Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa pader,
Alas otso na ng umaga
Wala pang alas sais ay umalis na sila nanay at tatay papuntang palengke.
Hindi sila pumayag na sumama ako dahil baka magising daw si Santos ng walang kasama.
Wow, napaka- espesyal naman talaga ng bisita namin na 'to.
Well, may point din naman ang mga magulang ko.
Umirap ako sa ere saka tinapupan ng tingin ang natutulog pa din na si Santos.
Gisingin ko na kaya sya? And just on cue, I saw him winced as he rubbed the back of his head.
Nangalay siguro sa pagkakatulog nya. Eh kasi naman, sa sobrang tangkad nya, lagpas na sya sa sofa at kailangan nyang pag- kasyahin ang sarili nya doon.
Gising na ang bisita.
Nanlaki ang mata nya nang makita nya akong nakatayo sa hindi kalayuan habang pinagmamasdan sya.
Kinusot pa nya ang kanyang mga mata para makasigurado kung tama ba ang nakikita nya,
Umismid ako at saka sya inirapan,
"Tams?"
Halos hindi niya makapaniwalang tanong, Tinaasan ko sya ng isang kilay bilang tugon,
Iginala nya ang paningin sa loob ng aming tahanan hanggang dumapo ang mata nya sa estante na naglalaman ng aming mga pictures. Marahil ay gusto nyang ma- kumpirma kung nasaan sya.
Nang makita nya ang malaki kong larawan na nakasabit sa dingding noong high school ako ay siguradong nakuha nya ang kanyang kasagutan,
"Why am I here? What happened?" Nalilito niyang tanong,
"Tumayo ka na dyan at uminom ng kape para mawala ang hang- over mo," sa halip na sagutin ay iyon ang sinabi ko.
Dumeretso na ako papuntang kusina, naramdaman ko naman na sumunod sya.
Kumuha ako ng tasa at pinag- timpla sya ng kape. Inalapag ko iyon sa mesa at saka umupo na kaharap sya. "Thank you," mahina niyang sabi saka humigop ng kape,
"Can you tell me, what happened?" Muli ay tanong niya, nakakunot ang noo,
Bumuntong hininga ako, "Muntik ka ng makasagasa ng tao," sabi ko. Sinusubukan ko kung naalala nya bang nagmamaneho sya,
"Totoo?!" Namimilog ang kanyang mga mata sa aking sinabi dahilan para mapa- pikit ako nang mariin,
When I opened my eyes, I'm already glaring at him that made him scared,
"Hindi mo naaalala? Sige nga, Santos, tell me what you remembered last night," unti- unti ng kumukulo ang dugo ko dito kay Santos.
Imagine? Hindi nya maalala na muntik na syang maka- bangga ng tao, hindi nya alam kung paano sya nakarating dito sa bahay. Ganoon sya kalasing! Ano pa ba ang hindi nya maalala?
Na sinabihan ka nyang mahal ka nya
Napapikit ako ulit dahil sa parang isang munting boses na bumulong sa aking tenga.
Pwede ba, Isabel.
Suway ko sa aking sarili.
"I remember that I went to a club, drank every drinks they offered and I went home in a time that I didn't know,"
Tumango ako bilang tugon, nagkatinginan kaming dalawa at saka sya muling nagsalita,
"But I didn't remember how I got here in your house and the person that I almost..hit. Sobrang lasing na nga siguro talaga ako,"
"Seryoso, Santos?"
"Yeah, ang alam ko lang nag- drive lang ako nang nag- drive. Lumiko sa bawat kanto na makita ko kahit hindi ako sigurado kasi ayoko pang umuwi ng bahay," Nakagat niya ang kanyang ibabang labi pagkatapos ng kanyang huling sinabi,
Napakunot ang aking noo, tila nagi- gets ko na ang munti niyang sekreto,
Lumipat ang kanyang tingin sa kape,
"So, sa bahay ang problema mo?"
Iniangat nya ang kanyang mukha at binigyan ako ng isang malamlam na ngiti,
"Yeah," matipid niyang sagot
"Magulang?"
He narrowed his eyes on me, "Yeah," sagot niya pero bakas sa kanyang boses na nagtataka sya kung paano ko nahulaan,
Imposible naman kasi na sa pera ang problema niya. Hindi ko naman napapansin na naghihirap sya.
Iniwas niya ang tingin at nakita ko na humigpit ang pagkakahawak niya sa tasa at napatiim bagang siya. He's turning red because of... anger.
"It's Dad," halos pumiyok siya ng sambitin ito
"He's going to leave us because of another woman," he said in gritted teeth, his voice is laced with anger and frustration
"f**k it," he cursed
Aminado ako, hindi ko maipagkaka- ilang naaawa ako kay Santos at nasasaktan para sa kanya. Kahit naman siguro sinong anak, hindi magugustuhan kapag iniwan kayo ng tatay mo ng dahil lang sa babae. Walang may gusto ng wasak na tahanan.
Narinig ko ang paghugot niya ng malalim na hininga, tumungo sya at nakakagat ang ibabang labi, I can also see him trembling.
He's holding back his tears.
Parang pinipiga ang puso ko na makita syang ganoon. Kahit naman hindi kami nagkakasundo, hindi ko naman gugustuhin na makita syang ganito. Hinawakan ko ang kanyang kamay at bahagya itong pinisil. Lumingon sya saken at nakita ko kung gaano kalamlam at kapula ang kanyang mga mata, parang dinudurog ang puso ko,
"It's okay to... cry," I don't know how to console him, I don't want to give him false reassurance that everything will be okay because I know that it's not. Seeing him like this is the last thing that you would want to see, but for now, I know that letting out his emotion will somehow ease the pain... I hope.
Naramdaman ko ang sunod- sunod na pagtulo ng luha sa aking kamay na nakahawak sa kanya. Nakayuko lang sya, nanginginig ang kanyang mga balikat. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanyang kamay.
"I'm sorry...if you...have to... see me... like this," he said in between sobs
Tumango- tango ako kahit alam kong hindi nya ako nakikita dahil nakayuko lang sya.
~~~
Ilang minuto kaming ganoon. I heard him curse, sob, and saying sorry multiple times, pero hindi ako nagsasalita, minsan kasi sa buhay natin, ang kailangan lang talaga natin ay isang taong mapag- hihingahan ng ating mga problema, minsan hindi naman natin kailangan ng advise kundi presensya lang ng isang taong mahalaga sa atin. Gusto kong maging ganoon ngayon para kay Santos, okay lang talaga saken na umiyak sya, mas kailangan nya 'to ngayon. I don't want to be harsh on him, he's vulnerable.
Medyo kumakalma na ang kanyang emosyon at pinunasan niya ang mga luha gamit ang kanyang palad,
“I’m sorry,” mahina niyang sabi,
"It's okay, Santos. I don't mind if you cry, I won't tease you, I promise,"
Umiling sya bago sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi,
"You know what? This is embarrassing," muli ay pahid niya sa kanyang luha, tumingala siya para pakalmahin ang sarili,
"I'm not supposed to cry on you, I suppose to court you, damn it!" Natatawa niyang sabi nang sa wakas ay napakalma na ang sarili,
Nagkatinginan kaming dalawa at sabay kaming napatawa sa isa’t- isa,
“f**k, what was that?!” nahihiya niyang sabi habang umiiling,
“I’m really sorry, Tams,” paumanhin niya na nahihiya pa din, tumango lang ako bilang tugon,
“But, thank you, really. I somehow suddenly felt, relieved,” nakangiti niyang sabi sa akin, ang kanyang mga mata ay puno ng sinseridad,
“No problem with that, Santos. I’m just here if you need someone to lean on,” sabi ko na binibigyan sya ng isang kasiguraduhan,
Nai- suklay niya ang kanyang daliri sa buhok na lumingon sa akin,
“Wow, someone to lean on, hindi naman ako friend zone nyan, Tams?”
“Kaibigan lang ba ang pwedeng masandalan?” sarkastiko kong tanong na naging dahilan nang pagkislap ng kanyang mga mata,
“So, may pag- asa ako? Malaki ang pag- asa ko?” masigla niyang tanong, ang ngiti ay abot hanggang tenga. Ibang- iba na ang itsura nya ngayon kung ikukumpara kanina,
Pinanliitan ko sya ng mata, “Kapag wala kang pag- asa, hindi ka na mangliligaw? Ano bang purpose ng panglliligaw, diba para magustuhan ka din ng taong gusto mo?”
Tumango siya bilang pagsang- ayon, “Well, I just want to confirm if I have a high chance with you, madalas kasi kitang asarin,” napakamot siya sa kanyang ulo at nakagat ang kanyang ibabang labi,
“Kung wala kang pag- asa, sinabi ko na agad sayo kahapon palang. Ayokong may umaasa na manliligaw sa akin,” Nakita ko ang lalong pagkinang ng kanyang mga mata,
“Fuckin’ s**t!” naibulalas niya
Pinandilatan ko sya ng mata at nai- impit niya ang kanyang mga labi, “Sorry, you just don’t have an idea how much you made me feel happy,” halatang halata sa boses nya ang kasiyahan,
“Talaga lang huh?” ismid ko,
“Hell yeah, you’ll be mine in no time, Isabel Tamayo,” binigyan nya ako ng ngisi na halos pakiramdam ko ay may gumapang na kuryente sa aking likod.
The way he mentioned my name hits differently, but I never let him notice that. I raised my brow and narrowed my eyes on him,
“Too confident,”
He gave me another smirk that set the butterflies on my stomach to go wild.
His hazel brown eyes looked straight into my eyes and at the moment, I feel like I’m floating.
He shook his head and leaned closer,
“Too crazy… to have you,” he said in a husky voice.
Ilang segundo kaming nagkatitigan bago ako napakurap ng dalawang beses at kumawala sa eye contact namin ni Santos, dahil parang wala syang balak putulin ang aming staring game. Natatakot din ako na baka marinig nya ang kabog ng aking dibdib.
Tumayo ako at saka kumuha ng yelo sa aming cooler, ibinalot iyon sa malinis na tela at saka bumalik sa mesa para ibigay ito kay Santos.
Tinitigan nya ito sandali at takang tumingin saken. Of course, wala syang ideya sa mga nangyari sa kanya kagabi kaya hindi nya alam kung bakit ko sya inaabutan ng yelo,
"Ilagay mo dyan sa gilid ng bibig mo. Nasuntok ka kasi nung lalaki na muntik mo ng masagasaan,"
Nakita ko sa kanyang mga mata ang pagkagulat sa aking sinabi kaya agad niyang kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa at binuksan ang camera nito para tingnan ang pasa sa gilid ng kanyang bibig,
Napa- awang ang kanyang bibig nang makita ito, tumingin sya saken pero tinaasan ko lang sya ng kilay,
"Wow, I guess I was really stupid- drunk last night," naiiling niyang sabi saka kinuha ang yelo sa aking kamay,
"Thank you, Tams," turan nya habang binababad ang yelo sa gilid ng bibig.
"I owe you a lot, makakabawi din ako sayo soon,"
"It's okay, Santos."
~~~
Halos mai- umpog ni Santos ang kanyang ulo sa pader nang marinig nya ang kwento ko kung paano sya napunta dito sa bahay. Hiyang hiya sya nang malaman nya na binuhat sya ni Tatay para maihiga sa sofa,
"From this day onwards, I. will. never. ever. let. myself. to. be. stupid- drunk. again, I fuckin' promise," naiiling niyang sabi, sabay bato ng punda ng throw pillow sa basket na ibinigay ko sa kanya,
"You are so fuckin' embarrassing, Yohan," mura niya sa sarili, natatawa nalang ako habang pinapanood sya na ganoon.
Ilang oras na syang nandito sa bahay, tinatamad pa daw kasi syang umuwi. Tumawag na sya sa kanila kanina to check out his mother at sabi ng kausap niya sa telepono na marahil ay isa sa mga kasambahay nila ay natutulog daw ang kanyang ina sa mga oras na iyon. Marami syang binilin sa kasambahay na hindi ko na inabalang pakinggan pero nakakatuwa lang isipin na ganoon nya kamahal ang nanay nya.
Actually, kanina ko pa sya pinapauwi kasi maglilinis ako ng aming bahay, pero ayaw nya talaga. Tutulong nalang daw sya sa paglilinis kesa umuwi, baka daw maabutan nya pa ang kanyang ama doon at magpang- abot silang dalawa. Umuuwi pa din daw kasi ang Daddy nya para kumuha ng ilang mga gamit.
Sa totoo lang, duda ako sa kanya kung kaya nya ba, o may alam ba sya sa paglilinis ng bahay. Ni hindi nga ako sigurado kung marunong syang humawak ng walis, pero sabi nya, turuan ko nalang daw sya para naman may bago syang matutunan.
Kaya eto sya ngayon, inaalis ang punda ng aming tatlong throw pillow at pinupunasan ang Sto. Niño ni nanay sa maliit na altar.
Namumula sya ngayon dahil hiyang- hiya daw sya sa Tatay ko sa nangyari kagabi.
"Oh God, forgive me, for being an idiot," bulong niya sa rebulto habang pinupunasan ito at inaalis ang mga natunaw na kandila.
Hay nako, Santos!
~~~
Marami kaming napag- usapan na dalawa habang naglilinis. Minsan tungkol sa mga personal na buhay, sa pangarap namin at minsan napapasadahan din namin ang tungkol sa problema nya ngayon sa pamilya.
"I had so much respect for my Dad. He's a good person, a role model to every aspiring father and a wise businessman. Kaya hindi ko akalain na ipagpapalit lang nya kami ni Mommy nang ganoon," may pait pa din sa kanyang boses habang sinasabi iyon.
"Just because of another girl, he's willing to leave everything, the company, his family... I cannot believe he would do such stupid decision," sabi niya na may diin sa bawat salitang sinasabi.
Muli niyang hinipan ang aming pugon na de uling para mas lalong magdikit ang apoy. Magluluto na kami ng ulam ngayon para madala sa palengke, para sa tanghalian nila nanay at tatay.
Noong una, sinabi ko sa kanya na doon nalang sa gasulito magluto pero nang makita nya ang kalan na de uling, bigla syang na- curious at napag- desisyunan nyang doon nalang i- prito ang ulam naming isda. Pinilit nya na din ang gusto nya na sya ang mag- dupong ng apoy, at dahil bagong experience ito sa kanya, hinayaan ko nalang sya sa gusto nya,
"He said, first love daw nya yung babae. What the f**k? What is he? A teenager?"
Nakikinig lang ako sa kwento nya habang pinapanood syang naka- talungko sa may kalan.
Ayaw nya na tulungan ko sya sa pag- dikit ng apoy at pagluluto, umupo lang daw ako sa silya at sabihin ang kailangan nyang gawin at sya na ang gagawa sa lahat.
"But I'm still hoping to talk to him because I would like to clarify everything. Man-to-man, that's what he taught me," kalmado ang kanyang boses ng sabihin iyon,
"I just hate to see my mother in pain," napabuntong hininga sya at tumititig sa apoy na nasa harapan,
"She is drowning herself in alcohol just to forget," muli ay narinig ko ang pait sa kanyang boses, umigting ang kanyang bagang at nai- kuyom ang mga kamao.
Hindi ko alam ang pakiramdam ng nasa posisyon nya ngayon but I'm still hoping what is the best for him.
~~~
Inilalagay na namin sa tupperware ang aming mga nalutong pagkain para sa pananghalian nila Nanay at Tatay, nauna na kaming kumain ni Santos.
"Wala kang cellphone?" hindi niya makapaniwalang tanong nang sabihin ko na wala akong cellphone, hinihingi nya kasi ang number ko para ma- contact daw nya ako kasi nagyayaya sya ng date bukas,
Jusko po! Halos manglamig ang aking buong katawan nang tanungin nya ako tungkol doon. First time kong lalabas na may kasamang lalaki. Well, hindi lang basta lalaki, manliligaw pa. Kaya sabi ko sa kanya, ipagpaalam nya ako sa Tatay na agad nya namang sinang- ayunan kahit na kinakabahan daw sya,
"Wala nga, ang kulit mo naman," sagot ko na kunwari ay naiinis,
"Pano ka kapag may mga school research tayo?"
"Nanghihiram ako ng laptop doon sa pinsan ko pero kapag ginagamit nya, nagco- computer shop nalang ako,"
"Computer Shop?!" gulat niyang tanong
Kumunot ang noo ko at ibinaling ang tingin sa kanya. Ngayon lang ba sya nakarinig ng computer shop?
"Oo, may problema ba dun?"
Napa- awang ang kanyang bibig at natigilan sandali,
"Pano kapag gabi? Hindi ba delikado?" usisa niya,
"Sinasamahan naman ako ni Tatay eh, kaya ayos lang,"
Tumango siya pero nakikita ko pa din na medyo nagugulumihanan sya,
"Ano ka ba, Santos! Napag- kasya ko ang sarili ko sa mahigit apat na taon na pagco- computer shop, wag kang OA dyan," natatawa kong sabi,
"Ang tyaga mo eh noh?" namamangha niyang sabi sa akin,
"Ganun talaga, no choice. Halika na," yaya ko sa kanya nang sa wakas ay nakatapos na kami sa pag- papake ng pagkain nila Nanay at Tatay.