Chapter 10

1793 Words
Pagkatapos namin sa studio ay kumain na kami ng hapunan sa isang restaurant. Hindi namin naiuwi ang mga ginawa naming ceramics dahil kailangan pa itong patuyuin at i- bake. Kukunin nalang daw ni Santos sa studio sa susunod na araw kapag okay na. Deretso kami sa mall pagkatapos naming kumain. Dumaan si Santos sa department store para bumili ng kung ano- ano. He was insisting to buy me some stuff but I said no for… a hundred times? I don’t know, sobrang kulit. But then, he respected my decision and I felt good about it. Nasa isang arcade kami ngayon dahil matagal na daw sya na hindi nakakapaglaro dito. Gusto din daw nya na ipakita saken ang talent nya sa claw machine, and true enough ang galing nya sa larong ito, dahil nakaka- pito na kaming stuff toys na nakukuha at hindi pa sya tumitigil, hindi pa kasama ang dalawang malaking stuff toys na nakuha namin sa ibang laro. "Aside from pottery, playing in arcade is my talent," sabi nya at hindi naman ako tumutol. Wala kaming ginawa kundi tumawa at magsaya, we also rented a song room and I found out that he has also a talent for singing. Gwapo Matalino Mayaman Talented God! I don't even know how he fell in love with me. Sobrang bait ko ba nung past life ko? ~~~ "I really had fun today, Tams," sabi ni Santos habang tinatanggal ang seatbelt. Pauwi na kami but we decided to eat late night snacks before he drops me off. Nagutom kami parehas sa paglalaro sa arcade. "Yeah, me too," sagot ko habang inaalis din ang seatbelt. Bumaba sya ng sasakyan para pagbuksan ako ng pinto, "Thank you," I said happily. Dumeretso sya sa back seat para kunin ang ilang mga pagkain dahil bitbit ko na ang nachos at drinks, inilabas nya mula doon ang pizza at donuts. Wow, hello fatty foods! "Tara sa taas," sabi niya na ang tinutukoy ay ang bubong ng kanyang sasakyan. "So that we have a better view," tumango naman ako sa suhestiyon nya. Dito kasi namin napag- desisyunan na kumain sa isang burol tanaw ang city lights. Medyo malamig na ang hangin pero masarap ito sa pakiramdam, samahan mo pa ng bilog na bilog na buwan at libu- libong mga bituin sa kalangitan. Diba? It’s romantic. Ipitanong nya sa bubong ng sasakyang ang lahat ng pagkain na dala namin at pinanood ko lamang sya habang ginagawa iyon. Napasinghap nalang ako nang bigla nya akong buhatin na parang bagong kasal. Natigilan kami parehas nang bigla kaming magkatinginan. s**t, looking at him in this angle is so satisfying-- prominent jawline, red lips, tantalizing eyes... Binigyan nya ako ng isang nakakatunaw na ngisi dahilan para magpa- awang sa aking bibig, “Don’t fantasize me, Tams,” nanunuya niyang sabi, Nanlaki ang aking mga mata, “I am not!” mariin kong tanggi kahit huling huli na sa akto, Naiiling nalang sya bago nya ako ibinaba sa hood ng sasakyan, Another confirmation, he can one hundred percent surely carry you, with ease with those biceps! Pagkatapos nya akong iakyat ay sya naman ang sumunod; matangkad si Santos kaya ni hindi manlang sya nahirapan na makaakyat. Inayos namin ang aming pagkain at inilagay ito sa pagitan naming dalawa bago umupo at gawing komportable ang sarili. Tahimik naming pinagmamasdan ang kabuuan ng syudad habang kumakain. Napaka- ganda talaga ng city lights, nakakapag- bigay sya ng kakaibang klase ng kapayapaan na nakakatulong habang gusto mong makapag- isip. Biglang umihip ang hangin at hindi ko mapigilan na pumikit dahil sa lamig na dala nito. Ilang segundo din itong nagtagal bago nawala, Pagdilat ko, tumingin ako kay Santos na naabutan kong nakatitig na sa akin. Napaka- pungay ng kanyang mga mata, Binigyan ko sya ng isang ngiti at nakita ko kung paano tumaas- baba ang kanyang adam’s apple dahil sa kanyang pag- lunok, Inimpit ko ang aking mga labi bago nagsalita, “Bakit ako, Santos?” sa dinami- dami kasi ng maganda, mayaman at matalino sa aming school, bakit ako pa ang nagustuhan nya? Napa- awang ang kanyang bibig. Hindi nya siguro inaasahan na itatanong ko iyon, Sandali siyang nag- isip, "Hindi pa ba sapat na dahilan na gusto kita?" sagot nya, "Ang boring ng sagot Santos, huh. Bukod dun syempre," naiinis kong sabi. Nakakainis kapag ganito ang kausap. I’m trying to start a conversation, hindi nya ba yun nararamdaman? Natawa sya sa reaksyon ko pero agad din syang nanahimik, "Hindi naman kasi ako ang pumili sayo, Tams eh. Itong puso ko," tinuro niya ang kanyang kaliwang dibdib, I can sense that he’s sincere but I want a more definite answer, "Ang cheesy huh," sarkastiko kong sabi sa kanya at agad naman syang tumawa. I bet, enjoy na enjoy na naman syang pinagtatawanan ang reaksyon ko. Kahit kelan talaga! Inirapan ko nalang sya saka isinubo ang isang nachos. Naiinis na ako, hindi na ako mag- iinitiate ng conversation sa susunod, bahala sya. Nang humupa ang tawa nya, tumingin ulit sya saken at saka sumeryoso ang kanyang mukha. He pressed his lips together. By then, I prepared myself, I guess he will give me the answer that I want, Tumikhim muna sya bago nagsalita, "Of course at first, I was attracted to you because you're pretty. But when I get to know you more, I realized that you're more than just good looks,” he smiled at me and it warmed my heart, “You are the kind of person who can handle me. I mean, you can handle my naughtiness, stupidity, stubbornness, even my at my lowest, you just know how to... deal with me,” he said softly, It’s because I want to be your refuge. I want to answer “Thank you because I don’t need to pretend when I’m around you. Thank you, that I can be transparent with my emotions when I’m with you. Thank you for accepting me, Tams,” he smiled gently and I can see how dazzling his eyes are. It’s so sincere that the butterflies on my stomach are starting to flutter again. "It's okay, Santos," I said as I usually answered but my heart is racing as I stare into his loving eyes. He gave me a sweet smile and I started to melt, "And speaking of thanking you," the tone of his voice changed as if he recalled something important, Bigla syang bumaba mula sa bubong ng sasakyan saka may kinuha sa loob nito. Pagbalik nya, dala- dala nya na ang ilang mga pinamili mula sa department store kanina. Kumunot ang noo ko nang mapagtanto ang mga dala nya, wag nyang sabihin saken… Iniabot nya ang isang paper bag ng kilalang brand ng smartphone, "Ano yan?" alam ko, para akong sira sa tanong ko, "Hindi ba obvious?" natatawa niyang tanong, "Ibig kong sabihin, para saan yan?" "It's my thank you gift," Napaawang sandali ang aking bibig bago nagpatuloy sa pagnguya ng pagkain, "Enough with that thank you gift, Santos," inirapan ko sya, pero mabilis nyang kinuha ang aking kamay, hinila ko ito pabalik pero huli na ang lahat kasi naisabit na nya sa kamay ko ang paper bag. Aakma na akong ibabalik ito pero bigla syang nagsalita, "Tams, please?” he said in a pleading voice, Napapikit ako, dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko sya kayang tanggihan, What the fudge. “Para din ma- contact kita kapag...nami- miss kita," And… that’s it! My heart knows that it was enough reason, Napabuntong hininga ako, "Fine," I said, defeated. Tumingin ako sa kanya, he’s smiling from ear to ear, "Take this as well," iniabot nya naman saken ang isang itim na parihabang bag, I shut my eyes again forcefully and bit my lower lip, Santos! Nanggigil na ako sa isang ‘to! Iminulat ko ang aking mata at saka tinapunan sya ng masamang tingin, "You are fuckin' kidding me, Santos. I can take this phone but not that goddamn laptop," nanggigil kong sabi sa kanya. Alam kong kailangan ko ng computer pero hindi ko naman kayang tumanggap sa kanya ng ganun lang. Ayokong isipin ng ibang tao na hinuhuthutan ko lang sya. Pinilig niya ang kanyang ulo, "Nope, you can't say no to this, Tams. Thinking of you renting a computer late at night is scaring the hell out of me," he said in a stern voice, "Santos--," "No, Isabel. I won't accept any explanation from you, period," may awtoridad sa kanyang boses na para bang hindi na pwedeng baliin ng kahit na sino ang kanyang desisyon. Inilagay nya sa tabi ko ang bag na naglalaman ng laptop at labag sa loob kung tinanggap iyon. Humibi ako at iniwas ang tingin sa kanya. Nakakainis! Ilang beses pa akong tumanggi sa alok nya kanina na huwag na akong ibili ng kung ano- ano tapos malalaman ko nalang, na para sa akin pala ang phone at laptop na binili nya. Hindi naman sa hindi ako nagpapa- salamat pero tinanong pa ako, eh yung gusto din naman pala nya ang masusunod! Umirap ako sa ere at saka galit na kumagat sa pizza. Matatapos pa ata ang araw na ‘to na may sama ako ng loob sa kanya. "I love you," malumanay niyang sabi. Nanigas ako sa kinauupuan ko at naramdaman ko ang unti- unting pagbilis ng t***k ng aking puso. Dahan- dahan akong lumingon sa kanya at sinalubong ako ng kanyang mga matang punong- puno ng pagsinta, "What?" kunwari ay hindi ko narinig pero alam ko, na alam ni Santos na nagmamaang- maangan lang ako, "You were pissed off. I’m sorry, alam ko na galit ka saken dahil hindi ko ni- respeto ang gusto mo,” huminga siya ng malalim at nakagat ang ibabang labi “Nag-aalala lang ako dahil mahal kita, Isabel,” his voice was so tender that I couldn't utter a single word. Bumuka lang aking bibig pero wala ni isang salita ang lumabas, I was stunned. Isa pa, sobrang lakas ng t***k ng puso ko, ito ang unang pagkakataon na sinabi nya sa akin ang salitang yun na mayroon syang malay. Ibang iba sa pakiramdam nang sinabi nya noong lasing sya. It felt surreal. Ang sarap pakinggan nang paulit- ulit. “Tams?” untag nya saken nang mapansin nyang napatanga ako, “Ahh…” wala sa wisyo kong tugon, “Thank you,” mahina kong sabi, I know I sounded stupid. Tumawa sya habang umiiling, “You are not supposed to answer thank you to I love you,” pabiro niyang sabi, Napakurap ako, alam ko na hindi ito ang gusto nyang marining sa akin, pero... “But it’s okay, Tams. Handa akong maghintay, hanggang dumating ang time na kaya mo ng sagutin ang I love you ko.” Just like that, nawala na agad ang sama ng loob ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD