My body was still in shock from what happened. Naihilamos ko ang aking palad at saka huminga ng malalim.
Fuck.
What a desperate girl.
Naipilig ko ang aking ulo. Ngayon ko naramdaman ang hapdi ng aking mga braso at mukha.
Kinuha ko ang aking compact powder sa bag para i- check ang sarili.
Meron akong kalmot sa aking ibabang labi, agad kong kinuha sa bag ang aking panyo nang makita ko na dumudugo ito. Nang umampat ang dugo, napa- buntong hininga ako ulit at saka naman tiningnan ang aking mga braso.
Halos mapahikbi ako sa dami ng kalmot, humahapdi sya at sobrang pula ng aking dalawang braso. Naiiyak ako.
Naramdaman ko na may biglang tumabi sa akin. Hinawakan nya ang aking isang kamay at ang isang kamay nya naman ay hinawakan ang aking babà para iharap ako sa kanya.
Sobrang nag- aalala ang ekspresyon ng mukha nya at nakikita ko na nasasaktan sya para saken,
"I'm sorry," he apologized. Alam ko na hindi nya kailangan mag- apologize sa dahil wala naman syang kasalanan, pero pagkasabi na pagkasabi nya noon, bigla na lamang nag- unahan ang aking mga luha na kumawala sa aking mga mata. Sure, I expected this to happen, pero hindi ko naihanda ang aking sarili sa pwede kong maramdaman. I was shocked and scared. Paano kung hindi sya dumating?
He cupped my face and wiped the tears that fell on my cheeks.
"Ayokong malaman nila Nanay," umiiling na sabi ko sa kanya habang patuloy ang pagtulo ng aking mga luha. Kapag nalaman nila nanay na napaaway ako sa school, panigurado susugod ang mga yun dito at baka mas lumaki pa ang gulo.
Tumango si Santos,
"Yeah, I know and I understand," his eyes softened.
Napalunok sya ng ilang beses, napansin ko na tila ba nahihirapan syang tingnan ako nang deretso sa mata, para bang ayaw nya na nakikita akong umiiyak.
He continued to caress my cheeks with his thumb.
I'm still sobbing. I want to stop crying but my eyes won't. My hands and knees were all trembling, I was startled. It's my first time to be involved in a school fight.
Nanlaki bigla ang aking mga mata nang bigla nya akong isubsob sa kanyang dibdib at ibinalot nang kanyang mga braso. Aakma na akong magpumiglas pero mas hinigpitan nya ang kanyang pagkakayakap.
"Kanina pa kitang gustong yakapin," I felt him caressing my hair and the butterflies on my stomach seemed to like it. Aaminin ko, I feel comfortable being wrapped by his arms. I feel safer, and hearing his loud heartbeat against his chest is like music to my ears.
I somehow liked it here, it calmed my heart. So, I closed my eyes.
~~~
Pagkatapos ng klase, nagyaya si Santos ng dinner date since ang tagal na daw naming hindi lumalabas kasi sobrang busy nya. At sa mga nangyari kanina, ngayon ko lang napansin na nakapang- business attire sya, his hair was fixed into pompadour style. He looks so professional and more stunning.
Naglalakad kami ngayong papuntang parking lot. Ang lakas nyang maka- agaw ng atensyon sa mga nakakasalubong namin dahil sa ayos nya, napapa- second look sila at naririnig ko na para silang mga bubuyog na nagbubulungan.
Sinabi ko sa kanya na takaw- pansin sya pero hindi nya manlang binigyan ng keber ang sinabi ko. Nag- iilusyon lang daw ako.
Ha! Palibhasa wala syang pakialam sa mga nasa paligid nya.
"I will buy you cardigans after we eat," ani Santos. Nabanggit ko kasi sa kanya na bibili ako ng ilang long sleeves at cardigan para hindi mapansin nila Nanay yung mga kalmot ko, hindi naman siguro nila mapapansin dahil nasa palengke sila madalas. Maaga din naman silang umaalis at gabi na umuuwi. So hopefully, wala silang mapansin hanggang gumaling ang mga kalmot.
Umiling ako,
"I can buy for myself, Santos," yan na naman sya,
"I know but I want to. Besides, may kasalanan din naman ako," he said, feeling guilty.
Lumingon ako sa kanya at saka tiningnan ang kanyang mukha kung nagbibiro ba sya,
"Of course not! Don't blame yourself, attitude ni Fiona ang problema dito, hindi ikaw," I said matter- of- factly but he just gave me a weak smile.
I gave him a knowing look.
Ayoko na maramdaman nya na kasalanan nya. Hindi nya naman kasalanan dahil nagka- gusto lang naman sya sa isang tao at may isang feelingera lang naman na desperadang makuha sya, kaya naglalagay ng label kahit wala naman talaga. Kung ganoon palagi ang iisipin ni Santos, na kasalanan nya, magiging alipin lang sya ni Fiona.
"Isabel," sabay kaming napatigil ni Santos sa paglalakad nang may biglang tumawag ng aking pangalan mula sa likuran. Sabay din kaming napalingon sa nagsalita at napaawang ang aking bibig nang makita si Fiona sa hindi kalayuan.
Ano na naman bang kailangan nya?
I frowned at her. Sa totoo lang, medyo nakaka- recover na ako sa away namin kanina, kaya wala na akong lakas para makipag- talo ulit sa kanya. I’ve had enough bullshit from her.
She looked at Santos and then slowly looked at me,
She swallowed hard, "Can we... talk?" she trailed.
Now, my brow raised. What happened? Bakit parang mukha syang kinawawa sa itsura nya?
Her confidence is low.
Tumingin ako kay Santos, binigyan nya ng isang makabuluhang ngisi si Fiona. For sure, may kakaibang sinabi ito sa kanya kanina.
Pumaling sa akin si Santos at binigyan ako ng isang tango. It’s his approval. So he thinks, it’s a good idea to talk to her. I nodded.
Taas noo akong lumapit sa direksyon ni Fiona. Nilagpasan ko sya para magkaroon kami ng magandang distansya para sa pag- uusap naming dalawa lang. Naramdaman ko naman na sumunod sya. Nang medyo nakakalayo na kami sa direksyon ni Santos, matapang ko syang hinarap,
"Bakit?" my voice in interrogating tone,
"Ano..." she swallowed hard and bit her lip.
Tinaasan ko sya ng kilay habang hinihintay ko ang gusto nyang sabihin. Ang tapang- tapang nya kanina and now she’s chickening out?
Asan na ang Fiona na war freak ngayon?
Tumingin sya saken at mabilis din namang tumungo,
"Sorry," mahina niyang sabi,
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.
Talaga ba? Nagso -sorry sya?
"What did you say?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Nahipan ata ng masamang hangin ang isang 'to at bigla nalang nag- sorry.
Minsan nya pa ulit akong binigyan ng isang tingin at agad ding iniwas ito.
She exhaled a sharp breath before speaking again,
"Sorry about sa nangyari kanina," lumunok ulit sya, "Hindi na... mauulit," her voice was fading as if it was really hard for her to said it. I was aware na hindi naman sincere ang sorry nya, pero tinanguan ko nalang din sya para matapos na 'to. Sayang ang oras, may date pa ako.
"Thank you," mahina nyang sabi,
Nag- thank you pa, akala mo naman talaga totoo. Bumuntong hininga ako,
"Alam mo Fiona, kung labag sa loob mo ang pagso- sorry--"
Umiling sya "No, I mean it, Isabel,” sa wakas ay iniharap nya na sa akin ang kanina nya pang iniiwas na tingin.
Her eyes were red- rimmed.
Oh, is she about to cry?
“Sorry, I'm such a fool," nanginginig ang kanyang mga labi ng sabihin iyon.
Tama ako, pinipigilan nya na mahulog ang kanyang mga luha.
Tinitigan ko sya at ilang minuto kaming binalot ng isang nakakabinging katahimikan.
I let out a deep breath, tired of being in an awkward silence,
"You know what, Fiona, you're pretty, for sure maraming lalaki ang pwede mong mabihag sa ganda mo, kaso sumala ka lang sa ugali. Just so you know, hindi lahat ng bagay na hindi mo kayang makuha ay dapat mong pilitin. You cannot have it all, and it's just a matter of acceptance," I said frankly.
I saw her swallowed and bit her lower lip.
Sure, she’s choking back her tears.
Ipagdarasal ko nalang na sana kapag natapos ang pag- uusap na ito, hindi ko na ulit sya maka- away at malinawagan na sya sa sarili nya. Hindi ko hinihiling na maging okay kami pero sana magising na sya sa katotohanan.
Hindi sya kumikibo sa kinatatayuan nya at hindi din sya naka- tingin sa akin, pero sigurado ako na narinig nya nang mabuti ang sinabi ko.
Muli kaming nabalot ng katahimikan. Since mukha naman na wala na siyang sasabihing iba, I guess we’re done here. Tatalikuran ko na sana sya nang may bigla pa akong naalala na sasabihin sa kanya,
"And one more thing,” lumunok ako,
“Please know your worth,” pagkasabi ko noon, agad na tumulo ang mga luha ni Fiona na marahas nya namang pinahid gamit ang kanyang palad,
I gave her a weak smile kahit alam kong hindi nya naman ako nakikita dahil nakaiwas ang kanyang mukha sa akin, “Wag mong pagpilitan ang sarili mo sa taong hindi ka gusto,” dagdag ko.
Nakita ko kung paano nag- unahan ang mga luha ni Fiona na kumawala sa kanyang mga mata, hindi din nakalagpas sa aking pandinig ang mga hikbi na kanina nya pang ini- impit.
She bursted-into-tears.
I definitely hit a bull’s- eye.
Tumango- tango ako at kinagat ang aking labi, "It's goodbye for now, Fiona," tinalikuran ko na sya at muling bumalik sa direksyon ni Santos.
Maliwanag ang mukha nya, maybe na sense nya na nasabi ko kay Fiona ang lahat ng gusto kong sabihin. He extended his hand and easily reached for my right hand. Nagulat ako nang pinag- siklop nya ang aming mga daliri. I glared at him but he just shrugged it off and gave me a sweet smile,
"I'm so proud of you," he muttered. Napaka- pungay ng kanyang mata and my heart started to race when I felt him squeeze my hand.
I now admit, I like the way he held my hand.
Oh god, pano pa pag naging boyfriend kita?