CHAPTER TWO

2778 Words
"Ang sabi 'nung isa sa mga witness, si Sed daw ang tinutukan ng b***l, kaya lang.....'nung ipuputok na 'nung suspect, saktong tumawid din 'yung lalaki, kaya naharangan niya kayo at siya ang natamaan. Sad to say, na......kailangan pang may ibang maging biktima para lang mailigtas ang buhay niyo." "P-pero bakit naman may gustong pumatay sa anak natin? Delikado 'yun Ren, paano kung balikan tayo? T-tsaka wala naman tayong kaaway or anything ah? Ano'ng motibo ng suspect? W-wala akong maisip na dahilan. Masyado pang bata ang anak natin para sa ano mang involve sa malaking bagay at darating sa point na ipapapatay siya." "I know Claire, under investigation pa ang lahat at tine-trace pa ang suspect. Malalaman din natin ang lahat kapag nahuli na 'yon, whoever is that man. At 'yung driver na nakabangga sa asawa 'nung lalaki, nasa police station na. Sa ngayon, kailangan na muna nating mag-ingat, 'tsaka nagpadala na ng policemen ang Histo Real sa bahay, kaya mas safe na tayo." "K-kailangan natin silang tulungan Ren, kung hindi dahil sa lalaki na daddy pala ng batang iyan ay baka kung ano na ang nangyari sa anak natin." "Of course, of course. Pinatawag ko na ang mga relatives ng batang iyan. Kawawang bata....ang agang naulila sa mga magulang, sa masaklap na pangyayari pa." "Yeah, you're right, naawa ako sa kanya at s-sa parents niya na wala namang kasalanan. They're innocent pero nangyari sa kanila 'yun. Kung sino man ang may gawa nito, hindi niya alam kung ano ang sinira niya.....He must pay for this." "He will Claire, he will." Mahina pero malinaw na naririnig ko ang mga nagsasalita malapit sa akin. Hindi ko kilala kung kaninong boses ang mga iyon. Umiiyak ang babae tipong nagpapatahan naman ang lalaki. Hindi ko rin alam kung nasaan ako ngayon, dahil hindi ko magawang buksan ang aking mga mata. Ang tanging nararamdaman ko ay ang sakit sa iba't-ibang parte ng aking katawan, lalo na sa bandang balikat ko. Matapos kong dumaing sa pisikal na sakit na nararamdaman ko, agad namang bumalandra sa aking isipan ang nakakaawang nangyari sa mga magulang ko, dahilan para mapaluha ako nang muli kong maalala ang bawat detalye sa nangyaring aksidente. Unti-unting naging maingay ang pag- iyak ko, agad kong naramdaman ang pagdulog sa akin ng kung sino mang naririnig kong nag-uusap kani-kanina lang tungkol sa akin at sa nangyari sa mga magulang ko. "H-hija, hija huwag kang umiyak, may kasama ka dito. Nandito kami hija. Ano'ng gusto mo? M-may masakit ba sa'yo? Gutom ka ba?" Batid kong nag-aalala ang babaeng naririnig ko ayon sa kaniyang pananalita. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at ilang beses muna akong kumurap bago ko tuluyang naimulat ang aking mga mata. Tumamabad sa aking ang puting kisame na siyang unang nasilayan ko dahil nakatingala ako, unti-unti ko namang ibinaba ang paningin ko. Pinalalabo ng luha ko ang aking mga mata. Kung kaya't hindi ko maaninag nang maayos ang babaeng bumungad sa akin. Iginalaw ko nang malumanay ang kanang bahagi ng aking kamay upang punasan ang mga luha ko, batid kong may kung anong nakalagay sa kaliwa kong kamay dahilan upang mahirapan akong igalaw ito. Nang matapos akong mag-punas ng mga luha ko ay luminaw ang buong paligid sa akin. Panay kulay puti ang nakikita ko, mula sa kulay puting kisame, puting mga dingding, mga kurtina at sofa. Ang tanging sumisigaw nang kaibahan ay ang isang malaking flat screen TV sa aking harapan na nakasabit sa dingding, sa ibaba nito ay ang isang mini refrigerator, at sa gilid ko naman ay isang side table. Nang magawi sa babaeng nakatunghay sa akin ang aking paningin, 'tsaka ko lang nakita ang itsura nito. Siya ang babaeng may hawak ng batang lalaki na tinutukan ng b***l 'nung lalake sa may poste. Sa likod niya ay ang lalaking asawa nito kung hindi ako nagkakamali. "A-anong nararamdaman mo hija? Ayos k-ka lang ba?ha? Sabihin mo kung may masakit sa'yo." Nag-aalala pa ring giit ng babae. "Ang m-mama k-ko, A-ang papa ko." Naluluha na namang saad ko. Agad na napatingin ang babae sa asawa nito na para bang humihingi ng tulong kung ano ang gagawin nito upang mapatahan ako. "N-nasan sila?" Tuluyan ng kumawala ang luha sa aking mga mata. "S-saan po sila?" Ulit ko. "K-kase.. H-hija, hin-"  Sabay sabay kaming napa lingon sa pintuan nang bumukas iyon, mas napa-iyak ako nang makita ko ang auntie at uncle ko na parehong namumula ang mga mata. Patakbo silang lumapit sa akin at agad akong ginawaran nang mahigpit na yakap. Hindi na nila napigilan ang pag-iyak. "Tania! A-anong nangyari sa inyo! S-sino ang may gawa nito sa inyo! W-wala kayong k-kasalanan! W-wala..wala." Humahagulgol na sambit ni Auntie habang yakap pa rin ako. Ang lumuluha na ring si uncle ay pilit na pinapatahan at inaalalayan ang asawa nito. "A-auntie, s-si mama at s-si papa... M-magaling na po ba s-sila?" Humikhikbing tanong ko. Wala naman akong natanggap na sagot mula kanino man sa kanila, sa halip ay mas humagulgol lamang si auntie, kasabay nang mas paghigpit nang kaniyang yakap sa akin. Ilang minuto ang lumipas ay tuluyan na kaming tumahan. Ganoon pa man, hindi parin nabawasan ang lungkot na aming nararamdaman. Sigurado ako roon. Lumabas sina auntie kasama ang dalawang mag-asawa, bukod doon ay wala na akong maalala dahil naka-tulog na ako. " ♪♪♪hey, little girl....the rain.....is falling....as....I'm.. falling..to..you....♪♪♪" "♪♪hey, little girl....the rain..is... falling..as..I'm... falling..to...you...♪♪♪" "♪♪♪hey, little girl....the rain...is... falling..as...I'm... falling..to...you...♪♪" Nagising ako sa paulit-ulit at maliliit na tinig na umukupa sa aking pandinig, subalit nang buksan ko ang aking mga mata ay wala akong ibang nakita maski sino sa loob ng kwartong kinaroroonan ko, tanging tunog na lamang ng isinaradong pinto ang humabol sa pandinig ko. Minsan pa akong napalingon sa pintuan nang tumunog itong muli at iniluwal si auntie. "Tania, gising ka na." Matamlay na himig ni auntie Tracee, pulang-pula ang kaniyang mga mata, maging ang kaniyang buong mukha ay namula na. Batid kong dahil iyon sa kaniyang pag-iyak. "Kumain ka muna, para lumakas ka." Kinuha niya ang tray ng pagkain na nakapatong sa side table at umupo sa sofa'ng malapit sa akin. Tahimik lamang akong ngumunguya sa bawat pagsubo niya sa akin. Paminsan-minsan pa siyang natutulala sa kawalan sa tuwing nag- hihintay siya na matapos ako sa pag-nguya ko. Bawat minuto ay bumubuntong-hininga siya na para bang pinipigilan ang kung ano. "A-auntie, 'nasan na po si uncle? Okay lang po ba kayo?" Nag-aalangang tanong ko. Narinig ko ang muli niyang pag buntong-hininga bago inilagay ang plato na hawak niya sa side table. Hinawakan niya ang kamay ko at pilit na ngumiti. "Tania, hija." Malambing na panimula niya ngunit mababahiran pa rin ng kung anong sakit dahil sa makikitang eskpresiyon sa kaniyang mga mata. "Ang uncle Tram mo ay may inasikaso lang, babalik rin siya mamaya. Okay?" Ngumiti ulit siya. "Okay po." "Alam mo...Mahal na mahal ka ng mama at papa mo." Muling nag salita si auntie. "Naalala ko pa noon kung gaano nila ka-gustong magka- anak. Kaya noong nabuntis ang mama mo sa iyo....Sobrang saya nilang mag-asawa...Hanggang sa maipanganak kana, wala silang kasing-saya. Mula nang dumating ka sa buhay nila ay hindi na nila naisipan pang sundan ka. Dahil sayo lang, kuntento na sila. Ikaw lang kampanteng-kampante na sila. They have been really good parents to you, Tania. They loved and cared for you a lot." Agad niyang pinunasan ang mga luhang naglalandas sa pisngi niya at ngumiti muli. "I love them too, auntie." Muli ay nginitian niya ako ng matamis. "Auntie?" Nag-aalangang tawag ko sa kaniya. "Hmm?" "Nagamot na po ba si mama at papa?" Hindi niya ako sinagot. "N-nakita ko po si papa m-may dugo. S-Si m-mama....na ano, 'dun sa sasakyan, mabilis 'yun....Nasaan na po sila?" Naluluha nang dagdag ko, subalit wala pa rin akong nakukuhang tugon mula sa kaniya.  Nakita ko nang muling maglandas sa kaniyang mga pisngi ang mga luhang pinilit niyang hindi makawala kanina. Mas humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Wala na siyang ginawa o sinabi pa, bagkus ay yumuko na lang siya sa mga kamay ko at tahimik na umiyak. Hapon pa lang noong nakatulog ako kahapon pero umaga na nang muli akong magising. 'Ni hindi ako nakaramdam ng gutom, gayong hindi ako kumain kagabi dahil naka tulugan ko ang pag-iyak. Iginala ko ang aking mga mata sa kabuuan ng silid na kinaroroonan ko. Nilingon ko ang magkabilang sofa, wala akong nakitang kahit na sino, walang ibang tao rito kung hindi ako. "Mrs. Ceviera, isang gamot na lang po ang kailangan ng pasiyente bago tuluyang maka-recover. Ang gamot po na ituturok sa kaniya ay mag- dudulot ng 3 days sleep. Ibig sabihin po ay tatlong araw na makakatulog ang bata, but the exact time right after niyang magising, pwedeng-pwede na po siyang i discharge." "Okay po doc." "By the way, kailangan niyo muna siyang pakainin bago maturukan ng gamot. In that way, hindi siya manghihina kapag nagising siya." "Sige po, thank you so much doc." "You're welcome Mrs. Ceviera. So, I have patients to look for, I have to go." Mula sa nakasiwang na pintuan ng kwarto, dumungaw si auntie at tumuloy nang nakitang gising na ako. "Mabuti at gising kana hija, kailangan mong kumain par--" "I heard, auntie." Agad kong pinutol ang sasabihin niya. Tumitig ito sa akin bago tumango. "Okay, just wait." Lumabas siya sandali, pagbalik niya ay may dala na siyang tray ng pagkain. Tahimik akong kumain nang mag-isa. Hinayaan ako ni auntie sa gusto kong gawin kaya naupo na lang siya sa sofa. Kitang-Kita ko ang pangingitim ng ilalim ng kaniyang mga mata, halatang wala pa siyang tulog. Simula kahapon, nang pare pareho silang lumabas dito ay hindi ko na nakitang bumalik si uncle, sa tuwing tinatanong ko naman si auntie ay 'may inaasikaso' pa rin ang sagot niya. Ilang sandali lang matapos kong kumain, dumating na ang doktor na magbibigay sa akin ng gamot. Nag sagawa lang siya ng ilang check-ups bago ako tinurukan ng gamot. Sandali pa akong nakaramdam ng hilo bago ako tuluyang hinila ng antok. Three days later......... "♪♪ hey, little girl......the rain..is... falling....as....I'm...falling..to you....♪♪♪" "Sandali!" sigaw ko sa batang lalaki na nakatalikod na at naglalakad na palabas ng pintuan. Huminto siya sa paghakbang ngunit hindi parin ako nililingon. "Sino ka? ikaw ba 'yung kumakanta?" Tanong ko, tumango lamang ito bilang sagot. "Bakit hindi ka nagsasalita?" hindi parin ito sumasagot. "Bata?" umupo na ako sa kama ko at bahagyang inabante ang aking ulo upang masilip ko siya ngunit hindi ko parin nasilayan ang mukha niya. " ♪♪hey, little girl...the rain...is... falling...as...I'm...falling...to you...♪♪♪"  Minsan pa niyang inulit ang kantang iyon tsaka dahan-dahan na humarap at humakbang papalapit sa akin nang nakayuko dahilan para hindi ko pa rin makita ang mukha niya. "Sino ka? Bakit ka nandito?" Hindi na yata ako matatapos sa pag tatanong sa kaniya kahit na hindi naman ito sumasagot. Nakakapagtakang inulit na naman niya ang kantang iyon, kasabay ng kaniyang pagkanta unti-unti siyang lumuhod na tila may inaabot sa sahig. Sumilip ako sa ilalim pero wala akong nakitang ano mang bagay na naroon.  Nang dahan-dahan niyang iniangat ang kaniyang sarili, ay iniangat niya ang kaniyang ulo dahilan para tumambad sa akin ang kaniyang mukha. Mula sa likuran ay humugot ito ng kung ano at sa isang iglap lang, nanlaki ang mga mata ko nang may hawak na itong.........baril! Itinutok niya ito sa akin, walang pag aalinlangan nitong kinalabit ang gatilyo....Parang tumigil sa pag-galaw ang buong paligid. "Ahhhhhh!" Mahabang sigaw ko at agad na napabalikwas ng bangon habang naghahabol na ng hininga na animo'y pagod na pagod. "Tania, what's wrong? Ano'ng nangyari? May masakit ba sa'yo? Ano? Mabilis akong dinulugan ni auntie at bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat at pagkataranta, hindi niya alam kung ano ang hahawakan sa akin. Agad akong yumakap sa kanya at hindi na napigilan ang pagtulo ng aking mga luha dulot ng takot na nararamdaman. "N-nanaginip po ako." Humikhikbing giit ko. Hinaplos naman ni auntie ang buhok at likod ko habang pinapatahan ako. "Shhh, tama na. Panaginip lang naman 'yon, hindi iyon totoo, tama na. Auntie is here." Tumango ako nang paulit-ulit habang pinapakalma ang sarili ko. "J-just a dream." "Yeah, just a dream. Don't worry." Aniya at dahan-dahan akong iniharap sa kaniya bago pinunasan ang mga luha sa aking mata, kaya bahagya akong kumalma. "Aalis na tayo ngayon dito. Okay? so ano? Nagugutom kaba? You're three days asleep. Wala bang masakit sa'yo? Umiling lamang ako ng dalawang beses bilang tugon. Kahit sinabi kong hindi ako nagugutom ay pinakain pa rin ako ni auntie bago ako binihisan. Nang matapos sa pag-aayos ng gamit namin si auntie, ay bumaba na kami sa lobby ng ospital para hintayin si uncle Tram na siyang susundo sa amin. "Auntie, pupuntahan na po ba natin sina mama?" Umiwas siya ng tingin at mabigat na bumuntong hininga bago muling tumingin sa akin. "O-oo pupunta tayo." Seryosong sambit niya. "Magaling na po ba sila? Naalis na po ba yung mga dug--" Agad na nawala ang ngiti sa aking mga labi nang pinigilan ako ni Auntie sa pagsasalita. "Your uncle Tram is here, let's go." Agap niya. Tumayo siya at inakay ako palabas ng ospital. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko si uncle na pasalubong sa amin. Nang makalapit siya ay kinuha niya ang mga bag na dala ni auntie tsaka na kami nagpatuloy at sumakay na sa sasakyan. "How are you hija? Okay ka naba? Napabaling ako kay uncle nang magsalita siya. "Opo." nginitian ko siya. "Pasensiya ka na ah, hindi na nakadalaw si uncle sa'yo." Tinanguan ko lamang siya. Habang nasa biyahe ay nag-uusap si auntie at uncle, hindi naman na ako nag-abalang pakinggan pa kung ano ang pinag-uusapan nila. Sa halip, ay naka-dungaw lang ako sa bintana hanggang sa huminto ang sasakyan. Patungo sa kumpol ng mga taong naririnig kong gumagawa ng ingay ay karga- karga ako ni uncle. Habang papalapit kami sa mga ito, mas naririnig ko ang pag-iyak ng karamihan. Maging si auntie ay halatang umiiyak na rin kahit pa naka-suot siya ng itim na salamin nang lingunin ko siya. Dinala ako ni uncle sa harapan, at doon tumambad sa akin ang dalawang kabaong. Sa gilid ng kabaong ay naka-tayo ang isang pari. Ilang sandali pa ay bumulong sa akin si uncle. "Due to the accident.....Hindi na sila nakaligtas pa. Sorry hija kung hindi namin agad sinabi sa'yo. Inuna lang namin ang alam naming makakabuti sa iyo." Bumuntong- hininga muna siya bago ako ibinaba. Kumuha siya ng isang upuan tsaka inilagay malapit sa dalawang kabaong. Muli akong binuhat ni uncle at malumanay na itinayo sa upuan na inihanda. Doon ko nasilayan ang taimtim na itsura ni mama at papa, tahimik na nakahiga sa masikip at makipot na higaan. "Say goodbye to your mama and papa, say you love them and give them a take care to heaven, okay? This is the last time......you'll see them. But, they will always watch you, whatever you do and wherever you go." Malungkot pero sinubukang ngumiti ni uncle habang sinasabi iyon. Nakita ko ring pumatak ang luha niya bago siya huminga ng malalim. Mabagal akong tumango. Unti-unti kong hinaplos ang dalawang magkatabing kabaong na siyang kinalalagyan nina mama at papa. Buong akala ko magaling na sila katulad ko, inaasahan kong makakaligtas sila sa kabila ng nangyari. Sa murang isipan ko, hindi ko inaakalang mawawala ang mga magulang ko sa isang iglap lang. "Papa.. m-mama goodbye.. I love you Mama a-and papa...take care in h-heaven." Malumanay at lumalabi pang panimula ko. " P-papa, m-mama, bye. Your d-daughter Tania loves you so much. Take care in heaven. I-i love you.....Goodbye po, mahal na mahal ko kayo...Too early, t-too early that y-you left me." Paulit-ulit lahat ng sinasabi ko habang humihikbi, kasabay ng biglaang pagbuhos ng mga luha ko, ay muling bumalik sa akin ang ala-ala kung paano umandar lahat ng pangyayari na siyang naging dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ko. Ilang segundo lang, hindi ko man lang namalayan.....na 'yun na pala ang huli. Paano na ako ngayong wala na kayo?  Kaya pala ganoon na lang ang hinanakit ni auntie, kaya pala hindi niya ako sinasagot sa tuwing tatanungin ko siya kung magaling na ba sina mama at papa. Paano niya nga naman sasabihing ayos sila? Na magaling sila? Na nakaligtas sila? Na makakasama at makikita ko rin ulit sila sa oras na gumaling ako? Na muli kaming makakapasyal sa mga gusto naming puntahan? Na muli akong gigising sa isang araw na sila ang una kong makakasama? Gayong......Wala na sila, patay na sila. Sa mura kong isipan, naiintindihan ko kung bakit hindi nila agad sinabi sa akin ang tungkol sa mga magulang ko, ang hindi ko maintindihan, ay kung bakit sabay pa? Parehong mama at papa ko pa? Bakit hindi ko man lang sila nakasama ng matagal? Bakit sa dinami-dami ng mga tao doon sa plaza, doon sa daan, bakit si papa pa? Bakit si mama pa? Marahil ay masyado pa nga akong bata upang maunawaan ang lahat. Masyado pa akong inosente sa mga ganitong uri ng mga bagay-bagay. Pero, walang pinipiling edad ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ang murang isipan ko, ang batang puso ko, ay parehong nagdadalamhati ngayon. Paano na ako ngayong wala na ang mga katuwang ko sa aking paglaki. Sa isang ihip ng masangsang na simoy ng hangin, wala na ang mama at papa ko........wala na sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD