Chapter 11

2366 Words
Today is Monday.  Halos dalawang linggo na din ang lumipas mula noong first date namin ni Santos. Simula noon, lagi na kaming magkasama, hatid- sundo nya na din ako kapag papasok sa school, tumatanggi na nga ako minsan kasi nakakahiya na kaso hindi sya pumapayag, ano pa nga ba?  Ilang classmates ko na din ang nagtanong sa akin kung ano daw ang score sa aming dalawa kasi wala syang palya magbigay ng long-stemmed roses araw- araw. Well, I just told them the truth and I’m sure nakarating na din ito kay Fiona.  Malakas ang pakiramdam ko na gustong- gusto nya na akong komprontahin kaso hindi lang nya magawa kasi laging nandyan si Santos. Lagi ko ding nakikita na nakamasid sya sa akin, kung nakakamatay nga lang ang panlilisik ng kanyang mga mata, baka na- deds na ako matagal na. Wala nga pala si Santos ngayon, ito kasi yung araw na ia- appoint na sya as CEO ng kanilang company. Kaya pala ang tahimik ng aking paligid, walang Yohan Santos. Nakakapanibago din nga naman kapag walang nangungulit sayo. Nakaka- miss din naman pala ang kumag. And just on cue, my  phone vibrated, flashing the name of him "Hello?"  "Where are you? Pabalik na ako ng school," he said in a joyful tone. Mukhang maganda ang kinalabasan ng conference nya ah, good for him. "Student's nook, same spot" I answered. Dito ako madalas tumambay kapag naghihintay ng klase or minsan dito na din ako nagla- lunch. So for sure, alam na ni Santos kung saan ako hahanapin kasi simula nung nanligaw sya, sumasama na din sya sa pag- tambay dito. "Okay, wait for me. May dala akong lunch," "Okay, I'll see you,"  "See you, Tams.” I checked the time, maagang natapos ang conference ni Santos kumpara sa oras na ini- expect niya, kaya pala babalik na sya ng school para makahabol sa ibang klase.  From this day, magbabago na din ang schedule nya, hindi na sya araw- araw nasa school, yung ibang mga subject ay pinasok na din nya sa tutorial class. Napakalaking adjustments nito para sa kanya pero kakayanin naman daw nya.  Well, hindi naman sya ang kauna- unahang estudyante dito sa school na nabalitaan ko na maagang nagpatakbo ng company. Actually, marami na sila, considerate naman ang school sa mga ganitong bagay since marami silang mga anak ng upper class na nag- aaral dito at inaasahang mag- mana ng kanilang empire. Diba? Sino nga bang mag- aakala na makakapag- aral dito ang isang anak ng tindera ng isda. ~~~ Tiningnan ko ulit ang oras, 15 minutes na ang nakalipas, wala pa din si Santos. Pumunta muna ako ng cr habang wala pa sya. Good thing, walang tao, hindi ko na kailangan maghintay para makagamit. Paglabas ko ng cubicle, sarado na ang pinto ng restroom at may tatlong babae na naka- sandal sa sink na tila ba parang may hinihintay sila. All of them are crossing their arms against their chests. Sa gitna ng dalawang babae ay si Fiona na nakataas ang isang kilay sa saken. Sa tingin ko palang, alam ko na agad ang mangyayari. I'm really expecting this to happen, it may sound ridiculous but I actually prepared some lines of what I'm going to say to her. Lahat sila, masama ang tingin sa akin, parang mga predator na handa- handang sakmalin ang kanilang prey, but sorry, hindi ako magpapasindak sa kanila. Wala akong ginagawang masama. Taas noo akong pumunta sa sink para mag- hugas ng kamay. Yung dalawang babae, habol ang tingin sa akin pero hindi ko sila pinansin. Hindi kumikibo si Fiona hanggang sa makatapos akong maghugas ng kamay, pero nang palabas na ako ng restroom, agad nyang hinarangan ang daraanan ko. Yung dalawa nyang alagad, nakita ko na lumabas at isinara ang pinto. Talagang handang- handa makipag- away ang isang 'to at may lookout pa. Nanlilisik ang mga mata nyang tumingin sa akin, tiim ang kanyang mga bagang at naka- kuyom ang mga kamay, parang anytime magsu- super saiyan na ito. I looked at her hands boringly, then back to her face, "What do you want, Fiona?" I asked her in a tiring voice. Seryoso, wala pa man, nakakapagod na agad makipag- talo sa isang 'to. "Back off or I'll smash your face!" galit na galit niyang sabi, I snorted, "Back off from what or from... whom?" I frowned, alam ko kung ano ang tinutukoy nya pero wala syang karapatan na mag- utos sa akin, lalo na’t wala naman silang commitment ni Santos. "Back off from my boyfriend, Yohan!" Halos umusok ang kanyang ilong nang sabihin iyon. Natatawa nalang ako at napapailing nang marinig ko ang sinabi nya, "Are you sure he's your boyfriend? Since when, Fiona?" naiirita kong tanong sa kanya at nakita ko na napi- pikon sya sa tanong ko, "You don't need to know!" she snarled. Wow! You cannot say it kasi wala naman talagang kayo. Lumapit sya sa akin at dinuro ako sa balikat, "Ikaw na ambisyosa, tigil tigilan mo na ang paglapit kay Yohan kasi kahit kelan hindi ka nya magugustuhan. Dahil isa ka lang hampas lupa!" Halos isigaw nya yun sa harap ng mukha ko kaya napa- pikit ako, paulit- ulit din nya akong dinuduro habang sinasabi iyon, "Hampas lupa, malansa, gold- digger, patay gutom!"  This b***h had made me push the button. I opened my eyes and looked straight into her eyes, furiously.  Tingnan natin kung ano ang magiging reaksyon ng isang ‘to, "Oh yeah?! So here's a news for you,  Fiona,"  lumapit ako sa kanya at pinanliitan ko sya ng mga mata, "Yung sinasabi mo sa akin na boyfriend mo,” I gave her a smirk,  “Umamin lang naman saken na mahal nya ako!" Ha! Take that, b***h! Halos lumuwa ang mata nya sa sinabi ko at agad kong naramdaman ang pagdapo ng mga kamay nya sa buhok ko na na ginantihan ko din naman, "You fuckin' ambitious w***e!" Sigaw nya habang hinihila ang aking buhok. Isinandal nya ako sa may lababo at doon kinorner saka marahas na iwinasiwas ang kamay sa aking mukha, Wow, talagang sanay na sanay syang makipag- away. Pero hindi ko sya inurungan, dahil alam ko na nahahagip ko din ang buhok at mukha nya. Walang ano- ano ay biglang may humigit kay Fiona mula sa kanyang likuran at agad  na pumagitna sa amin. Nakatalikod ang lalaki sa akin pero alam ko na agad kung sino ito.  Aakma pa syang susugod ulit pero natigilan siya at nakita ko kung paano natakot ang kanyang reaksyon nang makita si Santos, hindi ko alam kung anong klase tingin ang ibinigay nya kay Fiona pero sa reaksyon nya palang, mukhang hindi mo na gugustuhin na makita, ni masulyapan ito, "Yo- Yohan?" Her eyes trembled in fear, "Stay away from her, Fiona," his voice screams authority and dominance, She was faltered. Bumuka ang kanyang bibig pero walang lumalabas na kahit anong salita. Tinalikuran sya ni Santos at saka humarap sa akin. Marahan nyang inayos ang aking buhok na nakatabon sa aking mukha, I looked into his eyes but he didn’t meet my gaze.  He’s busy fixing my hair. But his jaw was clenched and his brows were furrowed. "Wait for me at the nook," malumanay niyang sabi, tumango ako bilang tugon at saka lumabas ng restroom. I wonder kung ano ang sasabihin nya kay Fiona. ~~~ *15 minutes ago* Yohan's POV I arrived at the student's nook but Tams was not here. She left her bag and her phone. How could she leave her things like that? At nasaan sya? Wala naman akong nareceive na text mula sa kanya na aalis sya.  The meal is waiting. Well, maybe she just roamed around and will be back in a minute. I busied myself playing games on my phone pero wala pa din si Tams. What's taking her so long?  Saan naman kaya sumuot ang isang yun? "Hindi ako makapag- cr, may nakabantay kasi sa pinto, bawal daw muna gamitin," sabi nung babae na napadaan sa aking direksyon, "Huh? Bakit naman daw?" Tanong ng kasama nya "Ewan ko, I didn't argue anymore because they looked intimidating," Awtomatiko na bumilis ang t***k ng aking puso, hindi ako sigurado sa kung ano ang pinapag- usapan nilang dalawa pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa aking narinig. My instinct is nudging me. Agad akong tumayo sa aking kinauupuan at patakbong nagtungo sa female's restroom. Nandilim ang aking paningin at halos kumulo ang aking dugo nang makita ko ang dalawang barkada ni Fiona na obvious na obvious na lookout. Wag ko lang malaman na si Isabel ang kinakanti nila sa loob dahil hindi nila magugustuhan ang galit ko. Nakita ng dalawa na palapit ako kaya agad silang natakot at umeskapo. I scoffed, I thought they're loyal to Fiona, why are they leaving her now? Pagbukas ko ng pinto, naabutan ko na nakasandal si Isabel sa sink habang sinasaktan siya ni Fiona. My heart was breaking into pieces when I saw her in this kind of situation. Alam ko na hindi sya sanay sa mga ganitong away at ngayon ay nasangkot sya nang dahil sa akin.  Fuck, I couldn't stand watching her like this. Hinigit ko si Fiona palayo kay Isabel at agad na pumagitna sa kanila. She was about to slam her again but she was frozen to see me in front of her. I gave her a death glare and I can see how terrified she was. My fist and jaw were clenched, I was raging mad. Kung hindi lang babae ang kaharap ko, baka nabugbog ko na. Yeah, she should just be terrified because I will show no mercy. Pasensyahan tayo ngayon.  "Stay away from her, Fiona," I snarled.  Nakita ko kung paano sya natakot. She wanted to say something but no words came out.  That's good and besides, I don't want to hear what she has to say. Humarap ako kay Isabel. I can see on my peripheral that she's looking at me, but I couldn't meet her gaze because I will definitely lose it.  So instead, I just fixed her hair. Fuck, I want to hug her. "Wait for me at the nook," I said gently, I was breaking and furious at the same time as I said this, but I want to remain calm in front of her.  She nodded and left. Now, I was alone with this b***h. "Yohan! That b***h, Isabel. Sinugod nya nalang ako bigla," sumubsob sya sa aking dibdib at saka umiyak. As I know, it's just a crocodile's tears.  Inangat nya ang kanyang mukha na nagmamakaawa kunwari. Mas lalo kong naikuyom ang aking kamay.  Pinapalala lang nya ang galit ko.  "Inaway nya ako kasi gusto nya akong makipag hiwalay sayo. She's so desperate to get you, wag kang magpapaloko sa kanya, pera lang ang habol nya sayo," sabi niya sa nagpapaawa na boses. Oh my fuckin god. Hanggang ngayon ba naman iniisip nya na magka- relasyon kami? For Pete's sake, I never even liked even a single bit of her. "Cut the crap, Fiona," I am mad, so don't she dare pull another string, "What?" nagmamaang- maangan niyang tanong.  "I like Isabel," I said, ignoring her question. Humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin at hindi makapaniwalang tumingin sa aking mga mata. Mas mabuti, para mas makita nyang tototo ang sinasabi ko, "No, in fact... I love her," she shook her head in disbelief but I didn’t care.  Who cares about her, anyway? "No! How could you love that woman?! She's nothing compared to me, she's just a piece of trash dressed in an expensive school uniform, as I know, asal kalye--" I didn’t let her finish her words. I can’t handle how thick-skinned this woman is. Sya pa ang may gana na magsalita nang ganoon? I gripped her left arm and  I saw her winced because of pain. I know I held her tightly but I couldn't help it, she's really putting me on the edge. "Yohan, nasasaktan ako," pilit nyang inaalis  ang hawak ko pero mas lalo ko pa itong hinigpitan. I gave her a threatening look, "Here's a thing Fiona, magsalita ka pa ulit ng ganyan tungkol kay Isabel and I will make sure that you'll regret it," "At Anong gagawin mo?" Her voice in a challenging tone, Really? Of all people ako pa ang hinamon nya? I scoffed and narrowed my eyes on her, "I know your family's company is on the verge of bankruptcy, that's why they partnered with us just to save it. Kaya wag mo akong hinahamon Fiona,” I saw how frightened she was. It’s good, then. “Apologize to Isabel or I will make sure, your company will never see the sunrise again," so that’s what you get when you challenged me, "You cannot do that Yohan, that's unfair!" she’s hysterical, but it only added fuel to the fire, "Really Fiona?! Coming from you, who doesn't even know how to play fair, thus all you could do was to threaten every person who comes in your way? Right? Just like what did with Stephanie and now you’re doing it again to Isabel!” I gave her a dagger look as I made her remember what she did 2 years ago. Her eyes were trembling and I just shook my head.  I snorted, "Let's make a deal, apologize to Isabel and never ever lay a finger on her again or you’ll be poor as a church mouse,” I smirked while she was bewildered. Now, I somehow thanked my Dad for teaching me how to play with my cards well. Dahil sa sitwasyon ng kompanya nila ngayon, hindi ko na kailangan ang tulong ng mga magulang nya just to take care of her attitude. I was pleased that I will be the one who has to deal with her. I'm going to give her the taste of her own medicine. "Take it or leave it, Fiona.” Inayos ko ang pagkaka- gusot ng aking damit dahil sa pagkakayakap nya saken at saka iniwan syang mag- isa. I couldn't help but flash a victorious grin on my face.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD