
Si Trinidad at Renler ang magsisilbing mahabang tulay ng pag-iibigan. Sa hindi inaasahan ay minsan itong masisira, dahilan ng kanilang pagkahulog sa malalim na suliranin. Makukumpuni ba ni Sed at Tania ang nasirang tulay? Maililigtas ba nila ang naudlot na pag-iibigan nina Trinidad at Renler? O baka naman, tuluyan ng papanawan ng buhay ang nasabing pag-iibigan? Walang kasiguraduhan kung makakaya ng batang Ceviera ang alamin ang katotohanan, gugustuhin niya bang malaman? Makapapayag ba siya, kung dumating ang oras na mayroon na siyang pagpipilian? Abangan at subaybayan kung paanong tatapusin ni Sed at Tania ang istoryang hindi nila sinimulan.

