Chapter 8

2095 Words
Naabutan namin sina Nanay at Tatay na nagpapa- hinga. Wala ng masyadong tao sa palengke dahil tanghaling tapat na, "Dala ko na po yung pananghalian nyo," saad ko habang isa- isang inilalabas mula sa paper bag ang mga tupperware. "Magandang tanghali po," aakma na sana si Santos na mag- mamano pero winagayway ni Nanay ang kanyang kamay, "Wag na iho, malansa ang kamay ko, nakakahiya," nakangiting sabi ni Nanay, Pumaling naman si Santos kay Tatay pero ganoon din ang ginawa, "Sa susunod na laang utoy," Tumango nalang si Santos bilang tugon. "Nakakahiya naman sa manliligaw ng anak namin na magmamano pero malansa ang kamay ng pagmamanuhan," turan ni Nanay. Noong komprontahin ako ni Tatay kagabi tungkol kay Santos ay inamin ko na din sa kanilang dalawa na nanliligaw siya. Wala din naman akong nakikitang dahilan para itago ito kina nanay at tatay. Naiintindihan naman daw nila ang aking sitwasyon dahil dumaan din naman daw sila sa ligawan. Matanda na daw ako, kaya ako na dapat ang mag- desisyon para sa sarili ko kung tatanggap ako ng manliligaw o hindi. Tinanggi ko kay Tatay yung sinabi ni Santos na mahal nya ako kasi naman, wala sya sa ulirat noong sabihin iyon. Pero kung anu't ano pa man, ang importante, hindi sila tutol sa panliligaw niya.  Agad namang umiling si Santos, "Nako, Nay, hindi po. Ako nga po dapat ang mahiya sa inyo ni Tatay kasi ang laki po ng abala ko sa inyo," nahihiya niyang sabi, Naramdaman ko ang biglang pagpaling ni Tatay sa akin, tinaasan nya ako ng kilay at pinandilatan. Sigurado ako, dahil iyon sa paraan ng pagtawag ni Santos sa kanila, kahit naman ako ay nagulat din. Pero inaamin ko, tumaba ang aking puso sa paraan ng pagtawag nya sa aking mga magulang. "Wow, Santos, anak ka?" Sarkastiko kong tanong sa kanya. Pero sa totoo, ginawa ko lang yun para pakalmahin ang mga paru- paro na muli na namang nabubuhay. Umiling siya, "Hindi, magiging anak palang," deretso nya akong tiningnan sa mata at pakiramdam ko ay parang may kumuhit sa aking puso, Napaamang naman si Tatay at Nanay sa narinig, marahil ay hindi nila ito inaasahan mula sa kanya, "Ehem," tumikhim si Tatay para maputol ang pagkakatitig namin ni Santos sa isa't- isa. "Kumain na tayo," dadag niya sabay kuha ng inihianda kong pagkain.  Narinig ko naman na tumawa si nanay at mataman syang tinitigan. Hindi ako nanaginip. Kilala ko sya, nanay ko sya, galing ako sa sinapupunan nya at sa nakikita ko... hindi ako pwedeng magkamali, natutuwa sya kay Santos. Ang galing naman talaga manghuli ng kiliti. "Nauna na po kaming kumain, Tay," sagot ni Santos. Nanlaki ulit ang mga mata ni Tatay marahil ay hindi pa din sanay sa kung paano sya tawagin ni Santos. "Ano nga pala ang pangalan mo, utoy? Ang tawag kasi sayo ni Iza ay Santos, iyon ga nga ang iyong totoong pangalan?" Tanong ni Tatay sabay subo ng kanin, "Ah... Yohan, Tay. Yohan Santos po," aniya "Ahhh... Yohan pala," patango- tangong sabi ni Tatay. Walang anu- ano ay bigla na lamang bumaling sa akin si Tatay, "Are namang batang are, inam na sa pagtawag ng Santos, ay Yohan naman pala. Siguro'y gusto maging apelyido ang Santos,"  Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang sinabi ni Tatay. Gusto ko tuloy na lamunin nalang ako bigla ng lupa, wala syang ideya kung gaano natutuwa ang ego ni Santos sa mga ganyang bagay.  Kilala ko yang kumag na yan, wala na naman yang gagawin kundi asarin ako nang asarin. Tinapunan ko ng matalim na tingin ang tuwang- tuwa na si Santos. Abot hanggang tenga ang ngiti ng lalaki. Pinanliitan ko sya ng mata pero hindi sya natinag, sa halip ay kinindatan nya lang ako at nagpatuloy sa pakikipag- kwentuhan sa aking mga magulang. ~~~ Hindi ko alam kung nagkamali ba ako ng desisyon na nagpaligaw ako dito kay Santos. Halos isa't kalahating oras na silang nagku- kwentuhan nila nanay at tatay. Pakiramdam ko tuloy bigla,   nagkaroon ako ng kahati sa atensyon ng aking mga magulang. Hindi na ako natutuwa, lalo na at parang binigyan ko lang si Santos ng ka- tie up na mang- asar sa akin. Huling- huli nya ang kiliti ng nanay at tatay ko. Baka mamaya pag- uwi namin ng bahay mas marami pa silang nalaman tungkol kay Santos kesa sa akin. Akalain mo ba naman, kahit ano ata tungkol kay Santos ay tinatanong nila. Kung saan nakatira, kung may mga kapatid ba sya, san nag- aral noong elementary, high school, anong mga bansa na ang napuntahan, anong trabaho ng mga magulang... sinesenyasan ko na sina nanay at tatay na wag tanungin ang tungkol sa mga magulang ni Santos pero nang mapansin nya ito, agad nyang hinawakan ang kamay ko at nilingon ako sa kanyang balikat, "It's okay, Tams. I'm okay, don't worry," paninigurado niya sa sa akin. Halos hindi makapaniwala ang mga magulang ko sa narinig nila kay Santos, para silang nakarinig nang bagong putok na chismis. Tutok na tutok silang makinig. Sukat akalain mo ay nakalimutan na ata nilang nagtitinda sila. Kaya eto ako ngayon, all around, taga- tinda, taga- sukli, taga- linis ng isda, taga- tawag ng customer. Napansin ko na mas marami atang customer na babae ang bumibili sa amin ngayon o masyado lang akong OA? "Ate pabili nga ako nun," wala sa ulirat na sabi noong babae, "Alin po?" Nagtataka kong tanong, hindi sya nakatingin sa akin, "Yun oh," malamya niyang tinuro ang isang bagay at nang tingnan ko iyon, wala namang isda sa parte na tinuro nya! Akala ko ay nagkakamali lang ako ng hinala, pero nang sumulyap sya sa aking likuran ay agad ko nang napagtanto kung bakit ang daming babaeng bumibili at pagkatapos ay maghahagikhikan paalis. May naririnig pa akong sitsit ng mga binabae na napapadaan. Nilingon ko si Santos at tinapunan ko sya ng masamang tingin na agad naman nyang sinalubong nang nagtatakang mga mata. As usual, wala syang malay sa mga nangyayari sa paligid nya. Sige lang ang pakikipag- kwentuhan nya. Hindi din nagtagal ang tingin nya sa akin at muli na nanaman syang hinunta ng aking nanay. Hindi ko alam kung lucky charm ba sya sa tindahan namin o distraction. Ibinalik ko ang atensyon ko sa babae na hanggang ngayon ay titig na titig kay Santos. Mabuti nalang na napansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya napakurap sya ng dalawang beses, salamat naman at bumalik na sya sa katinuan. Binigyan ko sya ng isang pilit na pilit na ngiti, "Gwapo nya te 'no? Sayang di na sya mapapasayo," pinandilatan ko sya ng mga mata na agad nya namang ikinagulat. Ilang segundo pa syang nakipagtitigan sa akin na hindi ko naman inatrasan bago sya umalis na parang turumpo. Hindi naman pala bibili! Gusto lang sumulyap sa lalaki Humugot ako ng malalim na hininga saka marahas na inipit ang mga buhok sa likod ng aking tenga, Kaka- stress! "Hi, Miss Beautiful, pabili nga ako," sabi ng isang lalaki na sa tingin ko ay nasa kwarenta anyos na, "Ahh... alin po?" naiilang kong tanong dahil iba kung makatitig ang isang ‘to, "Eto," turo niya sa isda, “Isang kilo,” sabi nya na nakapako pa din ang tingin sa aking mukha. Kinuha ko naman ang tinuro nya at kinilo ito, bago linisan.  "Ang ganda mo naman, anong pangalan mo?" Pilit niyang pinapalambing ang boses nya na ang dating sa akin ay hindi nakaka- akit kundi nakakapangilabot, Binigyan ko sya ng isang pilit na ngiti, na sana hindi ko nalang ginawa dahil nakita ko kung paano nya ako pasadahan ng malagkit nyang tingin, kumagat pa sa labi ang manyak. Seryoso, nagsitindigan ang mga balahibo ko "Ako na dyan, Tams," isang boses ang narinig ko, na sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang ata pinag- pasalamat na sumulpot sya. Hinawakan nya ako sa bewang para magpalit kami ng puwesto  "You really saved my ass here, Santos," bulong ko na agad kumubli sa kanyang likuran. Nakahinga ako ng maluwag ng dahil sa kanya, pakiramdam ko ay safe na safe ako na nakatago sa kanyang malapad na likod. Pero bigla akong nataranta nang maalala na hindi ko pa nga pala tapos linisan yung mga isda at ngayon ay inilalagay na ni Santos sa plastic bag, "Linis na ba yan?" Irtitableng tanong noong lalaki nang iabot ito ni Santos, "Linisan mo, may kamay ka diba?" Para akong na- estatwa sa paraan nang pagkakasabi nya. Wala na atang mas ilalamig ang boses nya doon sa lalaki, "Ah, eh anak ako na," inagaw agad iyon ni nanay at saka nilinisan ang mga isda. Minsan pang binigyan ni Santos nang nakakamatay na tingin yong lalaki na agad namang natakot. "You okay?" Tanong nya nang makaalis yung lalaki. "Yeah, I'm okay, thanks," Titig na titig sa mukha ko si Santos na para bang nagi- inpeksyon sya ng kung ano, sinilip nya pa talaga ang dalawang gilid ng aking pisngi pati baba, "Okay lang...ako, Santos," sabi ko na medyo naiilang sa kanyang ginagawa "Gago yun ah," mahina ngunit bakas sa boses nya ang galit  "I swear, I will kill the man who would stare at you like that again," aniya na parang isang prinsipe na nangangako sa kanyang prinsesa, na agad namang tinugunan ng mabilis na t***k ng aking puso, "OA Santos huh," ismid ko para hindi nya mahalata na naapektuhan na naman ako sa kanya, "Anything for you, my love," malambing ang kanyang boses. Sinalubong ko ang kanyang mga mata na mataman na nakatitig saken at agad kong naramdaman ang pag- akyat ng dugo sa aking mukha, Fuck. Mabiliis pa sa alas kwatro ang pag- silay ng ngiti ni Santos, "You're... blushing," nakakagat niya ang kanyang ibabang labi at tumungo sandali bago muling tumingin sa aking mukha, tumi- tiyad pa sya nang bahagya para pigilan ang tawa nya, pero lumalabas ang pilyo niyang ngisi, Gusto nya talagang nakikita akong ganito na naaapektuhan sa mga banat nya. Hobby nya na nga ata ang  iparamdam sa akin ang mga bagay na hindi ko pa nararamdaman. Hinampas ko sya sa dibdib kaya kumawala ang kanina pang pinipigil na tawa, "You're so cute, Tams," Pinanlisikan ko sya ng mga mata at pinakita ko na hindi ako natutuwa sa kanya kaya agad syang nataranta, "He-he-hey, I'm sorry,"  hinawakan nya ang aking kamay pero pinagtaasan ko lang sya ng isang kilay, Kinagat nya ulit ang kanyang labi nang may gumuhit na pag- aalinlangan sa kanyang mukha. Kinamot nya ang kanyang batok at saka nahihiyang nagsalita, "Can we not fight here?" medyo nahihiya nyang sabi saka lumapit nang bahagya sa akin para marinig ko ng maayos ang sasabihin nya, "Nanay and Tatay are watching," Agad akong napalingon sa direksyon ng aking mga magulang at laking gulat ko dahil nakatanga sila sa amin na parang nanonood lang sila ng shooting ng pelikula, "Kow! Ay manang mana sa ina kung magalit" narining kong sabi ni Tatay na nakatingin sa akin habang sinisiko si nanay, siniko din naman sya pabalik ng aking ina at saka iginiya si Tatay na kailangan na nilang tumalikod sa aming dalawa ni Santos dahil nakahalata na kami sa panonood nila, "Gay-ang gay-an ka eh. Kung ano nga namang puno'y siyang bunga. Kainaman na," dagdag ni Tatay habang tumatalikod sila.  Naisapo ko ang aking noo dahil parang nag- uusap lang sila na akala mo’y hindi namin sila naririnig. Hininaan pa ang boses pero hindi naman umepekto. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Santos, "I have to go now, may aasikasuhin lang ako. Pinag- paalam na kita kay Tatay and he said yes, I'll pick you up at 4pm, sharp," tuloy tuloy niyang sabi.  So pumayag si Tatay. Hindi na nakakpagtaka dahil mukhang vibes naman na sila ni Santos. Lumapit sya sa aking mga magula at sobrang nakakagulat ang pag- beso niya kay Nanay at pagyakap kay Tatay. Ilang oras lang sila nagpangita, ganon na agad sila ka- close? May na- miss ata akong pagkakataon.  "Bye Tams, I'll see you tomorrow," hinawakan nya ang aking kamay at bahagya itong pinisil.  Nahuli ko na tumingin na naman siya sa aking labi at saka lumunok, “What?!” tanong ko kahit alam ko na ang mismong sagot, Umiling siya, “Nothing,” Tumango ako, senyas na pwede na syang umalis, “God… you’re so tempting,” bulong niya pero dinig na dinig ko ang pag- kontrol nya sa sarili, “Ano?!” kunwari ay hindi ko narinig pero nagugulumihanan na ang aking sistema, Umiiling ulit sya, “Nothing, I’ll just see you tomorrow,” tumango ako at saka umalis na sya ng tuluyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD