Chapter 3

1558 Words
IVY POV Ang bilis ng araw. Hindi ko man lang napansin na Huwebes na pala. Kakarating ko lang dito sa apartment galing sa Aklan. Ngayon lang nakaramdam ng pagod ang aking katawang lupa. Mabuti nalang at walang nangyari na katulad noong pauwi kami galing sa Mindoro. Sa awa naman ng Diyos ay maayos ang naging biyahe namin papunta at pabalik. Hindi ko na nagawang magpalit ng pantalon. Agad akong napasalapak sa aking higaan. Mayamaya na ako magpapalit. Sa isip ko. Ngunit ang mayamaya ay nakatulugan ko na pala. Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng aking cellphone sa aking tabi. "Ahh!" napainat ako habang nakapikit ang mga mata. "Sino ba itong sagabal sa pamamahinga ko." mariin kong bulong at iminulat ang mga mata. "Mars! Handa kana ba?" "Para saan?" wala sa sariling tanong ko. "Gagi! Sa flight natin mamaya! Ano ka ba! Natutulog ka parin?" bulalas n'ya na ikinamulagat ng mga mata ko. Pagtingin ko sa labas ng bintana. "OH my goodness! Halaaa.. Teka anong oras na ba?" bulalas ko. "My God! Grasya! It's already 10 in the morning. Huwag mong sabihin sa akin na hindi ka pa nakapaghanda?" paninigurado n'ya sa akin. "S-sorry..." "Inaasahan ko na yan, Grasya. Bumangon kana at maligo. Dadaanan ka namin mamaya mga ala-una. Huwag ka nang magdala ng mga damit, personal na gamit mo nalang kasi inaasahan ko na 'yan, Mars." paalala n'ya sa akin. "Okay, sige na at nang makapaligo na ako." Nang maibaba ko ang cellphone saka ko lang napansin ang damit kong suot. Hindi pala ako nakapagpalit kagabi. Nailing na nagtungo ako sa banyo upang maligo. Habang naglalakad kami ni Irene papasok ng NAIA (Ninoy Aquino International Airport) hindi ako mapakali. Hindi mawala sa isip ko ang aking trabaho. "Ba't parang balisa ka?" tanong n'ya sa akin. "Sure na ba talaga ito? Sigurado ka ba na may trabaho pa akong babalikan?" paninigurado ko sa kanya. Tumaas ang isa n'yang kilay. "Wala ka bang tiwala sa akin, Mars?" Ako naman ang nagulat. S'yempre kung sa tiwala lang ay umaapaw. Si Irene ay anak ng director sa hospital na pinagtatrabahuan namin. Bukod pa doon ang aming head ay tiyahin n'ya. Kaya madali lang para sa kanya ang magpaalam. Ngunit hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan sa lakad naming ito. "Malaki po ang tiwala ko sa inyo, madam." nakangiti kong sagot sa kanya. Inirapan lang n'ya ako. Hindi ko napansin na muli akong nakaidlip sa eroplano. Nagising nalang ako sa pagyugyog ni Irene sa aking balikat. Mayamaya lumapag na ang sinasakyan naming eroplano. Paglabas namin sa Incheon Airport napasinghap ako nang sumalubong sa amin ang katamtamang lamig na simoy ng hangin. Dahil taglagas ngayon dito kaya unti-unti nang lumamig ang simoy ng hangin. Pagdating namin sa hotel sinalubong agad kami ni Josh. "Kumusta ang biyahe?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami patungo sa elevator. "Ayos lang naman." simpleng tugon ko. Inihatid nila ako sa aking kwarto. Dahil gabi na kaya tinatamad akong gumala ng yayain ako nina Irene at Josh na lumabas. Habang nakatingin sa labas ng bintana. Pakiramdam ko ay panaginip lang ang lahat. Ngunit kahit na ilang ulit kong pisilin ang aking sarili ay alam kong totoo ang lahat. Mapakla akong ngumiti. Kahit naman andito na ako sa South Korea ay malabo paring makita ko si JK. Nagbabad muna ako sa bathtub bago nahiga sa malambot na kama. Ewan ko nga ba. Pinanganak ata akong hindi mahilig sa galaan. Kapag iniisip ko palang ang mahaba-habang lakaran ay tinatamad na ako. Nag-browse muna ako sa internet hanggang sa makatulog ako. Kinabukasan. Pagkatapos ng Korean wedding nina Christian at Hana. Si Hana ay isang sikat na Korean model. Nagkakilala sila ni Christian sa isang event. At doon nag-umpisa ang kanilang kwento. Pagkatapos ng kasal dumeritso kami sa isang six star hotel. Nais ni Christian na mag-celebrate kasama ang mga kaibigan nila ni Hana. Simple lang ang napili kong isuot. Isang blue na jeans at beige na jacket na hapit sa aking katawan saka pinarisan ng puting sapatos. Kahit hindi pa naman masyadong kalamigan sa labas mabuti nang sigurado. Hotel pa naman 'yon siguradong malamig aba'y mahirap magkasakit. Hindi pa naman sanay ang aking katawan sa malamig na klema. Si Irene ang pumili lahat ng mga damit na dala ko kaya alam kong bagay sa akin iyon. Bago kami umalis ay pinasadahan n'ya muna ako ng tingin saka nag-tumbs up. Pagdating namin sa venue. Nagulat ako. Hindi ko inaasahan na ganito karangya ang mga mayayaman kung mag party. Ginalugad ko ang buong paligid. Napakaganda ng malaking indoor na swimming pool. Sa isang tabi may bar counter. Sa kabila naman nakalatag ang mahabang buffet ng pagkain. Pakiramdam ko tuloy napanghina ako dahil sa mga nakita. Meron palang ganito? Tanong ng isipan ko. Grabe ang hi-tech na talaga ngayon. "Mars ba't hindi ka man lang nagsabi na pool party pala ang pupuntahan natin?" bulong ko sa kanya. "Kung sinabi ko sa'yo, edi hindi ka sumama. Kilala kita eh! Hindi ka mahilig sa mga gatherings. Kaya ayan, surprise!" tumatawa pang sagot n'ya na ang sarap lang kurutin. Ano pa nga ba ang magagawa ko andito na kami. Ito ang sinadya namin dito ang um-attend sa kasal ng kaibigan ni Josh. Hay, mapapasubo ata ako nito. Napabuntong-hininga ako. "Don't worry, dear. May inihanda ako para sa'yo." biglang saad ni Irene saka kumindat sa akin. "Kailangan mo ring e-expose ang kagandahan ng katawan at kutis mo, ano? Ako nga na maliit pero cute. Palaban yarn!" dagdag pa n'ya. "Sige, ayusin mo lang. Kapag sobrang daring ang ipasuot mo sa akin, naku! Mas mabuti pang matulog nalang." nakangusong sagot ko sa kanya. Sobrang ingay sa loob ng pool. Malakas ang tugtog. Maraming naglalampungan sa tabi. Habang ang iba naman ay sumasayaw na may hawak na baso ng alak. Ang iba naman ay kampanteng nakaupo lang sa tabi kasama ang barkada. Pumasok kami sa isang kwarto upang magpalit. Iniabot ni Irene sa akin ang isang Tropical print swimsuit with V-neck. Nanlaki ang mga mata ko. "Gosh! Mars, pasuotin mo ako nito?" nanlalaki ang mga mata ko pati na rin ata ang butas ng ilong ko sa gulat. Hindi ko ma-imagine ang hitsura ko habang suot ito. "Huwag nang maarte riyan. Isuot mo muna, okay? Bago mo i-judge. Ilabas mo naman ang alindog mo girl. Jusme, ang iba nga riyan kahit walang alindog hindi nahihiyang rumampa! Ikaw pa kaya! Ang seksi mo na matangkad pa! At bukod pa doon, maganda na mabait pa. Perfection! Ika nga ng iba. Sigurado may lalaki ang mga mata mamaya." sa dinami-dami nang sinabi n'ya wala atang nag-sink in sa utak ko. Hay.. Inilugay ko ang lampas balikat ang haba kong straight na buhok upang matakpan ang aking cleavage. Mabuti nalang at may konsiderasiyon din itong maganda kong kaibigan. Binigyan n'ya ako ng light pink na scarf para itali sa aking beywang. Kahit papaano natakpan ang aking ibaba. Kitang-kita ang mahaba at makinis kong mga binti. Si Irene naman ay napakaganda at seksi sa suot nitong pink na bikini. Habang naglalakad kami may sumalubong sa amin na waiter. May bitbit siyang tray na may lamang inumin. Kumuha si Irene ng dalawang kopita saka inabot sa akin ang isa. "Here, pangpakalma ng mga nerves." saad pa n'ya. Naiiling na tinanggap ko iyon. Kailangan ko ito para mabawasan ang kaba sa aking dibdib. Siguro ito na nga ang umpisa ng aking panibagong-buhay. Hindi rin naman siguro masama para hindi ako maignorante sa mga bagay-bagay. Sabi pa nga ni Irene habang dalaga pa dapat mag-enjoy. Life is short. Kung dati ay napapanood ko lang ito sa kdrama pero ngayon heto nararanasan ko na. At salamat sa mayaman kong kaibigan. Nagpatuloy kami sa paglakad. Hinahanap namin si Josh at mga kaibigan niya lalo na ang bagong kasal upang batiin. Mayamaya, natanaw ko sila sa may dulong bahagi ng pool. Itinuro ko kay Irene. Napangiti naman s'ya saka naghawak-kamay kaming naglakad. Anim na lalaki ang naabutan namin doon. Halos lahat may katabing babae maliban kay Josh. Sinalubong naman kami ni Josh. "Hey, girls!" Pilit akong ngumiti ng alalayan niya kami sa may dalawang bakanteng upuan sa tabi n'ya. Pagkaupo namin. Pinagsalikop ko ang aking mga kamay upang maitago ang aking kaba. "Parts! Ba't wala kaman lang pasabi na may maganda palang kasama si Irene." Ani ng isang may hitsura ring lalaki. Napatingin ako sa nagsalita. Ngumiti lang ako sa kanya. "Naku, Andrei. Magiging kawawa si Ivy sa'yo. Sa pagkababaero mong 'yan. Naku wag nalang." nakangising tugon ni Josh sa kaibigan. Napako lang ang tingin ko sa mga alak at pulutan na nasa mesa kaya hindi ko napansin ang lalaking kanina pa nakatitig sa akin na nasa dulo. "Irene, hindi mo man lang ba ipakilala sa amin ang kasama mo?" sabi ng isang lalaki sa aking harapan. Parang grupo ata ng hunk ang mga barkada ni Josh. Halos silang lahat ay matcho at gwapo. Kaso... Mayayaman nakakatakot. Alam kong babaero ang mga ito kitang-kita sa mga mukha at tindig. Sa tabi nasulyapan ko si Samuel. Ang pinara ni Irene noong nakaraang araw. Biglang dumagundong ang aking dibdib. Kung magkaibigan sila ni Josh ibig sabihin andito rin s'ya? Saktong dumako ang aking tingin sa mukha ng lalaking nasa sulok. Mag-isa s'yang nakaupo sa pang-isahang upuan. Saktong pagtingin ko sa kanya, hindi ko alam na nakatingin din pala s'ya sa akin. Nagkatitigan kami. It's him. Si Javier Kent Mallari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD