil sa lakas ng aircon sa loob ng sasakyan nito. Nope! Sigaw ng malandi kong isipan. 'Kinikilig kalang dahil isa s'yang sikat na modelo at bonus na ang pagiging bilyonaryo niya.' Napakagat nalang ako sa aking labi dahil sa mga kalandiang iniisip. Nasa awkward na sitwasyon na nga ako, nagagawa pang lumandi ang isipan ko! Haist!
"Saan ka nakatira?"
Mayamaya ay untag niya sa nagliligalig kong isipan. Napatingin ako sa labas ng bintana upang alamin kung nasaan na kami.
"Ahh, hmm. Pakibaba mo nalang ako sa may sakayan ng jeep, please." sagot ko saka ngumiti sa kanya ng pilit.
"Ang tanong ko ang sagutin mo! Pwede ba? Ihahatid kita sa bahay mo dahil baka kung ano pa ang mangyari saiyo sa daan ako ang sisihin ni Irene. Understand?" paasik n'yang sagot sa akin.
Lagot naa..
Napatuwid ako nang upo dahil sa takot. Unang beses akong nakasalamuha ng mga mayayamang hunk na katulad n'ya. Kaya hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi kabahan.
"S-sa bungad lang ako ng Payatas. Salamat." kinakabahan kong sabi.
"Kinakabahan ka?"
Napasulyap ako sa kanya sa narinig.
"H-hindi naman."
"Kaibigan ka ba ni Irene?"
"Yes. Mag kasama rin kami sa trabaho." maikli kong tugon.
"I see!"
"Pasensya kana at nakaabala pa ako sa'yo."
Hindi s'ya sumagot.
"Saan kayo nanggaling? Outing?"
Umiling ako.
"Medical Mission sa Mindoro."
"Ohh! Akala ko kasi nag-out of town kayo. Kasi kilala ko yan si Irene na mahilig sa galaan." patuloy niya.
"Noon 'yon. Noong hindi pa kami masyadong busy sa trabaho." pagtutuwid ko sa sinabi n'ya. Totoo naman kasi na bihira nalang gumala ang kanyang kaibigan ngayon. Lalo na noong nagkajowa na siya.
"How about you? Mahilig ka rin ba sa parties? Clubbing. Bars." biglang tanong n'ya sa akin.
Agad akong napailing.
"Nope! Minsan lang ako nakasubok mag-bar. Noong graduation namin. Inaya ako ni Irene sa Celestine Bar. Hindi ako sanay uminom kaya agad akong nalasing. Kaya ayun ayaw ko nang umulit kasi para akong mabaliw sa sakit ng ulo kinaumagahan." napakwento ako bigla.
Hindi ko napansin ang pagsilay ng isang ngiti sa mga labi n'ya.
"Hindi naman masama mag-hangout minsan. Lalo na kapag sobrang stress sa trabaho. Pero piliin mo lang ang mga taong sasamahan mo. Yung siguradong mapagkatiwalaan." pangaral n'ya sa akin.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti sa sinabi n'ya. Para bang may paro-paro sa aking dibdib na lumilipad at kumikiliti. Kaya hindi sadyang napangiti ako.
"Salamat sa advice, Sir. Pero wala akong ibang kaibigan kundi si Irene lang. Hindi naman siguro n'ya ako ipapahamak kapag maulit man iyon!" nakangiti kong sagot.
"Karamihan sa mga babae ngayon ay mahilig sa party. Imposible naman ata na wala kang ibang kaibigan maliban kay Irene?" komento n'ya. "Karamihan kasi sa mga babae ngayon pakunwaring dalagang Pilipina. Ngunit kapag nahulog kana sa bitag nila doon na lalabas ang totoong kamandag nila. Manggagamit. Mukhang pera. Mabuti na nga iyong mga babaeng pakawala sa bar dahil iyon siguradong hindi ka lolokohin at pagpipirahan. Pero yung mga nagpapanggap na inosente? Sila ang nakakatakot! Dahil magaling silang magpanggap para mahulog ka sa bitag nila. Sa huli iiwanan ka rin nila." mahabang litanya n'ya. Seryoso ang kanyang mukha habang nakatutok ang mga mata sa daan.
Natahimik ako.
Kahit isipin man ng lalaking 'to na nagsisinungaling ako wala akong pakialam. Hindi n'ya ako kilala personally. Kaya huwag n'yang lahatin.
"Pakibaba mo nalang ako riyan sa tabi, Sir. Maraming salamat sa paghatid. Pasensya na sa abala." walang emosyon kong saad.
Paghinto ng sasakyan sa tabi. Agad akong bumaba. Ngunit bago ko isinara ang pinto ng sasakyan n'ya.
"Hindi po lahat ng babae katulad ng iniisip ninyo, Sir. Huwag n'yo pong lahatin. Byee." pahabol kong sabi saka binalibag ang pinto ng sasakyan n'ya.
Nagpupuyos sa sama ng loob ang dibdib ko habang naglalakad papasok sa kalye patungo sa apartment na inuupahan ko.
"Akala ko mabait. Yun pala may nakatago rin palang ugali. Masyadong judgmental. Siguro nakaranas na s'yang iniwan." galit kong bulong habang paakyat sa pangalawang palapag kung saan naroon ang aking kwarto.
END OF FLASHBACK
Dahil sa alaalang iyon mas lalong nasira ang araw ko. Nagulat pa ako sa lakas nang tunog ng aking cellphone. Inis na dinampot ko ito sa lamesa at agad na sinagot ang tumawag kahit hindi ko pa nakita kung sino iyon.
"Hello!" paasik kong bungad.
"Wala sa mood?"
Napataas ang aking kilay nang magsalita ang nasa kabilang linya. Inilayo ko ang cellphone sa aking tainga upang tingnan kung sino ang tumawag. Nanlumo ako nang makita kong si Doctor Reyes iyon.
"Halaa... Sorry Doc! Akala ko po si Irene ang tumawag. Kayo po pala." paghingi ko ng pasensya.
"No worries, iha! Nais lang kitang i-inform na.. Next Thursday pa ang alis natin papuntang Aklan." balita niya sa akin. Lihim naman akong natuwa sa narinig dahil may oras pa akong makapamili ng mga gamit ko dito sa bahay.
"Okay, Doc. Noted po. Salamat."
Tumayo ako at nag-inat-inat. 'Hay, nakakatamad naman.' bulong ng aking isipan. Nagbukas ako ng ref upang maghanda ng aking umagahan. Nagtimpla ako ng kape at gumawa ng sandwich bago pumalatak ng upo sa maliit na dining table sa aking kwarto. Abala ako sa pagkain habang nanonood ng mga videos ng BTS sa internet ng bigla nalang nag-vibrate ang aking cellphone.
"Haist, panira talaga ng moment. Kay JK na sanang part 'yon eh!" nakasimangot kong sambit. Hindi ko pa kaagad nasagot ang tawag ng aking kaibigan. Dahil alam kong tatawag itong muli. Kaya nang tumunog ang aking cellphone agad ko itong sinagot.
"Oi! Bruha!.." nailayo ko sa aking tainga ang hawak kong cellphone dahil sa sigaw n'ya. "Bakit hindi mo kaagad sinagot ang tawag ko ha!" bungad n'ya.
"Tse! Panira ka ng moment. Ang ganda nang pinapanood ko, tumatawag-tawag ka riyan. Ano bang kailangan mo?" nagmamadali kong tanong. Hindi pa rin ako nakaka-move on sa ginawa n'yang pag-iwan sa akin kaya ako nakasakay sa aroganteng si JK. No! Kailan man ay hindi s'ya si JK ng buhay ko. Malayong-malayo s'ya. Naiinis na sigaw ng aking isip.
"Naku! Si JK mo na naman 'yan ano? Hmm.. By the way mars. Nakapa-book na ako ng ticket to South Korea. Sa Friday ang alis natin, okay? Email ko nalang sa'yo." diretsong saad n'ya na ikinalaki ng aking mga mata.
"W-what? Pakiulit naman, Irene! Jusko kung makahirit ka wagas! Alam mo namang may lakad kami next week papuntang Aklan. At saka bakit ang bilis naman ata?" nalilito kong tanong sa kanya.
Narinig ko ang paghinga nya ng malalim mula sa kabilang linya.
"Huwag kanang umalma, okay? Grab na natin ang pagkakataon. Pupunta kasi si Josh sa South Korea para um-attend sa kasal ng kaibigan nilang si Christian. Kaya ayun inayos ko na ang lahat kaagad." masaya n'yang pagbalita sa akin.
Napapikit ako.
"Mars, sana sinabi mo muna sa akin. Paano naman ang trabaho ko. Hindi pa ako nakapagpaalam sa supervisor natin. Baka pagbalik natin wala na akong babalikang trabaho n'yan." nag-aalalang tugon ko.
"Don't worry, darling. Ipinagpaalam na kita sa ating department head. Huwag ka ng maraming reklamo, okay? Treat ko ito para sa iyo. Para makapag-unwind ka rin naman. Alam ko na ito ang matagal mo nang pinapangarap." parang nakikita ko ang nakangiting mukha ng aking kaibigan.
"Maraming salamat, Mars."
"Walang anuman, Mars. S'ya nga pala. Hindi ka pa nakapagkwento sa'kin tungkol sa biyahe mo pauwi kahapon." nahihimigan ko na ang tono ng salita niya. Alam kong wala akong kawala sa kanya kapag hindi ako magkukwento.
"Mahabang kwento, Mars. Saka nalang kapag nagkita tayo." matipid kong tugon.
"Okay, na-excite tuloy ako."
"Tse! Walang naka ka-excite, Irene. Dilubyo pa nga ang nangyari. Tsk." napairap ako.
"Oo na. See you tomorrow, friend." paalam n'ya.
Matagal akong napatitig sa kawalan. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ng aking kaibigan. Totoo ngang matutupad na ang isa sa aking pinapangarap. Hindi ko man alam ang sitwasyon na aabutan namin doon. Pero sana walang magiging problema. Bumuntong-hininga ako. Ngunit bigla nalang rumehistro sa aking diwa ang mukha ng antipatikong Javier na 'yon.
Kasama rin kaya s'ya?
No way!