Chapter 9

3420 Words
Wala pang alas kwatro ng hapon, ay may nakaparada ng itim na Range Rover sa labas ng aming bahay, at hindi na kailangan pang tanungin kung kanino ito dahil si Santos lang naman ang kakilala ko na may ganoon na magarang sasakyan. It’s only 3:20 pm, excited much? Bumaba siya ng kanyang sasakyan pero hindi agad sya dumeretso sa loob ng bahay. Nakatayo ako sa may pintuan habang pinapanood sya na pumunta sa back seat ng kanyang sasakyan at isa- isang inilabas ang apat na malalaking shopping bag. Mukha syang Santa Claus na mamimigay ng aguinaldo but definitely not your typical Santa, he’s a kind of hot Santa Claus. My god, Isabel. "Hi," bati niya sa akin na nilagpasan lamang ako at dumeretso sa sala kung saan ibinaba ang mga bitbit na shopping bag. "Ano yan?" Nagtataka kong tanong sa kanya habang naka- nguso sa mga dala nya. Wag nyang sabihin saken na... "Gifts," nakangiti niyang sabi, Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya, tama nga ang hula ko, "Ano?! Sinong may sabi sayo na--," he cut me off, "Shhh... alam kong sasabihin mo yan but please, let me do it. Ang laking abala ko sa inyo kahapon so I just want to pay it back," "Wala kaming hinihi--" pinutol nya ulit ang gusto kong sabihin at saka hinawakan ang dalawa kong kamay, "I know, I know... but please? Nahihiya talaga kasi ako kina Nanay at Tatay," Nakikiusap ang kanyang mata kaya wala akong nagawa kundi bumuntong hininga, "Fine," "Thank you," nakangiti niyang sabi. "Shall we go?" lalong lumapad ang kanyang ngiti, Napatingin ako sa orasan at nakita ko na alas tres y media na ng hapon. Napatingin ako sa itsura ko at ganoon din naman ang ginawa nya. Kakaligo ko palang at wala pa akong kagayak- gayak. "Sandali, magbibihis lang ako," pagpapaalam ko kasi nakakahiya naman sa kanya na ready-ng ready na umalis. Ang fresh ng itsura nya kahit medyo pinagpapawisan dahil sa init sa loob ng bahay. "Okay, okay," Agad akong pumasok sa kwarto para magbihis. Simple lang din ang isusuot ko ngayon since napaka- casual lang din naman ng suot ni Santos. He's just wearing a turquoise v- neck shirt, maong pants and rubber shoes. Simple lang ang suot pero ang lakas lakas ng dating because of his well- sculpted body. Fudge! His shoulders are so broad, yung tipo ng balikat na parang ang sarap sarap sandalan kapag tutulog ka sa loob ng bus. His biceps, oh boy, he can definitely carry you with ease with those biceps. His chest? I wonder how would it feel to sleep on his chest, it seems comfortable. Napamura ako sa mga pumasok sa isip ko. Shit, kapag nabasa ni Santos ang laman ng utak ko, paniguradong katakot takot na pang- aasar na naman ang aabutin ko. Baka sabihin nya, I'm fantasizing him. Well, sort of. Fuck. I'm just wearing a mustard blouse, jeans and a pair of black closed shoes. Magdadala din ako ng sling bag. Humarap ako sa salamin at saka inayos ang buhok na pa- waterfall braid. I applied light makeup and lip tint. s**t, I never put make-up even at school, only on this date. Okay, Isabel. This is it. Your first date. I said to myself in front of the mirror when I'm finally satisfied with my looks. Bumuntong hininga ako saka lumabas ng kwarto. Shit, bat ba ako kinakabahan eh si Santos lang naman 'to? Naabutan ko siya na nakaupo sa kawayan naming sofa. Busy siya sa pag- tipa sa kanyang telepono. Inangat nya ang kanyang mukha nang maramdaman na tumayo ako sa harap nya. Akala mo'y nakakita ng kung ano si Santos dahil sa reaksyon nya nang makita ang itsura ko. Dahan dahan syang tumayo pero nakapako pa din ang paningin sa akin. Malayo ang tingin ko sa kanya, pinipigilan ko ang sarili ko na salubungin ang kanyang titig dahil wala pa man, ang lakas na agad ng t***k ng aking dibdib. "You're so beautiful, Tams," his soft voice abruptly sent shivers down to my spine. Tumango tango ako bilang tugon pero hindi ko pa din sya tinitingnan. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa aking sling bag, dahil nakikita ko gilid ng aking mga mata na hindi pa din nya inaalis ang pagkakatitig saken. "Tara," yun lang ang nasabi ko at dumeretso na ako palabas ng bahay. ~~~ "San tayo pupunta?" Tanong ko kay Santos dahil hindi ko pa nga pala alam kung ano ang plano nya para sa araw na ito, "Well, it's a secret," Napanguso ako sa sagot nya. Bat kailangang secret pa? I guess, sa mall lang kami pupunta kagaya ng mga nakikita kong nagdi- date na nasa edad namin. Tahimik lang kami sa byahe, nagku- kwentuhan pa minsan tapos maya- maya tatahimik na ulit. Mag- aasaran, magtatawanan, pag- uusapan ang mga pangarap namin sa buhay, and to be honest, natutuwa akong kausap si Santos. Marami akong nalalaman na tungkol sa kanya at na- realize ko na kahit papano, may sense din naman pala syang kausap. In the future, gusto daw nyang magkaroon ng sariling accounting firm, pero sa ngayon mukhang isinasantabi nya muna dahil ia- appoint na sya as CEO ng kanilang kompanya since iniwan na nga ng tuluyan ng Daddy nya ang lahat ng responsibilidad sa kanya. I wonder how much pressure it is on him. He has to juggle his studies, being a CEO and he also needs to take care of his mother. Kinukumusta ko din ang mommy nya and he said kung hindi daw lasing ay tulog naman ito. She's still crying everyday over what happened. Most of the time, her mother also shut him out, laging nakakulong sa kwarto at ayaw syang kausap. So he decided to seek help from a psychologist but her mother won’t cooperate with the therapy. Seriously, the more I hear his story, the more I want to protect him. Kung lahat nalang ng responsibilidad ay nakapatong sa balikat nya at inaalala nya. Sino naman ang mag- aalaga sa kanya? I want to be that person. Bulong ng isip ko sa akin at sa tingin ko ay sinang- ayunan naman ng aking puso. ~~~ Pumarada ang sasakyan sa harap ng tingin ko ay isang shop, naka- glass wall ang harap nito. Sinilip ko mula sa bintana ng sasakyan ang signage ng shop at nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ito. Hindi ako makapaniwalang bumaling kay Santos, Mains et Argile Pottery Shop and School "Surprised?" Nakangisi niyang sabi sa akin, "For real?" Hindi ako makapaniwala pero masaya ako dahil dinala nya ako sa isang pottery studio. Buong akala ko sa mall kami pupunta, this man never fails to amuse me. "Excited?" Para akong isang bata na ibibili ng bagong laruan sa paraan nang pagtango ko sa tanong nya. "Then, let's go," Bumaba kami ng sasakyan at iginiya nya ako sa loob. "You're here!" isang matinis na boses ang bumati sa amin pagkapasok na paagkapasok namin sa studio. Nilingon ko ang babae na nasa front desk at malapad na naka- ngiti kay Santos, "Hi, Charm!" Lumapit iyong babae kay Santos at saka nakipag- beso sa kanya, "OMG! It's good to see you again, Yohan," sabi nya sa matinis na boses, I looked at her, she's pretty. She has shoulder-length, brown curly hair, a white complexion, and brown eyes. Nagpapadagdag din sa kagandahan ng itsura nya ang pink ribbon na nakatali sa kanyang buhok. Ngumiti sya saken at ganoon din ako sa kanya, "Ah, Charm, this is Isabel. Tams, this is Charmel. She's a potter and the owner of this studio," pagpapakilala ni Santos sa aming dalawa, "Nice meeting you, Isabel," she extended her hand for a handshake and I courteously reached for it, "Nice meeting you too, Charmel," binigyan nya ako ng isang malapad at magandang ngiti. Seryoso, ang paraan ng pagkakangiti nya ay para bang sya na ang pinaka masayang tao sa buong mundo. "Okay na ba lahat?" Tanong ni Santos kay Charmel mula sa aking likuran. Tumingala ako sa kanya at tumingin naman sya sa akin, saka ako kinindatan. "Of course! Kayo nalang ang kulang, I prepared everything for your date," malapad pa din ang nigti ni Charmel. She knows? "I'll just get the key of the room that you guys will be using tapos akyat na tayo," Bumalik si Charmel doon sa front desk para kunin ang susi ng sinasabi nyang kwarto. Iginala ko ang aking paningin sa loob ng studio-s***h-shop.Napaka relaxing ng ambience dito. Magaganda ang mga ceramics na naka- display na siguradong sila mismo ang gumawa at binebenta din nila. Nahagip din ng aking paningin ang mga pictures na naka- sabit sa pader ng kanilang mga estudyante sa pottery class. Mga bata at matanda na naka- upo sa harap ng pottery wheel. Nakakatuwa. All my life, I've been this curious about pottery, gusto ko syang ma- experience, pero uunahin ko pa ba yun sa kalam ng sikmura ko? But now, thanks to Santos, maita- try ko na din sya sa wakas. Umakyat kami sa 3rd floor ng studio at pumasok sa isang maluwang na kwarto na kung saan naka- ready na ang dalawang pottery wheel, mga tools, sponge at kung ano ano pa na gagamitin namin. "I'll leave the both of you here," nanlaki ang mga mata ko sinabi nya. Anong leave? Hindi ba sya ang magtuturo sa amin ni Santos? "Thanks, Charm. I'll just see you downstairs," bumeso na ulit si Charmel kay Santos pati na rin sa akin. Pinanood ko si Charmel na lumabas ng kwarto hanggang maisara nya ang pinto at maiwan kaming dalawa ni Santos sa loob. Tiningnan ko sya, "Sinong magtuturo sa atin ngayon?" nagtataka kong tanong sa kanya dahil wala naman syang binabanggit sa akin kung sino. Pero sa halip na sumagot ay tumawa lang sya ng mahina saka kinuha ang apron na nakasabit. Pagharap nya sakin, isang nakakatunaw na ngisi ang sumilay sa kanyang labi, "Ako," "Marunong ka?!" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya, "Yes, Miss Tamayo. I will be your teacher for today's pottery class," sabi niya na binago pa ang tono ng boses na parang isang teacher, "But before we begin, please put this on," para akong na- estatwa sa ginawa niya dahil sya mismo ang nagsuot sa akin ng apron at napasinghap ako nang ikulong nya ako sa kanyang braso at saka yumuko nang bahagya para maibuhol ang apron sa aking likuran. Sa sobrang lapit nya, halos manlambot ang aking tuhod at aksidente pang lumapat ang labi ko sa balikat nya. Alam ko na naramdaman nya iyon dahil natigilan sya sandali bago ipinagpatuloy ang pagbuhol sa apron. "Relax, Tams. Pati ako nagpa- panic sayo," mahina lang ang boses nya kasi napakalapit din nya sa aking tenga, "Eh kung lumayo layo ka kaya saken," naiinis kong sabi dahil parang kasalanan ko pa ang nangyari, pero tumawa lang sya nang mahina pagktapos maibuhol ang apron. "Let's start," he said joyfully, Iginiya nya ako sa tabi ng pottery wheel at saka nya sinimulan ang pag- demo sa paggawa ng ceramics. Habang nagpapa- ikot ng clay, nagdi- discuss din sya saken kung ano ang dapat at hindi dapat gawin. Kung ano ang mga kailangan kong tandaan at ano ang gagawin kapag nagkamali. At anak ng kamoteng hilaw, napaka- gwapo nya habang ginagawa iyon. Ang sarap nyang panoorin at ang sarap nyang pakinggan. Nakaka- inlove. Shuta. "Done!" Nakangiti niyang sabi nang makatapos sa paggawa ng sa tingin ko ay isang Japanese tea cup. "It's cute," komento ko. Ang galing nya, infairness. Alam ko naman na simple lang ang ginawa nya pero para sa kagaya kong walang kaalam- alam sa pottery, manghang mangha na ako sa ginawa nyang iyon. "I just showed you the basic since first time mo lang din namang gagawin 'to," Tumango ako bilang tugon, ganun nalang din siguro muna ang gagawin ko, “Are you a potter?” tanong ko, nakaka- curious kasi parang ang galing- galing nya dito, Ngumisi siya, “Potter is a big word, so I guess, I am not. I’m just doing this as a hobby,” sabi nya, tumango naman ako. "So, if you please," iginiya nya ako sa isa pang pottery wheel na nandoon. "Yes," masaya akong tumungo sa harap noon para simulan ang paggawa ng ceramics. Tinuro ulit saken ni Santos ang tamang pag- wedge ng clay at inulit ang pag- discuss kung bakit kailangan ng wedging. Pagakatapos noong mga unang steps ay sinimulan na namin ang paggawa. "You're doing good, Tams," komento niya nang nakatapos ako sa pag- center at pag- flat ng ibabaw ng clay. He's just watching in front of me, nagga- guide kapag medyo nag-a- alangan ako sa gagawin. I never thought that it is harder than it seems, though he's commenting from time to time that I'm doing good. "Tapos?" Tanong ko nang bigla akong tumigil sa pagpapa- ikot ng pottery wheel. "Open it," aniya. Tumingin ako sa tumbok ng clay na nasa harapan ko at saka ibinalik ang tingin sa kanya, Nagkatinginan kami ng ilang segundo bago sya ngumisi sa akin, marahil nakuha nya ang gusto kong sabihin, na hindi ako sigurado sa kung anong gagawin para sa susunod na step, "Let me help you," agad syang pumusisyon sa aking likuran na halos ika- paso ng aking buong katawan nang maramdaman ko ang paglapat ng kanyang dibdib sa aking likod. "Step on the pedal," naramdaman ko ang init ng kanyang hininga sa aking tenga na nagpadala ng milyong- milyon boltahe sa aking katawan. Pakiramdam ko bigla akong nadarang sa apoy nang hawakan nya ang aking kamay at igiya sa clay, "You can use your thumb, index or middle finger to open the clay..." ani Santos, na parang hindi naman na- proseso nang maayos ng aking utak, mas abala ang isip ko sa kung ano- anong sensasyon na ibinibigay nya sa akin. Minsan talaga nakakapagsisi ang mga desisyon ko sa buhay. "O-o-okay na, Santos," nauutal kong sabi dahil gusto ko na syang bumitaw sa aking mga kamay, pero hindi nya ginawa. "Put your thumb here at the center and mark it," utos niya at hindi ko namamalayan na sinunod din naman ito ng aking katawan. This is not right. He is taking over my body and my senses. Ilang minuto pa ang lumipas ay mayroon ng opening ang aming ginagawa, napangiti ako habang pinagmamasdan iyon pati na rin ang aming mga kamay, "Careful not to over- reach the bottom most part, Tams," paalala niya. Napakalapit nya sa aking tenga kaya parang pakiramdam ko ay nanlalambot ang aking tuhod. "Ha?!" Wala sa ulirat kong tanong na bahagya pa akong lumingon sa kanya, "Concentrate, Isabel," he said in a firm voice. I was shocked by how he said it. He sounded like a terror teacher but it also made me feel like I was the only one who put malice on how he touched me. Fuck. Agad naman akong nag- concentrate kahit hindi ko alam kung papaano. "Just concentrate in front of you,” may awtoridad ang kanyang boses kaya napalunok ako. “Don't look back or I'll end up kissing you," he said in a husky voice Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya, SO HOW CAN YOU EXPECT ME TO FOCUS NOW?! From time to time, inaalis din naman nya ang kamay nya saken pero ang distansya ay ganun pa din, sobrang lapit nya! Napapasandal na nga ako minsan sa kanyang dibdib. And boy, tama nga ako, napaka- komportable sa pakiramdam ang mapansandal na minsan sa kanyang dibdib. Damn. "Pull up the wall," sabi nya na ang ibig sabihin ay hilahin ko ang clay pataas para makagawa ng cylinder. Sumunod naman ako sa sinabi nya, walang lingong lingon. "Nice." napasinghap ako nang magsalita sya dahil naramdaman ko ang kanyang labi sa tukli ng aking tenga. His hot breath is sending shivers down to my spine. Mainit pero masarap sa pakiramdam. Napalunok ako sa nasabi kong iyon. "Careful, Tams. You're messing it up," may kaunting panic ang kanyang boses at nang tingnan ko ang cylinder, hindi na sya pantay, manipis ang wall sa kabila, makapal naman sa kabila. Nadismaya ako sa nagawa ko. Ano ba yan, Isabel. "Let me do it," ani Santos. Nakakalungkot dahil gusto ko sana na ako ang tatapos ng ginagawa naming ceramics. Pagod na ata syang turuan ako kaya sya na ang gagawa. Aalis na sana ako pero mabilis nya akong naikulong sa loob ng kanyang braso, "Stay here, wag kang aalis para mas makita mo nang mabuti," Para akong na- estatwa sa pagkaka- enclose ng braso nya sa akin dahil lalong nagdikit ang aming mga katawan, ramdam na ramdam ko ang kanyang dibdib sa aking likod pati na din ang init na dulot nito. Sinimulan nya muli ang pagpapa- ikot sa pottery wheel at saka ekspertong inayos ang cylinder. Habang malumanay na pinapaliwanag kung saan ako nagkamali at kung ano ang dapat gawin. Pinapanood ko naman ang ginagawa nya at tinatatak sa isip ang kanyang mga sinasabi. Pilit na tinatatak because I couldn't think straight anymore. Ilang minuto pa ang lumipas ay huminto na ang pottery wheel, "And we're done," Wala sa sarili akong napalingon sa kanya at halos maglapat ang mukha ko sa leeg nya kasi medyo nakayuko pa sya. Agad kong nalanghap ang kanyang panlalaking amoy na nagpabilis ng t***k ng aking puso. Napatingin din sya saken at sinalubong ako ng isang nagbabagang titig. Bumaba ang tingin nya sa aking labi at ganoon din ako sa kanya. Inanggulo niya ang kanyang ulo at unti- unting inilapit sa akin. Halos pigilan ko ang aking paghinga dahil sa inaasahang paglapat ng kanyang mga labi sa aking mga... "Wait," nahawakan ko ang kanyang dibdib at naitulak sya ng bahagya. Tumungo ako nang makita ang reaksyon niyang nabitin sa pagkakataon na iyon. Ilang segundo kaming nanahimik bago ko sya narinig na nagsalita, "I'm sorry," mahina niyang sabi. Bumuntong hininga ako, "Sorry din," Seryoso, hindi dapat nangyari yun. Ligawan stage palang kami diba? Pareho kaming napatingin sa isa't- isa. Binuka ko ang aking bibig pero walang lumalabas na salita, "I guess we should make another pot," sya na ang nagsalita just to break the ice between us, I pressed my lips together and let out a deep breath, "Yeah, you're right but please keep your distance," tumingin sya saken at hindi ko maipaliwanag ang kanyang reaksyon. I don't know if he liked the idea or not, pero kung hindi ko sasabihin iyon baka hindi ako makakakilos nang maayos at baka iba ang matutunan ko sa kanya. "Yeah, sure," sagot niya na may kasamang tango. Bumalik na ulit kami sa paggawa ng mga ceramics and kagaya ng napag- usapan hindi na sya masyadong dumikit saken though lumalapit pa din naman ng konte. Sinabi ko din sa kanya na gusto ko ng mug na ako mismo ang gagawa, bigyan lang nya ako ng instruction kung paano at pumayag naman sya. He was really patient to teach me every time I messed up with the clay. He keeps on encouraging me when I feel tired because some of the steps are overwhelming for a beginner like me or is it just me? I don’t know. I have never been to a full class of pottery with some students, only with Santos. This guy helped me big time and I’m so happy to be with him. ~~~ "Yey!" Naibulalas ko habang tinitingnan ang mga ginawa namin. Nakagawa pa kami ng dalawang bowl, plato at mug. Sobrang saya ko sa bagong achievement ko today. Naipalakpak ko pa ang aking mga kamay. Nilingon ko si Santos at naabutan kong naka- ngisi sya sa reaksyon ko, "Happy?" Naka- ngiti niyang tanong. Buong buhay ko tatanawin ko itong isang magandang alaala na nag- aral ako ng pottery kasama si Santos. "Yup, thank you so much, Santos," alam kong sinabi ko na wag syang masyadong dumikit sa akin pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na yakapin sya dahil sa sobrang saya at pasasalamat. Naramdaman ko na nagulat sya sa ginawa ko dahil medyo natigilan sya. Hindi nya siguro inexpect na yayakap ako sa kanya. Well, hindi ko din inexpect na mapapayakap ako, "Thank you," bulong ko sa kanyang dibdib saka ko naramdaman ang kanyang yakap pabalik, "Anything for you, Tams," he whispered over my head. I really love his soft voice because it warmed my heart, it sounds sincere and I feel so secured.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD