Napasandal ako sa upuan at saka ininat ang aking mga braso, apat na oras na akong nakatutok sa laptop. Nasapo ko din ang aking batok dahil sa ngalay. Magpapahinga muna ako ng 30 minutes tapos babalik na ulit sa pagre- research. May report ako sa Monday kaya medyo busy at hindi ko na....
Nanlaki ang aking mga mata nang may bigla akong naalala, si Santos!
Shit! Pagkagising ko kaninang umaga nag- kape lang ako tapos deretso aral na. Hindi ko pa nahahawakan ang cellphone ko simula kanina.
Dali- dali akong pumunta sa kwarto at kinuha ang aking cellphone sa cabinet,
I received 10 missed calls!
Fudge.
Maya- maya bigla ulit akong naka- receive ng call, sandali muna akong humarap sa salamin para ayusin ang sarili bago sagutin ang kanyang tawag.
Bumungad sa akin ang seryosong Santos na naka- de kuwatro habang may binabasa sa hawak na folder. Ang telepono niya ay nakapatong sa isang patio table, at sa itsura ng paligid nya, he’s definitely at their house garden.
Ibinaba nya ang hawak na folder nang mapansin nya na inaccept ko ang call.
"Hey," he said weakly,
Nakagat ko ang aking labi nang makita ko na nakunot ang kanyang noo,
"Hi, I'm sorry, medyo busy lang ako,” Kanina pa siguro syang naghihintay saken kaya ganoon ang reaksyon nya, mukha syang inip na inip.
Tumango sya, "I see, you're doing something?" Tanong nya. Medyo maliwanag na ang itsura nya ngayon kumpara kanina, maybe I shed some light to his cloudy thoughts kung bakit hindi ako online.
Kinuha nya ang cellphone nya mula sa pagkakapatong sa mesa at itinapat ito sa kanyang mukha. He gave me an intense stare.
Unti- unting bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa kung paano nya ako titigan.
My god! We're just talking through video call pero ang lakas ng epekto nya saken,
I pressed my lips together then nod, "Yeah, may report ako sa Monday,"
Naitaas nya ang kanyang kilay, "Oh, sounds interesting," sumilay ang isang ngisi sa kanyang labi na halos matunaw ako.
Shit, tatlong buwan na syang nanliligaw at palakas nang palakas ang dating niya sa akin.
Minsan napapansin nya na natutulala nalang ako bigla sa kanya, or minsan naman nahuhuli nya ako na nakatitig sa kanya. f**k! Madalas yun mangyari lalo na kapag kasama ko sya tapos may biglang tatawag sa kanya and he will start to talk in a very professional and serious tone, ang sarap nyang panoorin everytime he took things seriously, ang sarap din pakinggan ng boses nya. Ewan ko, I just find it sexy and appealing.
"Nakakatitig ka na naman," napapitlag ako nang ma- realize ang sinabi nya.
Pakiramdam ko talaga nahi- hypnotize nya ako. Napakurap ako,
"Ano..." Bigla akong nataranta dahil wala akong maisip na idadahilan!
Shit.
Hindi naman mawala- wala ang pilyong ngiti ni Santos sa labi, "Fantasizing me again?" Nanunuya nyang tanong,
"Kapal mo," inirapan ko sya pero tumawa lang sya sa reaksyon ko.
Kahit kelan talaga, hindi nagsasawa ang taong ‘to na asarin ako.
Bigla syang tumahimik at sumeryoso ang mukha,
"I will cancel one of my meetings on Monday," he said non- chalantly,
"Bakit?" nagtataka kong tanong. Wala naman syang sinabi sa akin na may ibang lakad sya sa Monday pero bakit magka- cancel sya ng meeting? Biglaan?
"A- attend ako sa klase to hear your report,"
Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nya, "Seryoso ka?" hinid makapaniwalang tanong ko pero ngumiti lang sya,
"Mukha ba akong nagbibiro, Tams?"
"Hindi ba importante yung meeting mo?" usisa ko. Hindi naman sa ayaw kong umattend sya ng klase pero ayoko din namang ma- apektuhan ang trabaho nya, I can just hand him my notes about sa topic para mapag- aralan nya.
"No worries, I can ask Mom to take over,"
Napatango ako sa sinabi nya.
According to him, medyo nakaka- move on na daw ang Mommy nya sa nangyari. Lumalabas na daw ito ng bahay at unti- unti nang bumabalik ang social life. Pero kahit na ganoon, may mga times pa din daw na may sudden breakdown ang Mommy nya, pero at least mas okay na daw ngayon kesa dati. Natutulungan na din daw sya nito sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo, kaya medyo gumagaan na ang responsibilidad nya ngayon. Hindi ko alam kung gumaan nga ba or nakapag- adjust na sya nang maayos, most of the time kasi, busy pa din sya.
"Okay," I said, raising my shoulders,
"Yeah,” Pinanliitan nya ako ng mga mata, “So you should be ready kasi magtatanong ako," he said in a warning tone. Napaawang ang bibig ko sa sinabi nya. Oo nga noh? Muntik ko ng makalimutan na si Yohan Santos nga pala ang kausap ko, sya pa rin pala yung classmate ko na wala nang ginawa kundi tanungin ako nang tanungin about sa report ko,
Ngumisi sya, "Be ready, I won't be lenient,"
Tinaasan ko sya ng isang kilay at inilapit ang cellphone sa aking mukha, "Hindi kita uurungan, Santos," sabi ko sa tono na tinatanggap ko ang hamon nya. Napatawa naman sya sa reaksyon ko.
Maya- maya, binalot kami ng isang katahimikan.
Inilayo ko ang tingin ko sa kanya kasi para akong natutunaw, nakakatitig kasi sya sa akin while he's resting his chin on his palm.
"I miss you," malumanay niyang sabi.
Pakiramdam ko tumigil ang t***k ng puso ko nang marinig iyon. That's him, every time we were out of words to say, he will just say I love you or I miss you just to break the ice between us, kung minsan naman, sinasabi lang nya para hindi ko daw makalimutan na mahal nya ako. s**t! Pano ba naman hindi mahuhulog ang loob mo sa isang 'to?
Yes, hindi ito ang unang pagkakataon na marinig ko yan sa kanya, pero ang epekto sa akin, hindi pa din nagbabago. Sa katunayan, habang mas tumatagal, mas lalo ko itong nagugustuhan na pakinggan mula sa kanya.
"Hey," untag niya,
Napakurap ako pero hindi ko pa din sya nililingon,
“Tams,” malambing ang pagkakasabi nya ng pangalan ko kaya halos makuryente ako sa sensasyon na dala nito.
Unti- unting bumilis ang t***k ng puso ko. Lumunok muna ako para magkaroon ng lakas ng loob na salubungin ang kanyang nagbabagang titig,
He smiled sweetly when he caught my gaze,
Shit! Napaka- gwapo naman talaga, Santos!
"Let's have a date, 4pm," he stated,
"Ang tagal na din nating hindi lumalabas,"sabi nya na parang isang bata na pinagkakaitan ng pagkakataon.
But he's right. Busy sya nitong nakaraang lingo at dalawang beses lang sya nakapasok sa school. Magvi- video call lang kami saglit and then kailangan nya na ulit umattend ng meetings.
Naiintindihan ko naman ang sitwasyon nya. Ayoko din namang humingi nang humingi ng atensyon sa kanya dahil kailangan nyang mag- focus sa trabaho. I don’t want to be a demanding girl to the point na nagiging toxic na ako sa kanya and besides, hindi nya ako girlfriend para mag- demand.
Shit, I should rephrase that.
Hindi ‘pa’ naman nya ako girlfriend.
Now, it sounds better. I secretly smiled at that thought.
I bit my lower lip,
"Yeah sure, sunduin mo ako sa palengke," kailangan kong magpaalam kay Nanay at Tatay. Isa pa, gusto ko din na makita nila si Santos dahil matagal- tagal na din itong hindi nakakadalaw sa bahay.
"Okay, see you later, Tams," bakas sa mukha niya ang excitement,
"See you later, Santos," sagot ko naman, matching the same level of his excitement.
~~~
Natanaw ko ang paparating na itim na Range Rover at hindi ko mapigilan ang sarili ko na matuwa. Dalawang beses lang kami nagkita last week so... yeah, na- miss ko sya.
Ipinarada nya ito sa parking space. Malapit lang ang palengke sa hi- way. Ito ang pinaka- sentro ng bayan kaya dito umiikot ang napakaraming sasakyan, mapa- public man o private vehicle.
Nang maiparada nya ito nang maayos, bumukas ang pinto at iniluwa nito si Santos na may bitbit na dalawang bouquet ng roses. Isa ay kulay peach at ang isa ay kulay pink.
Naglakad sya papunta sa direksyon namin and the butterflies on my stomach started to flutter.
He's so hot in his gray chino shorts, light blue polo shirt, white sneakers and black sunglasses.
Oh yeah! I have all the time in this world to gawk on his manly looks.
"Ehe! Ay kislapan ang mga mata ey!" Narinig kong sabi ni Tatay at sinundot pa ako sa tagiliran,
Inilagay ko ang hintuturo ko sa aking bibig, "Tay! Wag kang maingay," suway ko sa kanya,
Ngumuso siya, "Ay keleg na keleg!" Naisapo ko nalang ang aking kamay sa aking noo, kahit kelan talaga 'tong tatay ko.
"Hi, Tams," Hearing his voice only, makes my heart pounds faster.
Inimpit ko ang aking mga labi saka hinarap si Santos.
"Hi," nakangiti kong bati sa kanya.
Siguro nga tama si Tatay na kumikislap ang aking mga mata kapag nakikita si Santos. Dahil siguro masaya ako kapag kasama sya. Hindi ba, sabi nga nila, the eye is a window to the soul. Masaya ang puso ko, kaya masaya din ang mga mata ko.
Sinuklian din nya ako ng isang matamis na ngiti at saka iniabot ang hawak na pink na mga rosas.
"For you, my love," sabi niya sa malagong na boses na halatang sinadya niya,
"Thank you, Santos," natatawa ko namang sabi,
Bumaling naman sya kay Nanay na abala sa pag- sukli sa kanyang customer,
"For you, Nay," iniabot nya ang peach na mga rosas,
Nang makaalis ang customer ay masayang tinanggap ni Nanay ang bouquet,
"Thank you, anak," maluha- luha pa si nanay nang tanggapin ang bulaklak. She’s probably surprised by the gift.
Yumakap si Santos at saka humalik sa tuktok ng ulo ni nanay,
"You're welcome, Nay,"
"Susmaryosep kang bata ka," hinampas ni Nanay si Santos nang bahagya sa tagiliran,
"Halik ka nang halik sa akin, napaka- baho ko, amoy pawis na ako, anak," nahihiyang sabi ni nanay,
"Hindi naman, Nay," natatawang sagot ni Santos.
"Ay ang akin?" Pabirong sumingit si Tatay.
Nilakihan ko ng mata si Tatay pero hindi nya ako pinansin. Alam ko na nagbibiro lang si tatay kay Santos, but knowing this guy, paniguradong may ibibigay 'to,
"Eto sayo, Tay," hinubad ni Santos ang suot niyang sunglasses at isinuot kay Tatay,
"Tay!" impit ang mga labi na suway ko sa aking ama, sabi ko na nga ba at papatulan ni Santos.
Mabilis naman syang lumapit sa akin at agad nyang hinawakan ang kamay ko,
"It's okay, Tams," nakangiti nyang sabi bago pinagsiklop ang aming mga daliri.
Natigilan ako, tiningnan ko ang mga kamay namin na magkahawak. He usually held my hand like this. But most of the time, nakikita ko din na hesitant syang hawakan ang kamay ko especially in public places, dahil siguro natatakot sya na tumanggi ako or ma- offend ako since wala namang kami. Kaya ang ginagawa nya, hahawakan lang nya ang kamay ko kapag confident sya sa sitwasyon na hindi ako magagalit.
Tiningala ko si Santos na ngayon ay abala sa pakikipagbiruan kina nanay at tatay,
"Bagay sayo, Tay," komento ni nanay.
Nakatitig lang ako kay Santos pero nakikita ko sa gilid ng aking mga mata na nagpo- pose si Tatay sa suot nitong sunglasses,
"Aba'y oo, sa gandang lalaki ko ga naman na are, pag hindi ka naman," sabi ni Tatay sabay pose.
Malakas naman ang naging tawanan nila Santos at Nanay sa ginawang pose ni Tatay.
Seeing him like this with my parents made my heart warm. Sa loob ng tatlong buwan nyang panliligaw, mas naging close pa sya sa parents ko. Halos tunay na anak na sya kung ituring ni nanay at tatay. Mas madalas pa nga syang kampihan kesa sa akin.
Thankful ako kay Santos kasi tanggap nya kung anong meron ako. He was the one who adjusted on my way of living instead of dragging me to his world. He never complains, he never expects, he never asked me for something more than I could give him.
Dahan- dahan syang napalingon sa akin.
Itinaas nya ang kanyang kilay na nagtatanong kung bakit na naman ako nakatitig sa kanya,
"Thank you," I mouthed,
Binigyan nya ako ng isang nakakatunaw na ngiti at mapupungay na mga mata,
"I love you," he mouthed as well as an answer that sent shivers down to my spine.
His eyes were boring my soul and I felt like I was melting in his intense stare.
~~~
"Sorry Tams, next time out of town tayo," napakamot pa sya sa kanyang ulo dahil sa hiya. Naglalakad kami papasok sa mall at nagso- sorry sya kasi hindi daw nya napag- planuhan kung saan kami pwedeng pumunta dahil medyo biglaan ang date namin.
"Okay lang, Santos"... basta kasama ka.
Nakagat ko ang aking ibabang labi at pa- sikretong napangiti.
Wala namang masama kung dito kami magdi- date. Ang gusto ata ng taong ‘to mala- bakasyon ang pupuntahan. Ang mahalaga ay kasama sya, siguradong okay na ako.
"Shall we eat first? Then nood tayo ng sine,"
"Okay," I answered.
Pumasok kami sa isang Korean Restaurant. Santos ordered fried rice, kimchi, fish cake, bulgogi stew and spicy grilled squid.
Naghihintay kami ng order nang biglang tumunog ang kanyang telepono. Napangiti siya ng mabasa ang pangalan ng caller,
"Yes, Mom?" Masayang tanong ni Santos sa kanyang ina,
He put his phone on a loudspeaker at inilapag iyon sa mesa,
"Where are you, son?" malumanay ang boses ng mommy nya pero medyo paos ito,
Luminga si Santos sa paligid,
"Ahhh.... restaurant?" naka- ngisi siya at binasâ ang ibabang labi,
Fudge, bakit ang sexy nya kapag ginagawa iyon?
"Oh, you're with your girl again?" usisa ng kanyang ina,
Tumingin si Santos sa akin at saka ibinalik ang tingin sa telepono,
"Yup," sagot ni Santos,
Bumuntong hininga ang kanyang ina na para bang napagod ito bigla,
"Kelan ko ba yan makikilala? Hindi ka pa din ba sinasagot? Ano ba kasing klase ng diskarte ang ginagawa mo?" sunod- sunod na tanong ng mommy nya na may halong pagka- dismaya sa boses,
Nanlalaki ang mga mata ni Santos na bumaling sa akin at saka naipilig ang ulo ng dahil sa hiya,
Napakamot siya ng kanyang kilay, "Mom please, you're on speakerphone, don't ask me like that. Pinapahiya mo ako" natatawa niyang sabi,
"Oh, sorry. I just hope ma- meet ko sya in the future, Yohan. So make sure mapapasagot mo yan or else ipapakasal kita sa iba," pagbabanta ng mommy nya.
Para akong na- estatwa sa narinig ko.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Santos. I know his mom was just jokingly said it pero hindi ko parin maiwasan ang makaramdam ng kaunting kuhit ng sakit sa aking puso.
Shit, thinking of him marrying another girl is shattering me.
But I didn't want him to notice that I was affected. After all, it was only a joke. Ayokong isipin niya na nago- overreact ako, so I just gave him a smile... a weak smile.
Umiling naman sya, he definitely read my real reaction behind my smile,
"You cannot do that Mom, and please don't say that, she's listening," he said in a hoarse voice. His eyes were not leaving mine,
Tumawa ang kanyang ina. Yung klase ng tawa na akala mo’y naka- isa ka sa ibang tao,
"I'm just kidding, Isabel. But I hope to meet you soon," sabi nya na as if totoong kaharap nya ako.
Tumango ako bilang tugon kahit hindi nya ako nakikita. I bit my lower lip and just looked away.
Sakto namang dating ng waiter na may bitbit ng mga order namin. Mabuti nalang at dumating sya dahil nakahinga ako ng maluwag, kasi hindi ako komportable sa mga titig ni Santos. For sure, binabasa nya ang kinikilos ko.
"Oh sige na Mom, I'll just see you later," sabi nya habang abala sa pag- ayos ng mga pagkain namin,
"Okay bye, just want to tell you that the meeting with Mr. Faustino went well," his mom said, changing the topic,
"That's good to hear, mom, thanks. Okay, I'll hang up now," muli syang tumitig sa akin nang mailapag na ang lahat ng pagkain, pero pinipilit ko ang sarili ko na wag salubungin ang kanyang mga mata.
"Bye, son. Enjoy!"
Narinig ko na naputol na ang tawag nilang mag- ina. It was only then that I looked at him.
"Wag kang maniniwala sa nanay ko, nagbibiro lang yun," he said like he was consoling a sulking child.
Pinapanood ko sya habang naglalagay ng pagkain sa aking plato.
"It's okay, Santos. Alam kong joke lang yun," walang gana kong sagot.
Sh!t, Isabel, it was only a freaking joke. Why are you so affected?
"Good," komento niya. Mabuti nalang at hindi nya napansin ang tono ng aking pananalita,
"Ayokong isipin mo na may iba akong babae bukod sayo," nakangisi niyang sabi habang hinuhuli ang aking tingin, nangingilag kasi akong tumingin sa kanya,
"Okay lang, hindi mo naman ako girlfriend,"
What the?!
Bigla akong natigilan sa sinabi ko. Ano yun Isabel? Tampong- tampo?
What. the. fudge.
Tumingin ako sa kanya,
Napaawang ang aking bibig dahil sa dilim ng kanyang tingin. Ilang beses na umigting ang kanyang panga at halos maputol ang chopstick niyang hawak sa pagkuyom ng kanyang kamao, he's even trembling because of what he heard.
Ang tanga naman, Isabel!
Napakurap ako ng ilang beses,
"Sorry, I didn't me--," mabilis nyang pinutol ang gusto kong sabihin,
"Just eat, Isabel," halos manigas ako sa aking pwesto sa narinig ko. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng isang timba na puno ng yelo dahil sa sobrang lamig ng tono ng kanyang boses.
For the first time, he gave me this kind of cold treatment and it's shaking my whole world. Hindi ko kinakaya.
Hindi nya talaga ako kinikibo habang kumakain. I tried to initiate a small talk but he never answered! Ni hindi nga sya tumitingin sa akin, para bang kumakain lang sya nang mag- isa at walang kasama. Sa unang pagkakataon, trinato nya ako nang parang hangin at sobrang sakit. Mas dumadagdag pa ang sakit kapag naiisip ko na ako ang dahilan kung bakit sya nagkaka- ganito. Nakakainis!
Sinulyapan ko ulit sya pero hindi sya tumitingin,
"Santos," mahina kong tawag sa kanya. Swerte nalang siguro kung nakalimutan nyang galit sya sa akin at tapunan nya ako ng tingin kahit saglit lang... pero hindi!
Nakagat ko ang aking ibabang labi, para tuloy naiiyak na ako!
"Yohan!" Tawag ko ulit but this time, medyo malakas na, baka nabi- bingi lang sya.
Lumiwanag ang aking mukha nang sandali syang mapatigil sa pag- subo ng pagkain,
Shit.
Inihanda ko na ang aking pinaka- matamis na ngiti para naman masiyahan sya kapag tumingin sya saken.
Pero... napahikbi nalang ako ulit nang bigla syang magpatuloy kumain at hindi manlang nag- abalang sulyapan ako. Nakakaiyak.
~~~
I really tried my best to redeem Santos' mood because he was obviously pissed off of what I said to him earlier. Well, who wouldn't, right? Matagal na syang nanliligaw sa akin, gusto nya ako maging girlfriend at pinaparamdam nya sa akin ang tamang pag- trato ng isang boyfriend.
Napaka- insensitive ko sa part na sabihan sya na hindi mo naman ako girlfriend when in fact, halos sungkitin nya na ang bituin sa langit para lang sa akin.
"Santos," nanunuyo kong tawag sa kanya. Naglalakad na kami ngayon sa mall area papuntang cinema dahil ito ang plano nya. Pero hindi ko ata kayang manood ng sine kapag ganito kaming dalawa.
"Yohan," hinawakan ko ang kamay nya kaya bigla syang tumigil.
Halos lumukso ang puso ko nang marahan nya akong hinarap. Madilim pa din ang tingin nya pero mas okay na siguro 'to kesa hindi nya ako kinikibo,
Nakagat ko ang aking ibabang labi nang maramdaman ko ang pag- init ng gilid ng aking mga mata,
"Sorry," mangiyak- ngiyak kong sabi,
His brows were furrowed. Yeah, he’s still offended.
Hinaplos ko ang likod ng kanyang palad and I heard him mumbled a curse.
He swallowed hard before closing his eyes forcefully and let out a sharp breath. Naihilamos nya ang kanyang kanang palad sa mukha at saka muling nagpakawala nang malalim na hininga,
"s**t, Isabel. Come here," bigla nya akong hinila palapit sa kanya and the next thing I knew, he was already hugging me,
Inimpit ko ang aking mga labi dahil sa nagbabadyang mga luha na tatakas sa aking mga mata. Kahit kelan, napaka- iyakin ko talaga.
"No, don't say sorry," he whispered over my hair. Para akong nabunutan ng tinik sa puso nang sa wakas ay pansinin nya na ako.
He lifted my chin using his left hand so that I could look into his eyes. His right hand went to my waist.
"I'm sorry for ignoring you. Pakiramdam ko kasi na- basted mo ako," he apologized,
“I’m such a jerk,” naiiling niyang sabi,
"Sorry for what I said, nasaktan lang ako sa sinabi ng mommy mo na ipapakasal ka sa iba," nahihikbi ko pa ding sabi sa kanya,
Ngumisi siya, "Well, she'll only do that kapag hindi mo ako sinagot,"
Napakurap ako,
He suddenly flashed a wide grin on his face, "Sinasagot mo na ba ako, Tams? Kasi you wouldn't hurt if---"
Yes, he’s right. Papatagalin ko pa ba ‘to?
"Oo Santos, sinasagot na kita. Mahal kita at ayoko na magpakasal ka sa iba,"
His jaw literally dropped! His eyes were expressing different emotions. Amused, disbelief, happiness, and joy all at the same time!
He was still in awe when he smiled crazily at me.
Mabibigat ang kanyang paghinga dahil gusto niyang sumigaw pero pinipigilan ang sarili dahil nasa loob kami ng mall.
Pinilig niya ang kanyang ulo. Nasapo niya ang kanyang noo at kinagat ang ibabang labi.
Dahil siguro hindi nya maisigaw ang kanyang nararamdaman, ang mga mata nya na ang nagsalita para sa kanya nang biglang tumulo ang kanyang mga luha,
"Awww… Santos," I can't even recognize my own voice when I said it.
He was sobbing when we held both of my hands, "Oh god, thank you, Tams," he said in a hoarse voice, still crying because of so much joy. He pulled me again for one tight hug and I hugged back. He rested his cheek on top of my head.
Ilang minuto kaming magkayakap at muntik ko nang makalimutan na nasa mall nga pala kami. Kung hindi ko pa napansin ang mga taong nagsisipag- daan na iba kung makatingin ay hindi akong mag- aabalang lumayo sa pagkakayakap ni Santos at tingnan sya,
Napangiti ako nang makitang naka- pikit ang kanyang mga mata,
"Santos, PDA na tayo masyado,"
"I don't care. I don't care about them either,"
Natawa ako sa sinabi nya, "Well, I do care kasi manonood pa tayo ng sine," narinig ko ang pag- ngisi nya saka sya bumitaw sa pagkakayakap.
He looked at me and his eyes were all twinkling. He's wearing a loving smile as if no one could ever erase it. He is really happy.
Nakagat nya ang kanyang ibabang labi. Sa sobrang saya nya, maging ang mga mata nya ay tila tumatawa,
"Let's go, Tams," buong kumpiyansa nyang hinawakan ang aking kamay at iginiya ako papunta sa sinehan.
~~~
We chose a Sci-Fi movie. May bago akong na- diskubre sa kanya at yun ay pareho pala kaming hindi mahilig manood ng mga romantic movie. We both prefer, horror, sci-fi, and action.
Pareho kaming tutok na tutok ni Santos sa pinapanood. Nasa climax na ang movie kaya halos hindi na kami kumukurap.
Pero biglang napakunot ang aking noo nang may narinig akong isang ungol ng babae.
Tumingin ako kay Santos pero nakapako lang ang tingin nya sa screen. Luminga ako sa tabi nya, sa likod namin at....
Halos lumuwa ang mata ko nang makitang may naghahalikan sa tabi ko. Well, hindi naman literal na katabi because they were 5 seat apart from me. Walang ibang tao sa pagitan namin so technically, katabi ko na din sila.
My god! Hindi naman nakakalibog ang pinapanood namin pero bakit ganto sila?!
Hinila ko ang manggas ng damit ni Santos, tinaas lang nya ang kanyang kilay pero hindi ako nilingon,
"Santos," tawag ko sa kanya na halos hindi bumubuka ang bibig,
"Hhmmm?"
"Tumingin ka dito," hila ko ulit sa manggas nya,
Lumingon sya sa akin at tinuro ko gamit ang hinlalaki ang mga taong tinutukoy ko.
Halos masamid si Santos sa popcorn na kinakain nang makita nya ang babaeng naka- kandong sa lalaki. Natakpan niya ang bibig gamit ang nakatikom na palad dahil mas lalo syang inubo nang bumaba ang halik ng lalaki sa dibdib ng babae.
Naramdaman ko naman ang pag- init ng aking pisngi habang pinapanood sila.
Sh1t!
Mabilis akong pumaling kay Santos at mariin na ipinikit ang aking mga mata nang umungol ulit ang babae.
My god ate girl!
Naramdaman ko na inakbayan ako ni Santos. He leaned me closer to him and put his hand at the side of my eyes.
"Don't look at them," magkalapat ang aming mga sintido habang nakatabon ang kamay nya sa gilid ng aking mata para hindi na ako mapalingon sa kanila.
Pilit ko namang inaalis sa aking isipan ang senaryo na nakita.
Ano kayang pakiram--- s**t!
Dahan- dahang lumingon sa akin si Santos. Halos makuryente ako nang maramdaman ko ang paglapat ng kanyang labi sa aking tainga,
"Dapat hindi mo nalang ako tinawag, nai- inggit lang ako," bulong niya at halos magtindigan ang mga balahibo sa aking batok nang maramdaman ko na hinalikan nya ang aking tenga.
Sh!t, the sensation it brought was one hell of a kind. Dumadagundong ang aking dibdib at parang hinahalukay ang aking sikmura. Ang aking mga hormones ay nagsusumigaw nang mas higit pa doon. Fudge!
~~~
Santos was extra sweet today. Maya't maya sya kung halikan ang likod ng aking palad at madalas din nyang ipulupot ang kanyang braso sa aking bewang. He's touchy and clingy and for some reason, I kind of like it. Maybe he's really this kind of person.
Hindi pa din nawawala ang kinang ng kanyang mga mata at ngiti sa labi na pati ako ay nahahawa na din.
"I can't believe you're my girlfriend now," he said in a husky voice. He's caressing my right hand and his left hand was on my waist. I was resting my head on his left shoulder.
We are at the roof of his car while we're watching the night sky above us, we're at the exact same place on the hill when we had our first date.
"Nung unang pumunta tayo dito, nililigawan palang kita. Ngayon, girlfriend na kita,"
I smiled at what he said. Akalain mo nga naman at ang bilis ng panahon.
"Thank you for entrusting your heart to me, Tams," he said wholeheartedly,
Hindi ko naman maiwasan na tumaba ang puso sa narinig. Inangat ko ang aking mukha at tumingin sa napaka- gwapo nyang itsura.
Napalunok ako nang muli na naman akong malunod sa mga titig nya. Napaka- pungay ng kanyang mga mata at halo- halong emosyon ang nakikita ko,
"I will do my best not to break it, I promise," he faithfully said,
Binasȃ ni Santos ang kanyang mga labi.
Hindi na naman magkamayaw ang mga paru- paro sa aking tyan nang bumaba ang tingin nya sa labi ko.
Binuka nya ang kanyang bibig at inanggulo ang kanyang ulo saka dahan- dahan lumapit sa akin.
Ipinikit ko ang aking mga mata nang makita ko na pumikit sya.
Pakiramdam ko ay sumabog ang aking dibdib nang maramdaman ko ang paglapat ng malambot niyang labi sa akin.
He pulled away for a moment, "Finally," he whispered in between our lips. He smiled triumphantly before pulling me closer for a deeper and more passionate kiss.
It was slow and it felt so good.