Nasa byahe na kami ngayon pabalik sa school. At pinapag- pasalamat ko na hindi umiimik si Santos habang nagmamaneho dahil kailangan ko talaga ng katahimikan ngayon kasi hindi pa din nagsi- sink in ang lahat sa akin.
Pero ang pag- uusap na iyon sa restaurant ay naging susi din para makumpirma ko ang ilang mga bagay. Totoo pala ang hinala ko na may gusto saken si Santos at binu- bwesit lang nya ako kasi gusto nya na mapansin ko sya. Nagkaroon din ng linaw sa akin na hindi naman pala babaero itong si Santos dahil ang mga babae ang kusang lumalapit sa kanya.
Shit, I felt guilty for judging him like that.
Nilingon ko si Santos na nagmamaneho, ang kanyang atensyon ay nakatutok lang sa kalsada. Nakagat ako aking ibabang labi at naalala ko ang pag- uusap namin sa restaurant.
"If you don't believe me, I understand. Sino nga bang maniniwala na yung lalaking walang ginawa kundi asarin ka, ay may gusto pala sayo, diba?" He chuckled lowly as he looked in our hands, on top of the table.
He caressed it before speaking again and looked in to my eyes. "Ayos lang din kung balewalain mo ang nararamdaman ko para sayo pero gusto ko lang malaman mo na may balak akong ligawan ka," sabi niya, bakas na bakas sa kanyang pananalita na hindi sya nagbibiro. Halos gustong kumawala ng mga paru- paro sa aking tiyan ng marinig ko ang sinabi nya.
Pero maya- maya ay kumunot ang kanyang noo. Hindi nya pa rin inaalis ang tingin sa mga kamay namin, "But I'm holding myself back to court you because I am not on my best state right now," nakita ko kung paano nag- iba ang itsura nya at ang tono ng kanyang pananalita.
Maging ako ay nagtaka dahilan upang dahan- dahang kumalma ang mga paru- paro na kanina pang nagwa- wala. Tumingin sya sa akin at alam ko na napansin nya ang aking reaksyon kaya humugot sya ng malalim na hininga, "You're a very special girl to me and you deserve nothing but the best. Unfortunately, I can't be that 'best' for you at this moment," sabi nya na may halong pait sa kanyang boses.
Sa nakikita ko sa mga mata nya ngayon, may bagay sya na tinatago na ayaw nyang malaman ko. Napakunot ang noo ko pero hindi nya ito napansin dahil abala na ulit siyang nakatingin sa aming mga kamay habang bahagya itong pinipisil at hinahaplos.
"Damn, I really like you, Tams," he said under his breath.
Nakatuon pa din ang atensyon ko kay Santos na seryosong nagmamaneho.
Ano kayang iniisip nya?
Gusto ko syang tanungin tungkol sa bagay na pakiramdam ko ay tinatago nya pero hindi ko alam kung handa ba syang i- kwento ito saken. Ayoko naman magmukhang chismosa sa kanya.
Siguro sa tamang oras, itatanong ko din sa kanya. Huwag lang muna ngayon kasi mukhang ayaw pa din naman nya munang pag- usapan. Humugot ako ng malalim na hininga dahilan para mapalingon sya saken.
"Is there a problem, Tams?" Tanong nya ng bahagya nya akong nilingon pagkatapos ay bumalik na ang tingin sa kalsada.
Naramdaman ko ang pag- init ng aking pisngi ng banggitin nya ang palayaw na madalas nyang itawag saken. Well, matagal nya na akong tinatawag na Tams, simula first year palang kami, pero ngayon ko lang naramdaman itong kakaibang emosyon kapag tinatawag nya akong Tams.
Dati, naiinis ako kapag tinatawag nya ako sa palayaw na ibinigay nya saken. I keep on asking myself, why can't he just simply call me, Isabel? Or Iza? Just like what other people call me. But now, my heart skipped a beat when he calls me Tams. Because it sounds like an endearment to me now.
"You're blushing," sabi nya na hindi maitago ang ngiti sa kanyang labi. Napahawak ako sa pisngi ko at naramdaman ko kung gaano na ito kainit ngayon.
Fuck, Isabel! Ano ba kasing iniisip mo!
"Naiinitan ka ba? Pasensya ka na, medyo mahina na kasi ang aircon ng sasakyan ko," nag- aalala niyang tanong habang inaabot ng isang kamay ang aircon para itutok saken habang ang isa ay nasa manibela.
Hindi ata nakatulong ang ginawa nyang iyon dahil pakiramdam ko ay mas lalong nag- init ang aking pisngi. Pinanood ko lang sya kung paano nya tinutok ang aircon saken pagkatapos ay binigyan ako ng isang ngiti bago muling nag- focus sa pagmamaneho. Alam ko na napaka- simple lang ng ginawa nyang iyon at hindi dapat ginagawang big deal pero parang tinataksil ako ng sarili kong katawan kasi awtomatikong kumakabog ang dibdib ko sa simpleng bagay na ginagawa nya.
"Don't worry, I'll get it fixed para hindi ka na mainitan sa susunod," sabi nya ng hindi ako nililingon,
"Huh?! No, it's okay... I'm okay," sagot ko. Kinagat ko ang aking labi saka pumikit para i- compose ang aking sarili dahil nandyan na naman ang mga malilikot na paru- paro.
Hindi naman kasi talaga ako naiinitan at para sa akin tama lang ang lamig ng sasakyan ni Santos, alam ko na walang sira ang aircon nya. It's just... his ways of being this... caring.
Shit! Nasanay kasi ako na palagi syang kababag kaya nakakapanibago ang makita syang ganito saken. Hindi ako sanay na tina- trato nya akong espesyal.
Narinig ko na tumawa sya nang mahina, "I already told you, Tams, you deserved the best. That's why I'll get it fixed," sabi niya ng hindi ako nililingon, naka- pako lang ang tingin nya sa kalsada pero kitang kita ko kung paano sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi.
Seryoso, kahit itutok nya pa saken ang lahat ng aircon ngayon, hindi yan uubra kung gaano kainit ang pisngi ko dahil sa sinabi nya at sigurado ako na kasing pula na ako ng kamatis ngayon.
~~~
Nakarating kami sa school at nandito kami ngayon sa parking lot.
Aaminin ko, tumataas na naman ang anxiety level ko.
Paano kung makita kami ni Fiona na magkasama? I'm aware that she likes Santos and I don't think Santos already told her about his feelings for me and I bet Fiona will never like it when she knows it. She is this kind of possessive to Santos even though they're not really dating. Well, I assume they're not because Santos didn't like the kiss and he confessed to me.
Nakapako ang paningin ko sa labas ng kotse habang pinapanood ang mga estudyante sa hindi kalayuan.
"Tams, are you okay?" Untag saken ni Santos. Tiningnan ko ang kamay nya na nakahawak sa aking braso saka pumaling sa kanya, "Yeah, of course," sagot ko na may kasamang tango.
Ngumiti sya saken bago bumaba ng driver's seat. Pinanood ko sya na umikot sa harap ng kotse bago ako pagbuksan ng pinto.
Bumaba ako at saka isinara ang pinto. Pagharap ko, naka- abang na pala saken si Santos at halos lumuwa ang aking mga mata dahil sa distansya namin sa isa't- isa, kailangan ko pang umatras ng kaunti dahil pakiramdam ko ay mahahalikan ko na sya pero napasandal lang ako sa kotse.
Napaka- lapit nya saken!
Alam ko na wala ng isang metro ang distansya namin. Isang talampakan, siguro?
Napakurap ako ng dalawang beses, "Ba-- bakit?" Nauutal kong tanong, sabay iwas sandali ng tingin dahil hindi ko kayang tapatan ang mga titig nya saken na para bang tumatagos sa aking sistema. Ang mga paru- paro sa aking tyan ay muli na namang nabubuhay.
I can even smell his scent because of his close proximity to me.
Shit. Pero sa halip na sumagot ay ngumiti lamang sya bago umiling nang bahagya.
He shoved his hands inside his pocket before I saw him licked his lower lip and after that, his gaze went down to my lips,
I almost panicked because of that!
"Ah, ano..." s**t! I can't even compose a good sentence to say, my heart is pounding really fast.
I looked at him and he's there, waiting for what I'm going to say.
"Thank you... sa lunch," sabi ko at mas piniling tumingin sa dibdib nya kesa sa mga mata nya,
Narinig ko na tumawa sya nang mahina. Tumungo sya sandali pagkatapos ay ipinukol muli ang tingin sa aking mga mata,
"It's my pleasure, Tams,"
Tumango- tango lang ako,
"Halika na, baka ma- late pa tayo sa klase," sabi ko at tumango din naman sya bilang tugon.
Sa wakas ay nakahanap ako ng dahilan para makagalaw sa kinatatayuan ko kasi pakiramdam ko ay para akong na- estatwa.
He offered me to carry my bag but I refused,
"It's okay, Santos. Baka mamaya makita pa tayo ni Fiona," pagdadahilan ko pero ang totoo, hindi ako sanay na tina- trato nya ako nang ganoon.
Pero hindi ko pa din maipagkakaila na natatakot ako para sa sarili ko, ayokong masangkot sa gulo. Nilagpasan ko sya at nauna sa paglalakad kasi baka mamaya makita nga kami ni Fiona at sugudin ako kapag nakita kaming magkasama.
"What?" He confusedly asked.
Hindi na ako nag- abala na tapunan pa sya ng tingin at hindi ko na din sinagot ang tanong nya, dere- deretso na akong naglakad hanggang makarating ng classroom at sinugurado na hindi sya makakasunod agad saken.
Pinili kong maupo sa pinaka- sulok para hindi nya ako magawang tabihan at lumuwag ang aking pakiramdam dahil tagumpay ako sa aking plano, walang Yohan Santos na nangulit saken hanggang sa matapos ang buong klase.