Chapter 4

1590 Words
IVY POV Hindi ko alam kung bakit ganito ang aking naramdaman nang magtama ang aming mga mata. Kahit alam kong hindi naging maganda ang una naming tagpo. Napahalukipkip ako nang makaramdam ako ng lamig habang nakatayo sa tabi ng landscape. May hawak akong baso ng wine. Umalis ako saglit dahil pakiramdam ko wala akong lugar doon. Ikaw ba naman ma-out of place. Hindi naman sa nag-rereklamo ako dahil hindi naman iyon ang inaasahan ko rito. Pero yung feeling na ako lang mag-isa ang walang partner doon, makapanliit teh! Ngayon ko lang na-realize ang mga sinabi ni Irene sa akin noon. "Mars, alam mo dapat sinagot mo na ang manliligaw mo. Naku! Hindi mo man lang maranasan kung gaano kasarap mainlove. Yung tipong kikiligin ka kahit sa simpleng tinginan lang. Yung may isang tao na nasa tabi mo sa tuwing kasama ang barkada. Ang pagkakaroon ng boyfriend hindi naman ibig sabihin ay mag-a asawa kana. Dapat habang hindi kapa sure sa sarili mo na s'ya na nga ang lalaking nais mong makasama habang buhay. Huwag mong ibigay lahat. Dapat kalahati lang para sa kanya at sa sarili mo. Kasi kapag dumating ang panahon na maghihiwalay man kayo hindi masyadong mabigat sa dibdib. Yan ang nais kong isipin mo. Enjoy your life. Hindi masama mabigo sa pag-ibig. Dahil iyon ang nagpapatibay saiyo. Mas lalo kang maging matatag sa hamon ng buhay. Huwag kang matakot masaktan dahil parte iyon ng ating buhay." mahabang litanya ni irene. Napangiti ako saka tinungga ang natirang laman ng aking baso. Nakatalikod ako sa karamihan. Inaliw ko nalang ang aking sarili sa magagandang design ng landscape sa aking harapan. Ngayon susubukan kong sundin ang payo ni Irene. Nais kong subukang magka-boyfriend. Nagulat ako sa mainit na dumampi sa aking balikat. Isang kamay. Ang bilis nang pintig ng aking puso. Dahan-dahan kong nilingon ang taong naglagay ng jacket sa aking balikat. Ganun nalang ang gulat ko nang makita s'ya. "JK?" Napataas ang isa n'yang kilay. "JK? Who's JK? Me?" malapad ang ngiti n'yang tanong sa akin. "N-no! I mean, Mr. Mallari." palusot ko. Ngunit huli na dahil isang mapanuksong ngiti ang sumilay sa mga labi n'ya. "I like it! You can call me that way." Saad pa niya. Napaismid ako. Napaisip tuloy ako bigla. Bakit ko nga ba s'ya natawag sa ganoong pangalan samantalang nag-iisang lang ang JK sa puso ko. Haist. Mayamaya hindi namin napansin na nawili na kami sa kwentuhan tungkol sa buhay dito sa South Korea. Namalayan ko nalang na unti-unti nang nawala ang aking hiya dahil sa sunod-sunod na tungga ko sa alak na iniabot ng isang waiter sa akin. Hindi ko alam kung anong alak iyon dahil kakaiba sa aking panlasa. Pakiramdam ko habang tumatagal mas lalong sumasarap ang alak sa aking pakiramdam. Hindi ko namalayan na tudo ngiti na pala ako sa tuwing may sinasabi si Javier. "I think, kailangan na nating bumalik sa mesa natin. Baka hinahanap kana ng nobya mo, Mr. Mallari." nakangiti kong saad. "Why? Are you jealous?" nakangiti naman n'yang tugon. Nagulat ako sa sinabi n'ya kaya napatingin ako sa mga mata n'ya. "A-ano? Tss.. Kupal mo rin eh no! Hindi ka naman kagwapohan." pagsisinungaling ko. Ngunit biglang uminit ang aking mukha. Defensive teh? "Defensive?" Para atang manghuhula ang damuhong na'to alam na alam ang laman ng isipan ko. Mas lalo n'ya akong inasar kaya mabilis ko s'yang tinalikuran. "Bahala ka nga riyan!" Malakas na tawa ang sinagot n'ya sa akin. Hindi ko napansin na sumunod pa s'ya sa akin kaya napatigil ang magbarkada at natuon sa amin ang mga mapanudyong tingin nila. Napataas ang kilay at balikat ko. "A-anong problema?" nalilito kong taong sa kanila. Tumikhim si Michael. "Ahm.. Mukhang may nagkamabutihan na dito ah! Ano kasalan na ba ang susunod?" pabiro niyang sabi. Tumabi naman sa akin si JK este Javier. Kaya mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi ng magbarkada. Anong meron sa mga ito? "Why not? Tanungin mo baka willing s'ya." dagdag na paghahamon ni Javier na ikinaawang ng aking mga labi. Ako ba ang tinutukoy n'ya? Napatingin ako sa nag-iisang tao na hihingian ko ng saklolo. Ngunit sa halip na saklolohan ako ay mas lalong lumapad ang ngiti niya sa labi. Pinandilatan ko siya ng mga mata. Langya talaga oh! Ipapahamak pa ako. Hmmp. Gigil na binalingan ko ang mga ugok na tumatawa. Nakaupo sila ng pabilog habang nakatingin akin. Halatang naparami na rin ng inom ang mga ito. Nakaisip ako ng paraan para matapos na ang pang-aasar nila sa akin. Tutal ay biro lang naman kaya asaran na kung asaran hindi ako magpapatalo. Ngayon pa na naka inom ako nawala na rin ang hiya ko sa katawan. Nakaekis ang dalawa kong braso sa dibdib at hinarap sila. "Sino ba ang hinahamon ninyo, ako?" matapang kong tanong. Lalong napangisi si Michael dahil sa sagot ko. "Okay, kung ganoon edi deal?" paninigurado niya. "Deal." sagot naman ni Javier habang nakatingin sa akin. "Ano ba'to truth or dare? Aba'y siguraduhin n'yo lang dahil mag-isa nalang ako rito nilaglag na ako ng mabait kong kaibigan. Hinding-hindi ako magpapatalo talaga." matapang kong saad. Malakas na nagkatawanan ang magbarkada. Tumayo si Josh at inakay ako paupo sa tabi ni Javier. "Sure na talaga ito ha! Wala nang bawian." Ani Michael sabay labas sa cellphone n'ya at iniharap sa amin. "Sige nga. Sabihin n'yo dito sa harapan naming lahat. Kaming lahat ay saksi sa inyong pag-iisang dibdib ngayong gabi." dagdag pa n'ya. Parang tunay naman kung makapagkasundo 'tong mga 'to. Nasa isip ko. Pero dahil palaban ako hindi ako magpapatalo. Tumingin si Javier sa akin saka kinuha ang isang kamay ko. "Ivy Grace Marasigan. Will you be my wife?" Saad pa n'ya habang may matamis na ngiti sa mga labi. Parang totoo ang mga nangyari kahit alam kong biro lang ang lahat. Pero ang puso ko ay nag-uumapaw ang kilig. Isipin ko nalang totoong proposal nga ito. Ngumiti ako ng kay tamis saka tumango sa kanya. "Yes!" Naghiyawan ang buong barkada. Napuno kami ng kantiyaw. Hindi ako makapaniwala na magagawa ko ito sa tanan buhay ko. Samantalang pangalawang beses ko palang na na kasama ang lalaking ito. Kahit naman palagi ko s'yang nakikita sa television at mga tabloid. Pero ang bilis pa rin ng mga pangyayari. Mga sikat na model ang magkabarkadang sina Javier, Josh at Michael. Si Andrei naman ay basketball player. Hindi lang iyon, nanggagaling pa sila sa mayayamang angkan dito sa buong Pilipinas. Si Javier ay anak ng mayamang negosyante na si George Mallari ang may-ari ng isa sa pinakasikat na brand ng mga mamahaling damit, bags at sapatos. Ang LANS na hango sa pangalan ng lola ni Javier na si Lanie Mallari. Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari hanggang sa narinig ko nalang ang sinabi ni Josh na CONGRATULATIONS AND BEST WISHES. Napatitig nalang ako sa kamay ko na may singsing. As in totoo ba ito? Tinitigan ko ng mabuti ang aking kamay saka tumingin kay JK. "Agad-agad? Ang bilis ahh!" komento ko. Nagtawanan sila. Nagulat ako sa mga nagtunugang baso. Napatingin ako sa kanila. OMG! Halos nanlaki ang butas ng ilong ko pati mga mata. No way! Gusto rin nila ng kiss? Para akong ipinako sa aking kinauupuan hanggang sa.... I'm done. Nanlaki nalang ang aking mga mata habang napatitig sa mukha ni JK. Mainit na masarap sa pakiramdam habang nakalapat ang kanyang mga labi sa akin. Nakapikit s'ya habang ako ay nakamulagat. Gumalaw ang kanyang labi ngunit hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya napatigil nalang s'ya. Pakiramdam ko napakainit ng aking pisngi dahil sa nangyari. "OH my god! My first kiss." sambit ko sabay sapo sa aking bibig. Muli silang nagkatawanan. Piningot naman ni JK ang aking ilong. Dahil sa hiya agad akong nagsalin ng Vodka sa bakanteng baso saka diretsong tinungga. Ramdam ko ang epekto niyon sa aking katawan. Muli silang nagkwentuhan. Mabuti naman at nawala sa amin ang atensyon. Halos sunod-sunod ang salin ko ng alak sa aking baso. Napatingin ako sa malaking pool. Natanaw ko sina Josh at Irene doon na magkayakap. Napangiti ako. Masaya nga pala talaga sa feeling kapag may kasintahan. Kahit biro lang ang nangyari kanina pero iba ang impak na dala nito sa aking sarili. Saglit akong sumaya at kinilig. Pagkatapos niyon ay wala na. Mag-isa na ulit akong umiinom habang masaya si JK na nakikipag-usap sa katabi n'yang babae kanina. Napabuntong-hininga ako. Mayamaya, napagdesisyonan kong maligo. Para naman matauhan ang malungkot kong puso. Tumayo ako at nagmartsa papuntang pool. Maraming kalalakihan ang nakatingin sa akin ng tanggalin ko ang nakatabon sa aking pang-ibaba. Lumantad ang magandang hubog ng aking katawan maging ang flawless at mahahaba kong legs. May kompyansa na ako sa aking sarili na maglakad habang nakasuot ng swimsuit dahil natapalan nang alak ang aking buong sistema. "Hi!" Bati ng isang koreano sa akin. May hitsura rin siya mukhang alaga ng gym ang katawan. Siguro kaibigan s'ya na Hana. Napangiti ako sa kanya habang bumababa sa hagdan ng swimming pool. "Hi," sagot ko. "By the way, I'm Jungkook." pakilala n'ya sa sarili na ikinatawa ko. "Why?" "N-nothing. I just remember my favorite kpop artist. The BTS." napakwento tuloy ako ng wala sa oras. "Ohh! You like them huh?!" sagot n'ya. "Yup." Masaya kaming nagkwentuhan ng inglesirong koreano kaya't hindi ko napansin ang mga matang kanina pa nanlilisik sa galit. "Thanks my friend. See you around." paalam ko kay Jungkook saka umusad patungo sa medyo malalim na parte upang sumisid. Thanks to my dear Irene natuto akong lumangoy. Kahit mag-isa ay masaya akong nagpabalik-balik sa pagsisid hanggang sa... "J-JK?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD