"Hatid na kita,"
Napapitlag ako sa narinig kong boses mula sa aking likuran at indi ko na kailangan pang lingunin kung sino ang nagsalita dahil kilala ko na agad kung sino ito,
It's him... again.
Abala ako sa paglalagay ng mga gamit ko sa bag noong nagsalita sya,
"Thanks but no thanks, Santos. Kaya kong umuwi mag- isa," sagot ko ng hindi sya nililingon, abala pa din sa paglagay ng libro, ballpen at papel sa aking bag. Bat kasi ang dami kong gamit?
"I insist," matipid nyang sabi.
Hinarap ko sya at nakita ko na nakalagay na naman ang kanyang mga kamay sa loob ng kanyang bulsa.
I narrowed my eyes at him,
"You know what? They said that hiding your hands in your pocket creates an impression of you as being deceptive," mataray kong sabi na nagpakunot sa kanyang noo. Sorry nalang kung na- offend ko sya pero pwede bang lubayan nya ako kahit ngayon lang?
"Said who?" He tilted his head on the side and his eyebrows are furrowed
"Them." kibit balikat kong sagot.
I heard him sighed and just nodded, defeated.
"Well, maybe they're right, maybe they're wrong. But for me it's different,"
This time, ako naman ang kumunot ang noo,
He looked down for a moment and when he lifted his head, he immediately caught my eyes,
"Because I'm doing this to control my urge," he said, his eyes are not leaving mine
"What... urge?" I trailed.
I saw him licking his lower lip.
He swallowed when his eyes flew to my lips,
"My urge to kiss you," he said, his voice is longing for desire,
Napa- awang ang aking bibig at napa- kurap ako ng dalawang besses. Tama ba ako ng narinig?
Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko pero parang nakatunog ang mga paru- paro sa aking tiyan dahil muli na naman silang nabuhay,
"Let's go, before I cannot control it anymore," dali- dali syang lumapit sa akin at kinuha ang bag sa aking kamay at agad akong tinalikuran,
Para akong na- estatwa sa kinatatayuan ko dahil hindi ko manlang nagawang tumutol nang kunin nya ang aking bag. Lumabas na sya ng classroom bitbit ito at naiwan akong mag- isa dito.
I'm fuckin' speechless.
Nanatili ako ng ilang minuto na ganoon, bago ako nakahakbang dahil pakiramdam ko ay nawala ang aking lakas.
Nasa katinuan pa ba ako? Halos sumabog ang puso ko nang unti- unting mag- sink in sa akin lahat ang sinabi ni Santos.
He wants to... kiss me
s**t.
~~~
"So this is where you live," sabi nya habang sinisilip mula sa bintana ng sasakyan ang paligid.
Inalis ko ang seat belt saka tumingin sa kanya,
"Oo at malayong malayo 'to sa high- end subdivision kung saan ka nakatira,"
Tumingin ako sa paligid. Dikit dikit ang mga bahay dito at naroon ang mga bata na naglalaro ng chinese garter, mga tambay na nag- iinuman kahit alas singko palang ng hapon, ilang mga babae na nagku- kwentuhan at mga batang lalaki na naglalaro ng-- nanliit ang aking mga mata-- gagamba.
"Are you stalking me, Tams?" Natatawa niyang tanong
Tinaasan ko sya ng kilay. Pano nya naman nasabi na ini- stalk ko sya, aber?
"How did you know that I'm living in a high-end subdivision, huh?" He asked, taunting.
"Huh?! Eh sa ating lahat naman ako lang ang nakatira sa squatter," depensa ko, bakit? Mali ba ako ng hinala na lahat ng kaklase ko ay nakatira sa first class subdivision?
He narrowed his eyes on me and gave me a naughty smile,
So, he's teasing me? He is starting it again
"Oh yeah? Or maybe you are really stalking me," sabi nya na may kasamang nakakalokong ngiti.
I scoffed,
"Excuse me?! Why would I even stalk you in the first place?" Pinanliitan ko sya ng mata at humilig nang bahagya palapit.
"Ahhmmm..." inilagay nya ang kanyang kamay sa baba na akala mo'y totoong nag- iisip nang malalim
"Dahil may gusto ka saken?" Pabiro niyang sagot,
Pinandilatan ko sya ng mata dahilan para tumawa sya nang malakas,
"At ako pa talaga ang may gusto sayo?" Sabi ko, pati ako ay natatawa na din.
Wow, seriously? I never imagined myself having this kind of conversation with Santos.
Sa mahigit apat na taon naming magka- klase, ngayon lang ako nakipag- tawanan sa kanya nang ganito. Sa tuwing magkikita kasi kami ay puro pakikipagtalo at pakikipag- kumpitensya ang nangyayari sa aming dalawa. Palagi nya akong inaasar, niloloko, kinu- kompitensya sa mga school works kaya ang tingin ko sa kanya, ay isang tao na hinding- hindi ko makakasundo. But look at me now, I'm in his car, laughing my head off to his wit. I even ate lunch with him.
Nang humupa ang aming tawanan ay saka nya ako binigyan ng isang makabuluhang titig,
"It's okay. I'll just make you fall for me," sabi nya na nagpa- awang sa aking bibig.
Can he stop being spontaneous? Because he makes the butterflies on my stomach go wild.
"And Tams, I had a sudden change of mind," ani Santos,
Napakunot ang aking noo sa sinabi nya. Ano na naman kaya ang sasabihin nito? Kasi hindi pa man sya nagsasalita ay unti- unti na namang bumibilis ang t***k ng aking puso.
Tiningnan nya ako nang deretso sa mata.
His eyes are so soft but also... sad
My brows furrowed,
But Why?
"You know what? It hurts me when you avoided me, but it also helped me realize one thing," malungkot ang kanyang mukha habang sinasabi yun at hindi ko alam sa sarili ko kung bakit bigla akong na- guilty at nasaktan na iniwan ko sya kanina, dahil lang hindi ako sanay sa kakaibang pag- trato nya saken.
Pero bigla akong napa- isip, sa trato nga ba o dahil takot lang ako kay Fiona?
"I already made up my mind. I'll court you now and make you mine so you won't have any reason to avoid me," he said, his voice is full of conviction, and his eyes say honest intention.
Talagang buo na ang desisyon ni Santos.
Napalunok ako,
Pakiramdam ko ay sasabog ang aking dibdib sa sinabi nya. I don't know how to decline him because he didn't even ask me if I wanted to be courted or not. He just decided on his own because that is what he wants.
And knowing him, even if he asked me, I don't think he would accept 'no' as an answer.
May mga nanligaw na din sa akin noon pero hindi ko sila pinapansin. Wala din naman akong pakialam dahil wala silang kakaibang epekto na nagagawa saken, wala din akong natipuhan sa kanila at isa pa, hindi pa ako handa para pumasok sa isang relasyon.
Pero ang lalaking kasama ko ngayon, hindi pa man sya nagsisimulang manligaw ay ibang emosyon na kaya nyang ipadama saken. Kaya nyang pabilisin ang t***k ng aking puso sa simpleng bagay na ginagawa nya at sa unang pagkakataon, nakakaramdam ako ng mga paru- paro na hindi ko naman nararamdaman sa mga dating nanligaw saken.
Pero pano si Fiona? Alam kong gusto nya si Santos. Magagalit sya panigurado kapag nalaman nyang nanliligaw sya saken. Baka masangkot ako sa away at matanggalan ng scholarship. Natatakot ako, malapit na ako grumaduate.
"Pa...pano si Fiona?" Nag- aalinlangan kong tanong,
I think I pulled a string that made Santos frown,
"Are you afraid of her? Afraid that you will hit on her?" Dire- deretso nyang tanong habang magkasalubong ang dalawang kilay. Ang boses nya ay halos tumagos sa aking kalamnan.
"Pano mo... nalaman?" nauutal ako dahil sa gulat na nagawa nyang hulaan ang nasa isipi ko.
May kapangyarihan ba syang magbasa ng isip?
He scoffed,
"You're easy to read, Tams. Kapag inaway ka nya, sabihin mo lang saken," sabi nya, na ang tunog sa akin ay parang isang magulang na handang ipag- tanggol ang anak sa kaaway,
"And what will you do to her?" Sarkastiko kong tanong. Wag nyang sabihin saken na papatulan nya si Fiona? Pumapatol ba sya sa babae?
"Not me, her parents,"
"Huh?" Nagtataka kong tanong,
"I can tell to her parents what she did to you and for sure her parents will take of her attitude," sabi niya na binibigyan ako ng assurance, gamit ang mga magulang ni Fiona,
"You know her parents?" I asked,
"Yeah, I always meet them at several business conferences that I attended together with my parents,"
Tumango- tango ako. Magka- kilala pala ang mga pamilya nila. Mga negosyante at sikat.
"So, nakakasama mo din si Fiona outside school?" Pag- uusisa ko dahilan para mapatingin sya saken at bigyan ako ng isang makabuluhang titig.
Kumunot ang kanyang noo at pinanliitan ako ng mga mata na para bang may gusto syang basahin sa aking isip.
Pinandilatan ko sya ng mata para alisin nya ang paraan ng pagkakatitig nya saken at mukha namang nakuha nya ang ibig kong sabihin.
"Yeah but only at business conference," sabi nya at muling bumalik ang paraan kung paano nya ako tingnan kanina,
Tumango ako pero sa loob- loob ko ay parang gusto ko ng samapalin ang aking sarili noong nalaman ko na nagkakasama din pala sila ni Fiona sa labas ng school, bakit parang nakakaramdam ako ng... selos?
Oh lupa! Kainin mo nalang ako nang buhay!
"Her father is a retired military man, very firm and strict, same goes with her mother who doesn't tolerate misbehavior," dagdag pa niya.
Talagang kilalang kilala nya ang mga magulang ni Fiona, huh. I wonder kung gusto nila si Santos para sa anak nila, he's a total package, anyway.
Handsome, rich, smart. A man with a good reputation that is a good fit for Fiona and their family.
Pero habnag iniisip ko ito, bakit parang nakakaramdam ako ng kaunting kirot sa aking puso?
Shit.
I was drowned with my thoughts when Santos speaks again,
"So if she touches you, just tell me, I have a good connection with her parents and she knows that. She will not like it if she messes with you,"
Wow at talagang good connection with her parents, huh. Ganoon nga siguro sya ka- close sa mga magulang ni Fiona.
Magiging close din kaya si Santos sa mga magulang ko kahit hindi kami mayaman?
Nakaka- inggit.
Fuck, ano na naman ang iniisip mo, Isabel?
Pilit kong inalis sa aking isip ang mga bagay na yon. Itinuon ko nalang ulit ang aking atensyon kay Santos saka ko sya tinaasan ng kilay,
"Bakit mo sinasabi yan lahat saken?" tanong ko na kunwari ay wala akong paki- alam,
"Because I know that you've always been this afraid with Fiona, but I cannot blame you for that, I still remember the girl she bullied in our 2nd year. That news never reached her parents and the girl couldn't do anything but dropped out. If only I knew her parents that time, the girl should've not dropped out from school," sabi nya na may halong pagpupuyos ng damdamin, nakita ko din ang pagkuyom ng kanyang kamao.
"Yeah, and that girl had a big crush on you, right?" tanong ko habang inaalala yung babae na pinapag- usapan namin,
He just gave me a weak smile. I can sense that there's a part of him that he is blaming himself,
Naalala ko yung babae na sinasabi nya. She's sweet, reserved, and very kind-hearted.
Actually, close sila ni Santos nang mga panahong iyon kaya siguro nahulog ang loob nito sa kanya. At napansin ni Fiona kung gaano sila kalapit sa isa't- isa kaya pinag- diskitahan nya yung babae kasi never syang pinansin ni Sanots.
Halos araw- araw umiiyak sya at nanginginig tuwing papasok ng classroom dahil sa takot kay Fiona. Naabutan ko pa sya minsan sa CR na kumakain ng lunch para lang makapagtago.
Napabuntong hininga ako, at lahat ng iyon ay dahil lang sa inggit ni Fiona sa atensyon na binibigay ni Santos sa kanya.
She's such a witch.
Hinawakan ko ang kamay ni Santos at naramdaman ko na medyo nagulat sya dahil tumaas nang bahagya ang kanyang balikat.
His heart is so heavy and I can see it through the expression of his eyes,
"Hey, it's not your fault," I bit my lower lip as I caressed his hand.
Hindi ako sanay na makipag- usap nang ganito kay Santos, mas sanay akong kausap sya nang mataray pero sa tingin ko kasi, ito ang kailangan nya ngayon. He felt so guilty for the girl kasi hindi nya manlang ito nagawang tulungan. But as far as I remembered, ilang beses nya itong ipinagtanggol kay Fiona pero wala lang syang nagawa, kasi kahit sa labas ng school ay hina- hunting ni Fiona yung babae.
And like him, I felt sorry for the girl. She didn’t deserve it, no one does.
I slightly squeezed his hand and he gave me a reassuring smile,
"Thanks, Tams. I promise that you will never experience it from her. Hindi ako papayag na sya ang magiging hadlang para sagutin mo ako,"
Now, I blinked several times at what he just said. I immediately removed my hand from him that made him chuckle.
“And please, don’t be jealous of her, ikaw ang gusto ko,” sabi nya saken na may kasamang kindat,
Naramdaman ko ang pagtaas ng dugo ko sa aking mukha, dahilan para matawa siya.
Shit! Tina- traydor talaga ako ng sarili kong katawan, binibigyan nito si Santos ng dahilan para asarin ako,
"You look so cute when you're blushing," sabi niya na may halong panunuya sa boses,
Sabi ko na nga ba.
“Ang kapal mo! Hindi ako nagse- selos!,” naiinis kong sabi para maitago ang totoong nararamdan.
“Really, huh?” He said under his breath,
Hinampas ko ang balikat nya at muli syang tumawa,
Tinaasan ko sya ng kilay at saka inirapan pero hindi ito umipekto sa kanya,
"Salamat sa paghatid, bababa na ako," sabi ko na sinamahan ko ng konteng boses na parang naiibis, "Hindi na kita iimbitahan pumasok sa bahay kasi pupunta pa ako ng palengke para tulungan sina Nanay at Tatay," dagdag ko,
"Gusto mo ihatid kita sa palengke?" Pagbo- bolontaryo nya
"No, thanks. I'm okay, umuwi ka na. I'll just see you tomorrow," sabi ko kunwari na galit pa din saka bumaba ng sasakyan,
"Alright, see you, Tams. Don’t me mad at me. You know me, the more you get mad, the more I will tease you," sabi nya na may kasamang nanunuyang ngiti. Inirapan ko sya at tumango bilang tugon saka isinara ang pinto ng sasakyan.
Ewan ko sayo, Santos!