CHAPTER ONE

2744 Words
"Tania, gising na! Ano ba namang bata 'to, ang kalat-kalat na naman ng kwarto mo! Pasalamat ka at hindi pa pumapasok dito ang mama mo, naku! 'Ke bata-bata ang dami daming kung ano-ano. Ano ba yan! Mga manika---damit---pagkain---naku, Tania, gumising kana riyan!" Nagising ang diwa ko sa maingay na namang sermon ni nanay Josie. Umagang umaga wala na namang preno sa kasesermon. Halos kabisado ko na lahat ng linya niya tuwing nandito siya sa kwarto ko. Hindi ko na kailangan ng alarm clock para magising, dahil kay nanay Josie palang, kotang kota na. "Nay, ang ingay n'yo po. Too early, nanay," naalimpungatan kong sabi at muling nagtalukbong ng kumot. "Ano'ng too early? Gumising kana at aalis kayo ng mama at papa mo. Hindi ba't anibersaryo nila ngayon? Magsisimba raw kayo at mamamasyal. Kaya bumangon kana riyan, naku ah!" Hinila niya ang kumot na nakatakip sa akin kaya nagmulat na ako at dali daling bumangon nang nakangiti. "Oh? Narinig mo ang mamamasyal, nabuhayan ka 'no? Ngingiti-ngiti kapa riyan," nakapamewang na sambit niya pa dahilan para matawa ako kaya natawa na rin siya."Oh, halika na at paliliguan na kita, kanina kapa hinihintay ng mama at papa mo sa baba." Kumuha siya ng tuwalya sa cabinet at ipinatong iyon sa kaniyang balikat bago ako inakay papunta sa banyo. Nang nasa hamba na kami ng pintuan ng banyo ay nagsalita ako. "Nay?" "Hmm?" "What if.....Ako na lang po mag-isa?" nakangiti pang sabi ko. "Hoy, bata ka, naku ha! Hindi pwede, hindi ka pwedeng mamasyal mag-isa. Hindi ka papayagan ng mama mo. Ang bata- bata mo pa, mamamasyal kang mag-isa?" i-iling-iling pang saad niya kaya napasimangot ako. "Oh, bakit sisima-simangot ka riyan? Hindi pwede!"pagtatapos niya. "Hindi naman po kasi 'yan, nay!"nakasimangot paring giit ko. "I mean, ako po mag-isa ang magpapaligo sa sarili ko kase... matanda na po ako, I'm already seven," malumanay na paliwanag ko. "Ah, oo nga! Matanda kana! Seven--seven, seven ka palang para ka ng matanda, naku!......Gano'n ba? Hindi mo kasi agad sinabi," nakangiti pang aniya. Napailing nalang ako sabay buntong hininga. "O siya, siya. Kaya mo na 'yan ah? Bilisan mo,'wag kang magtatagal, baka lamigin 'yang likod mo, sige na, sige na." Itinulak niya pa ako papasok sa loob. Ang kulit talaga ni nanay! Huminga nalang ako ng mamalim pagkatapos niyang isara ang pinto. Ilang minuto lang ang lumipas ay nariyan na naman si nanay Josie. "Tania, ano na! Hindi ka pa ba tapos? Bilisan mo!" "Tapos na po, nay!" "Labas na! Dito kana sa kama magpunas, dalian mo!" Agad akong lumabas at paluksong nagtungo sa kama. Mabilis akong pinatuyo ni nanay Josie bago binihisan ng kulay asul na bestida. Matapos niya akong suklayan ay sinuotan niya rin ako ng mas matingkad na kulay ng asul na doll shoes. "Oh, bumaba kana roon at maglilinis pa ako rito sa napakalinis mo'ng kwarto. Sabihin mo sa mama mo, ha?" Tumango ako nang nakangiti dahil sa kabaligtaran ng kaniyang paglalarawan sa aking kwarto. "Oh sige na, sige na, naku!" Patakbo akong lumabas ng kwarto at agad na bumaba. Sinalubong ako ni mama at papa na noon ay bihis na bihis na at kumakain na sa kusina. "Oh anak, come here! Mabuti at nakaligo kana. You look cute on that dress!"giit ni papa na nakangiti nang malawak sa akin. " Bakit cute lang, papa?"animo'y nagtatampong tanong ko. Agad akong pumagitna ng upuan sa kanila ni mama. "I mean, being cute is being pretty, anak,"agad na bawi niya. "I don't think you mean that, papa," "Of course I mean it, anak," "Talaga po?"Tumango siya nang nakangiti upang ipagkaloob ang nais kong sabihin niya. "Kayo'ng mag-ama oh, tumigil na nga kayo. Kain na, baka ma-late tayo sa first mass,"singit ni mama, kagagaling lang sa mahinang pagtawa dahil sa maliit na argumento namin ng aking ama. "Oh, anak, kain na,"si papa. " Hmmm, where's nanay Josie, anak?" tanong ni mama sa kalagitnaan ng aming pag kain. "Still up there ma, maglilinis pa raw po," "Mukhang papagurin mo na naman si nay Josie dahil sa mga kalat mo sa kwarto ah?" kahit nagtatanong ay siguradong alam na nila ang sagot. "Of course not ma, konti lang po ang kalat ko," agad na dipensa ko. Tumawa lamang silang dalawa ni papa dahil sa sagot ko. "Okay, what do you want?" tatawa- tawa pang tanong sa akin mama. Agad niya akong nilagyan ng pagkain na itinuro ko at nagsimula nang kumain. Nang matapos kaming kumain ay umalis na kami at nagtungo na sa simbahan. Halos isa at kalahating oras ang itinagal ng misa bago natapos. Humalik lang ako sa pisngi ni mama at papa tsaka ko sila binati ng happy anniversary bago kami tuluyang lumabas sa simbahan. Napagpasyahan namin na magtungo sa plaza upang doon ipagdiwang ang anibersaryo nila. Ilang minuto lang kaming naglagi sa sasakyan at narating na namin ito. Sa pinakagitna ng malawak na kabilugan ng buong plaza ay naroon ang malaki at eleganteng fountain. Sa kaliwang tapat nito ay naroon ang isang malaking entablado na batid kong pinagdarausan ng iba't-ibang mahahalagang kaganapan dito sa Histo Real. Sa kanan naman ay may isang mini- flower garden na pinaglalagakan ng iba't-ibang kulay ng mga bulaklak. Batid kong bantay ng munting hardin ang dalawang babaeng nasa tapat nito na parehong naka uniporme ng kulay puting bestida na may malaking larawan ng kulay pulang rosas sa bandang laylayan nito. Sa norteng parte naman ay naroon ang iba't-ibang malalaking arko na binabahayan ng mga vendors. Habang sa bandang timog naman ay ang mahabang hallway na ginagawan ng daan ng mga malalagong puno na nakapaligid rito. Samantala, ang iba pang malawak na bahagi ng plaza ay pinamumugaran na ng maraming benches. Mula sa isa sa mga benches na kinauupuan namin ay tanaw na tanaw ko ang mga nakapalibot na maliliit, katamtaman at malalaking gusali na nagmamalaki ng pagkasibilisado at pagkamoderno ng lugar. Ang iba't-ibang uri ng mga sasakyan ay nagliliwaliw sa sementado at patag na kalsada, ganoon rin ang mga nagtataasang mga poste ng ilaw. Ganoon paman, kahit na modernong moderno na ang dating lugar at tila sinakop na ng teknolohiya, ay hindi parin ito inaabuso ng polusyon, kung kaya't sariwa ang hangin na nalalanghap ng mga taong naninirahan rito. Maya-maya lang ay nagpasya na kaming bumili ng pagkain, kaya nagtungo kami sa mga nakahilerang arko ng mga nagtitinda ng iba't-ibang paninda. Mayroong arko para sa mga nagtitinda ng mga pagkain, iba't-ibang uri ng mga inumin , accessories, maging mga souvenirs na gawa mismo rito na maaaring gawing pasalubong ng mga taong dumadayo lamang rito. Bitbit ako nina mama at papa sa magkabilang kamay nang magtungo kami pabalik sa bench na kinauupuan namin kanina. Nagsimula kaming kumain habang aliw na aliw kami sa mga nakikita namin sa paligid at maging sa isa't isa. Panay ang tawanan, kwentuhan at lambingan naming tatlo. Halos lahat ng nandito ay magkakapamilya na nagsasaya kagaya namin. Madalas ay sa mga mall kami kung maglibang at mamasyal, ngayon ang unang beses na sa plaza kami namasyal, kung kaya't bago sa aming paningin ang lahat ng nakikita namin sa kapaligiran. Ilang sandali pa ay naglakad-lakad na kami at nakarating sa flower garden na pinagmamasdan ko kanina. Masaya kaming sinalubong ng dalawang magandang babae na nagbabantay nito. "Hello ma'am! Hello sir!" masiglang bati ng dalawa "Ako po si Lhars at ito naman po ang kasama ko---si Fabiola. Kami po ang bantay nitong garden. Ano po'ng maipaglilingkod namin?" ganadong-ganadong saad nang nagpakilalang si ate Lhars. "Ah e...Okay lang ba kung pumitas kami ng mga bulaklak rito sa garden niyo?" mahinahong tanong ni papa. "Naku sir! sige lang po! Kung sa ibang lugar ay i***********l ang pumitas, eh dito po ay libreng libre po iyon," masayang tugon ni ate Fabiola. "Oo nga po! sige po marami po'ng pagpipilian diyan! 'Meron po'ng white, may blue, may yellow, may violet, may pink din po. At syempre! Hindi po mawawala ang kulay pula na sumisimbolo sa matamis na pagmamahalan! hehe," paliwanag ni ate Lhars na punong puno ng aksiyon habang nagsasalita, dahilan upang matawa kami ni mama't papa dahil sa kabibohan niya. "Ano ba Lhars, OA kana eh, tumigil ka nga diyan," dinig naming bulong ni ate Fabiola kay ate Lhars habang kinukurot ito sa tagiliran. "Ah ma'am, sir, sige po pasok na po kayo," bumaling ito sa amin at inakay kami nang nakangiti papasok sa garden. "Pagpasensiyahan niyo na ho itong si Lhars, madalang ho kasing makakita ng tao 'to'ng ba---" hindi na natapos ni ate Fabiola ang sasabihin niya nang agad na dumepensa si ate Lhars sa pang- iinsulto nito sa kaniya. Kami naman ay tawa lang nang tawa habang pumipili ng mga bulaklak na pipitasin. "Ano'ng madalang makakita ng---- Hoy! ikaw ah!" naiinis na giit nito bago bumaling sa amin nang nakangiti. "Ah sir, 'wag po kayo'ng maniwala sa kaniya hehe. Sige po pumitas lang kayo, 'yung pula, 'yan po 'yung pinaka....ma.....ano dito ma'am." Habang nagpapatuloy sa pagbabangayan si ate Lhars at ate Fabiola ay nag-abala naman kami sa pamimitas. "Oh, anong pinaka-ma-ano ang pinagbubunganga mo diyan? ikaw talaga!" "Pinaka......maganda, bakit? 'Tsaka ano'ng madalang makakita ng tao ang sinasabi mo? Nakakahiya! Ano'ng tingin mo sa akin, Alien?!" "Oh, alam mo pala kung ano'ng tawag sa'yo 'no?" "Hoy! A-anong sinasabi mo ha! Ang gandang alien naman nito!" "Hay! ewan ko sa'yo, Lhars! nabibingi na 'yung mga taong nakakarinig diyan sa mala alien mo'ng boses!" "Ano?! Aba, hoy!" "Nakakatuwa naman ang dalawang iyon ano," saad ni papa na tatawa-tawa pa habang namimili ng kung anong bulaklak ang kaniyang pipitasin. "Yeah, their so funny, they look cute together," pagsang-ayon naman ni mama. "Ano'ng kulay ang gusto mo, anak?" "Ahmm.......Red ma! Sabi ni ate Lhars maganda 'yung red," nakangiting saad ko. "Okay sige, halika." Nang matapos kami sa pamimitas ay pinagsama-sama namin ang lahat ng mga bulaklak na nakuha namin tsaka iyon itinali ni papa upang hindi makalas ang bawat piraso. 'Meron na kaming isang bungkos ng iba't-ibang kulay ng mga bulaklak na mayroong istilo nang katulad sa mga ikinakasal. Nakangiti iyong iniabot sa akin ni papa bago kami tuluyang lumabas sa garden. "Bawiin mo nga 'yung sinabi mo, hoy!" "Hinaan mo nga 'yang volume mo manang Lhars." "Hindi nga ako manang! Kanina kapa ah! Hindi kaba talaga titigil ha?! Ikaw nga ang mukhang manang diyan eh, hin-------- Oh ma'am, sir, baby girl hello! Tapos na po ba kayo? Sorry po ah, kamusta po 'yung pamimitas n'yo? Pasensiya na po medyo maingay talaga dito, alam n'yo na...maraming tao hehe." "Ikaw lang naman ang maingay, sinisi mo pa sila," bulong ni ate Fabiola. Tiningnan naman siya ng masama ni ate Lhars, sinasabing tumigil na ito. I-iling-iling na tumawa si mama't papa. "O sige, thank you mga hija, ah? aalis na kami," paalam ni papa. "Okay, sige po sir! Please come again ma'am--sir!" tinanguan nalang sila nina mama at papa bago kami tuluyang naglakad papalayo. "Sa tingin mo babalik pa 'yung mga 'yon? Sa lakas ng bunganga mo, siguradong hindi na babalik 'yung mga 'yon," narinig pa naming pang- aasar ni ate Fabiola. "Hoy kanina kapa ah! Talaga ban--" tuluyan nang nawala sa aming pandinig ang kanilang mga boses nang makalayo na kami. "Oh, saan niyo pa gustong pumunta?" maya-maya ay tanong ni papa sa amin.  Nang sabay-sabay naming matanawan ang mahabang hallway, ay agad kaming nagtungo roon at naglakad sa kahabaan nito. Nang makaramdam ng pagod ang mga paa ko, ay nagpabuhat ako kay papa at nagpatuloy silang maglakad ni mama habang magkahawak ang mga kamay. Masaya parin kaming nagmamasid sa buong paligid at paminsan-minsang nagkukwentuhan sa tuwing may makikita kaming lubos na makaka-agaw ng aming atensiyon. Ilang sandali pa ang lumipas nang makarating kami sa dulo ng hallway, doon tumambad sa amin ang luntiang bahagi ng plaza. Luntian dahil sa mga berdeng d**o na bumabalot sa buong bahagi ng lugar. Ilang hakbang mula sa bungad nito, na siyang dulo nitong hallway, ay ang arko na mayroong nakalagay na PICNICKING AREA. Narito nga ang i-ilang pamilya na masayang nag pi- picnic sa damuhan na mayroon lamang sapin na kwadradong tela na sapat lamang ang laki. "Hindi ko alam na may ganito pala dito," nae-enganyong saad ni papa na sinang-ayunan naman ni mama. Pinuntahan namin ang isang maliit na kubo na pinagdi-displayan ng iba't-ibang kulay at disenyo ng mga tela, naroon ang isang matandang babae na batid kong may-ari ng mga tela na noo'y pinapaupahan pala sa mga taong nagpupunta rito. Umupa kami ng isang tela 'tsaka iyon inilatag ni papa sa damuhan, di kalayuan sa mga taong naroon. Humiga kaming tatlo. Si papa ang nasa kaliwa ko at si mama naman ang nasa kanan, nasa gitna nila akong dalawa. Sama-sama kaming tumingala sa langit at pinagmasdan ang kulay bughaw na kalangitan. Nang masilaw ako sa liwanag ay pumikit ako at nanatili na lamang na nakikinig sa paligid. Nagsimula sa pagkukwento si mama tungkol sa kaniyang kabataan na sinabayan naman ni papa. Nanatili kaming nakahiga, ako ay nakapikit parin habang nakikinig sa kanilang dalawa, sila naman ay masayang binabalikan ang mga ala-ala nila noon. Few hours later... "Mukhang uulan hon, makulimlim na.......let's go?" narinig kong tanong ni papa kaya iminulat ko ang aking mga mata. Dumilim na nga ang kaninang maliwanag at asul na langit. Mas lumakas na rin ang ihip ng malamig na hangin. Ang mga tao ay nagsisimula ng magligpit ng kanilang mga gamit, ang iba naman ay nagsisi-alisan na. "Ano'ng oras na ba?" "It's already 4:30." "Tara na, at baka abutan pa tayo ng ulan.....Tania, let's go na," ani mama, kaya tumayo na kami at agad na ibinalik ang inupahan naming sapin. Nagmadali kami na makabalik agad sa bungad ng plaza na pinasukan namin kanina. Ang mga tao ay nagu-unahan nang maka-alis dahil sa nagbabadyang ulan. Pilit naman akong inilalayo ni mama sa mga taong kumakaripas na hindi namamalayan na may nababangga na pala sila. Nakababa na kami sa ilang baitang na hagdan ng entrance, at ngayon ay nakatunghay na kami sa harap ng kalsada. "Hon, mabuti pa kung hintayin niyo na lang muna ako rito, kukunin ko lang 'yung kotse sa lipat, okay?" sabi ni papa kay mama bago yumuko at bumaling sa akin. "Anak, diyan ka lang kay mama ha? Huwag kang hihiwalay sa kaniya kase maraming tao, okay?"  Tumango ako bilang sagot at 'tsaka ko siya niyakap ng mahigpit. Kakaiba ang pakiramdam ko sa yakap na iyon. Hindi katulad ng normal na yakapan namin ni papa na madalas naman naming ginagawa. Hindi ko alam kung saan nagmula ang bagong pakiramdam na talagang ngayon ko lang naranasang maramdaman sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Nakakalito, may kaunting kaba, sadyang kakaiba. "Diyan lang kayo, hintayin niyo 'ko," pahabol pang bilin ni papa at magkasunod kaming tiningnan ni mama. Tanging tango na lamang ang isinagot namin sa kaniya. Hawak ako ng mahigpit ni mama habang tinatanaw namin ang pagtawid ni papa, sinakop rin ng aking paningin ang kasalubong sa pagtawid ni papa na isang babaeng may hawak-hawak na batang lalaki. Tila hinila ng kung ano ang aking paningin dahilan upang mapa-gawi ang aking mga mata sa kanang bahagi ng lipat-daan na halos katapat lamang sa direksiyon ng tawiran. Sa likuran ng poste ng ilaw, naaninag ko ang isang lalaking nakatakip ang mukha, na tila may inaabangan. Ilang sandali pa ay may inilabas siyang kung anong armas mula sa kaniyang tagiliran at itinutok ito sa may bandang tawiran, kasabay ng pagkagulat ko, ay tila bumagal ang lahat sa paligid. Sinundan ko kung saan nakatutok ang hawak ng lalaki, at mas ikinagulat ko nang makitang sa batang lalaki na hawak ng babae nakatutok ang b***l nito. Akma na niya itong ipuputok, kasabay niyon ay ang pagkakasalisi sa pagtawid nila ng lalaki..........si papa! Kasabay ng isang malakas na kulog, umalingawngaw ang malakas na putok ng b***l! Nagkagulo na ang lahat ng tao. Nagtatakbuhan ang lahat at hindi alam kung saan magtatago. Sa isang iglap ay nakahandusay na sa kalsada ang duguang si papa. Mabilis na tumulo ang luha sa mga mata ko kasabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Agad na napasigaw si mama habang humahagulgol na.  Sa paghihiwalay ng mga kamay namin ni mama, nabitawan ko ang bulaklak na hawak ko, agad na tumakbo si mama upang dulugan si papa, subalit hindi pa man siya tuluyang umaabot kay papa, huminto siya sa paghakbang, nasisilaw niyang iniharang ang kaniyang dalawang braso sa liwanag ng humaharurot na kotse na walang prenong bumangga sa kaniya! Parang huminto ang buong paligid. Ang walang tigil na pagbuhos ng ulan ay sinabayan ng pagbuhos ng aking mga luha. Tanging ang maingay kong pag-iyak ang naririnig ko. Muli ay kumulog ng malakas at kumidlat, dahilan para mapatakip ako sa aking mga tainga habang patuloy sa pagtawag kina mama at papa, walang tigil ang aking pag-iyak habang ginagawa ko iyon. Biglang rumagasa sa pagbaba ang hindi maubos-ubos na bilang ng mga tao galing sa hagdan mula sa plaza. Natabig na ako ng kung sino-sino, hanggang sa mapahiga nalang ako sa kalsada. Puro paa nalangn ang nakikita ko, mga paa ng mga taong lumalampas sa akin. Sa minsan pang pagkulog ay naipikit ko na lamang ang mga mata ko, binalot ng kadiliman ang lahat hanggang sa wala na akong maramdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD