Pag- alis ni Santos, mabilis akong nagbihis para pumunta ng palengke para tumulong sa pagtitinda ng isda.
Simula bata palang ako, ito na ang kabuhayan ng aking mga magulang. Sa pagtitinda na ng isda nila ako iginapang para makapag- aral. Napaka- sipag nila Nanay at Tatay, hindi pa sumisikat ang araw ay umaalis na sila ng bahay papuntang palengke at uuwi lang kapag isasara na ito. Kaya tuwing Biyernes, gaya ngayon ay tumutulong talaga ako sa pagtitinda hanggang araw ng Linggo lalo na kapag hindi busy sa school works.
Gusto ko na maiahon sina nanay at tatay sa hirap kaya nag- susumikap ako makapag- tapos.
"Nay, malapit na ako grumaduate," sabi ko kay nanay, bitbit ko sa aking kamay ang isang palanggana. Naglalakad na kami ngayon pauwi ng bahay dahil walking distance lang naman ang palengke.
"Oo nga anak, masaya ako dahil makakapag- tapos ka na. Hindi kagaya namin ng tatay mo na elementary graduate lang," sabi ni nanay na sumulyap kay tatay na nasa tabi ko,
"Proud naman ako sa inyo ni Tatay dahil kahit na mahirap tayo, pinag- aral nyo pa din ako," sinulyapan ko din si tatay at nakita ko kung paano sumilay ang ngiti sa kanyang labi.
Sobrang masaya ako dahil sila ang mga magulang ko.
Tahimik kaming naglalakad na mag- anak nang may narinig kaming malakas na busina ng isang sasakyan, dahilan para mapatigil kami at mag- sigawan ang mga tao.
Nakita ko kung paano muntik ng masagasaan ng itim na Range Rover ang isang tindero ng balut, si Kuya Caloy.
"Hoooooy! Sira ulo ka ah! Nasa tabi na ako, sasagasaan mo pa ako?!" Galit na galit na dinuro ni Kuya Caloy ang direksyon ng driver mula sa labas ng sasakyan.
Tinted ang sasakyan kaya hindi ko masyadong maaninag ang driver.
"Bumaba ka dyan! Halika dito ng magka- alaman tayo, napaka- yabang mo!" Sigaw ni Kuya Caloy sabay hampas sa windshield ng sasakyan.
Unti- unti namang nagbukas ang pinto ng sasakyan at iniluwa nito ang isang pamilyar na lalaki,
Halos lumuwa ang mga mata ko nang mamukhaan ko ang driver nito,
"Santos?!" Naramdaman ko na tumingin saken si nanay at tatay pero hindi ko sila pinansin. Nakapako lang ang paningin ko sa direksyon ni Santos.
Lumabas sya ng sasakyan pero halos hindi naman sya makatayo nang maayos, laylay ang kanyang balikat at mapungay ang kanyang mga mata. Halos mag- panic ako ng kuwelyuhan ni Kuya Caloy si Santos at aambaan ng suntok!
"Kuya Caloooooy!" Napatakbo ako sa kanilang direksyon at iniwan ang bitbit na palanggana, pero huli na ako dahil dumapo na ang suntok sa mukha ni Santos,
"Oh my god!" Bulalas ko ng makita ko na tumumba si Santos sa kalsada dahil sa pagkakasuntok. Hindi sya nanlalaban, nakataas lang ang kanyang mga kamay at isinasangga ito sa kanyang mukha.
Aambaan na sana ulit ni Kuya Caloy si Santos ng isa pang suntok pero dumating na ako at inawat sila,
"Kuya, wag! Kaki~la~la ko sya," sabi ko habang hinahabol ang hininga
"Kilala mo to?" Tanong niya na may kasamang duro sa nakahilatang si Santos. Mataas pa din ang tono ng kanyang boses.
Tumango ako bilang tugon dahil hinahabol ko pa din ang aking hininga
"Pagsabihan mo yan huh?!" Pasinghal na sabi ni Kuya Caloy pero hindi na ito kagaya kanina na para bang handang- handa syang pumatay ng tao.
"Opo, pasensya na po," paumanhin ko. Mabuti nalang at kilala ko ang naka- bangga nitong si Santos. Sa dami ng siga dito sa aming lugar, hindi ko alam kung saan sya pupulutin kapag pinagtulung- tulungan sya dito.
Agad akong tumalungko sa tabi ni Santos at tinapik- tapik ang kanyang pisngi,
"Santos?" Sabi ko habang sinusubukan syang gisingin, nakatulog na sya ng tuluyan sa kalsada pagkatapos ang engkwentro kay Kuya Caloy,
"Kilala mo sya, anak?" Tanong ni nanay na ngayon ay nasa likuran ko na,
"Opo nay, kaklase ko po sya," sagot ko ng hindi nililingon si nanay.
Tiningnan ko si Santos, namumula ang kanyang pisngi at amoy na amoy ko ang magkahalong amoy ng kanyang pabango at nakakalasing na inumin.
Napailing ako, hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kanya dahil nagpaka- lasing sya ng todo o maaawa dahil sa sinapit nya kay Kuya Caloy,
"Oh, anong gagawin natin diyan? Hindi naman natin pwedeng pabayaan na laang natin matulog yan dine. Alam mo ga kung saan iyan nakatira?" tanong ni Tatay habang naka- pamewang.
Umiling ako. Hindi ko naman kasi talaga alam kung saan ang bahay nila.
"Eh di kung ganun, patuluyin nalang muna natin sya sa bahay, anak, tutal naman kakilala mo sya," sabi naman ni nanay na bakas sa kanyang boses ang pag- aalala.
Kaya proud ako na sila ang aking magulang kasi bukod na masipag sila ay napaka- bait pa nila.
Tumango nalang ako bilang tugon dahil hindi ko pa rin alam ang mararamdaman ko. Naiinis ako pero nag- aalala pa din sa sitwasyon ni Santos. Naisip ko na baka dahil ito doon sa bagay na hindi nya sinasabi.
Tumawag kami ng pedicab kung saan namin sya isinakay. Pinagtulungan na din ni tatay at pedicab driver na buhatin si Santos.
Pagdating sa bahay ay ganun pa din ang eksena, magkatulong na binuhat nila tatay si Santos hanggang makahiga sa kawayan naming sofa sa sala.
Wala pa ding malay ang kumag, patay- lasing.
Umirap nalang ako sa ere habang pinagmamasdan ang natutulog na Santos.
Nagulat ako nang may biglang dumampi na malamig na bagay sa aking braso. Pagtingin ko, isang palanggita na may lamang tubig at bimpo.
Tumingin ako sa may bitbit nito, si nanay. Pinandilatan nya ako ng mata, na ang ibig sabihin ay kunin ko ang palangganita na hawak nya kaya agad akong sumunod. Nginuso nya ang direskyon ni Santos.
Napamang ako sa gustong mangyari ni nanay, awtomatiko na bumilis ang t***k ng aking dibdib. Nakuha ko ang ibig sabihin niya. Inuutusan nya akong punasan si Santos.
Parang gusto ko nalang tuloy ibalik ang palangganita na ibinigay nya saken pero baka mapagalitan lang ako.
Napalunok ako ng pumaling ang tingin ko kay Santos.
Kaya ko ba syang hawakan?
Bakit ba ako pumayag na patuluyin 'tong lalaki na 'to dito?
Parang sasabog ang dibdib ko habang humahakbang palapit sa kanya.
"Hoy, Santos," sinubukan kong kalabitin ang kanyang balikat nang makalapit ako pero hindi sya kumibo,
"Ineng, kahit anong kalabit mo diyan, hindi iyan magigising, kita mo ga'y lasing na lasing? Kainaman na are," Sabi ni tatay na may kasama pang turo sa akin sabay higop ng kape.
Agad na lumipad ang tingin ko sa hawak na tasa ni Tatay at binigyan sya ng isang masamang tingin,
"Tay, kainaman ka din naman, diba sabi ko sayo bawas- bawasan mo na ang pag- inom ng kape?" Saway ko sa kanya na may halong pagka- dismaya sa boses,
Nakita ko na tumaas ang kanyang balikat, marahil nagsisisi kung bakit pa sya lumapit saken na naging dahilan para mapag- sabihan ko sya,
"Ala eh, iyang iyong kaklase na laang ang iyong intindihin at kaya ko naman ang sarili ko," sabi niya at dali- daling umeskapo palabas ng bahay, bitbit ang tasa ng kape.
Napailing nalang ako at napapatawa habang pinapanood na umalis si tatay.
Pasaway talaga kahit kelan.
Napabuntong hininga ako at tumingin sa lalaking nakahiga sa sofa. Parang mas gusto ko pa yatang sawayin si tatay sa pag- inom ng kape kesa asikasuhin 'tong si Santos.
Kahit kelan ka talaga, Santos!
Hinila ko ang isang upuan saka umupo sa tabi niya.
Juskopo! Nakakaramdam na naman ako ng mga paru- paro at halos kumakawala na naman ang puso ko,
Napalunok ako habang sinimulan ang pagpunas sa kanyang mukha,
Parang nadadarang ako sa apoy habang pinupusan ko ang kanyang noo, pababa sa kanyang pisngi.
Napakaganda ng makapal niyang kilay, mahaba ang kanyang mga pilik mata, matangos ang ilong, makinis ang balat at... lumipat ang tingin ko sa manipis at mapula niyang labi,
Napatigil ako at napalunok habang patuloy sa pag- dagundong ang aking puso,
Ano kayang pakiramdam na mahalikan ng isang Yohan Santos?
Halos murahin ko ang aking sarili nang mapag- tanto ang tanong na pumasok sa aking isip.
Jusko po, Isabel! Mag- hunos dili ka sa sinasabi mo.
At bigla kong naalala ang sinabi niya sa akin,
“I'm doing this to control my urge,"
"What... urge?"
"My urge to kiss you,"
Napa- awang ang aking bibig at napa- kurap ako ng dalawang besses. Tama ba ako ng narinig?
"Let's go, before I cannot control it anymore,"
Anak ng kamoteng hilaw! Hindi ko lubos maisip kung paanong pagpipigil ang ginagawa nya sa sarili nya. Ilang beses ko syang nakitang naka- pamulsa kanina habang kinakausap ako, lahat ba ng pagkakataon na iyon ay pinipigilan nya ang sarili nya na halikan ako?
Juskopo rudeh!
Pinilig ko ang aking ulo at saka muling nagpa- tuloy sa pag- asikaso kay Santos.
Fuck, Isabel.
~~~
Inabot ako ng halos kinse minutos sa pag- punas kay Santos dahil medyo na- aalimpungatan sya at pumapaling sa gilid. Parang nai -estatwa din ako tuwing naririnig ko na umu- ungol sya dahil naaabala ko ang tulog nya,
Wow, Santos huh!
Pinagmasdan ko sya sandali bago nag- desisyon na tumayo pero nanigas ako nang bigla syang magsalita,
“Isabel,” mahina lang iyon pero dinig na dinig ko.
Sa unang pagkakataon, narinig ko sya na tinawag nya ako sa una kong pangalan,
Hinarap ko sya pero naka- pikit ang kanyang mga mata. Nagsasalita sya ng tulog, dahil sa sobrang kalasingan.
Baka naman ibang Isabel yun? Aware ba sya na nandito sya sa bahay?
“Bakit?” gayunpaman ay sinagot ko sya,
“Mahal kita,” mahina ngunit malinaw niyang sabi,
Halos manlamig ang aking buong katawan sa narinig ko,
“Mahal na mahal,”
Napa- awang ang aking bibig at tanging nakaka- binging t***k ng puso ko lamang ang aking naririnig,
Matagal ko ng litanya sa buhay na hindi dapat binibitawan ang salitang I Love You kung hindi naman ito bukal sa iyong puso, at sa nakikita ko ngayon na lasing at tulog na si Santos, malamang sa malamang, hindi iyon taos sa kanyang puso, kasi wala naman syang malay.
Masakit, oo.
“Ano ga daw ang sabe?”
Napatalon ako sa bigla nalang na sumusulpot na si Tatay,
“Tay! Wag naman kayong mang- gulat!,” naiinis kong sabi sa kanya,
“Ay ano ga naman? Gusto ko laang naman malaman ang sinabe ey! Pakinig ko’y mahal ka raw,”
Biglang uminit ang aking pisngi, all this time… nakikinig sya?
Binigyan nya ako ng isang makabuluhang tingin,
“Ano ga nga?” ang mga mata ni Tatay ay parang nang- iinterogate,
Napakurap ako ng dalawang beses, nag- iisip ng magandang idadahilan,
“Aba! Ewan ko dyan, wag kayong nagpapaniwala dyan, kita nyo namang lasing na lasing,” sabi ko habang iniiwas ang tingin kay Tatay.
Tumaas ang gilid ng bibig ni Tatay, marahil ay nahahalata nya na hindi ako mapakali,
“Tunay ga nga, anak? Matanda ka naman na at alam ko na matalino ka, pero sana kung magno- nobyo ka, ay wag naman sa maglalasing,”
Kinagat ko ang aking ibabang labi, pinipigil ang tawa na gustong kumawala sa aking bibig,
“Tay!” saway ko na medyo natatawa,
“Mabait namang tao si Santos,” sabi ko,
Pinandilatan nya ako ng mata na para bang nahuli nya ako sa aking sinabi,
“Tingnan mo at pinagtatanggol mo!”
Napa- awang ang aking bibig,
“Hindi po, ano! Ang sinasabi ko lang, hindi mapanganib na tao si Santos,” sabi ko, binibigyan siya ng kasiguraduhan para pagkatiwalaan si Santos,
Tumango- tango naman si Tatay pero alam ko na iba ang ibig niyang sabihin sa kanyang pag sang- ayon. Mabilis talaga syang makahalata sa ganitong mga bagay,
“Ikaw huh, umiibig ka na,” sabi nya na para bang sigurado na sigurado sya,
Nakagat ko ang aking ibabang labi, ayokong makipag- talo kay Tatay dahil hindi pa din naman ako sigurado sa aking nararamdaman. Ayoko din namang magsalita ng tapos para sabihin na hindi ko gusto si Santos at wala syang pag- asa sa akin. Hindi ko isnasara ang aking puso para sa kanya, gusto ko pa syang lubusan na makilala para ma- kompirma ko sa aking sarili kung gusto ko nga bang talaga siya.