CHAPTER FOUR

2589 Words
Alas otso ng umaga nang magising ako kinabukasan. Hindi pa ako nakakatayo sa kama ko ay dumungaw na sa pintuan si nanay Josie, kalaunan ay pumasok rin, marahil ay tinitingnan kung gising na ako. Bumangon ako nang umupo siya sa paanan ko. "Halika."nakangiting aniya na pinapalapit ako sa kaniya. Agad naman akong pagapang na lumapit. Dinampot niya ang suklay na nasa lamesang katabi ng kama ko, tsaka ako marahang itinalikod sa kaniya. Dahan-dahan niyang sinuklayan ang aking buhok habang ipinipirmi sa isang pwesto."Maayos ba ang tulog mo kagabi?"ilang sandali pa ay tanong niya. "Opo, nay." Tanging sagot ko. Pakiramdam ko, ngayon na lang ulit ako nagsalita, o baka iyon talaga ang totoo. "Mabuti naman kung ganoon. Halika na, mag-aalmusal muna tayo bago mamasyal"muli niyang ipinatong ang suklay sa pinanggalingan nito tsaka ako inalalayang isuot ang aking tsinelas. Akay-akay niya ako hanggang sa makarating kami sa hapag, kung saan naroon si lola. Nang makita niya kami ay agad niya akong yinakap at muling hinalikan sa noo katulad ng ginawa niya kahapon bago ako umakyat sa kwarto ko. "Good morning, apo!"masiglang bati nito. Nang makitang tumango lang ako ay agarang napawi ang kaniyang sigla, pero agad niya ring ibinalik."Kamusta ang unang tulog mo rito, hija?"nakangiting tanong niya. "Okay lang po, lola."mahinahong sagot ko. At dahil 'don ay tila nabuhayan ang kung anong saya sa kaniya. Siguro ay ngayon niya na lang ulit ako narinig na magsalita mula noong papunta hanggang sa makarating kami rito. "Oh, that's good. O siya, kumain na tayo para marami tayong mapuntahan."nakangiti pa ring aniya."Tising! Ramon! Halina kayo."tawag niya pa. Maya-maya lang ay naghain na ng mga pagkain si manang Tising habang tumulong naman si mang Ramon at nay Josie sa pag-aayos ng mga plato namin at sa iba pa. "Saan niyo gustong pumunta?"tanong ni lola sa kalagitnaan ng pag-kain. "Naku, madam, mabuti pa ho kung kayo na lang ang magdesisyon tungkol diyan, dahil bukod ho sa ngayon lang kami nakapunta rito.....eh talaga hong mahihirapan kaming pumili ng pupuntahan sa dami ng papasyalan dito."mahabang sagot ni nanay Josie. "Kun'sabagay.....ikaw, apo? Wala ka bang gustong puntahan? Malls? Or anywhere?"baling niya sa akin ng nakangiti. "Kahit saan po, lola."tugon ko. Tumango na lamang siya tsaka nagpatuloy sa pag-kain. Nang matapos kami sa pag-kain ay umakyat na si lola sa kaniyang kwarto para magbihis, at ganoon rin ako kasama si nay Josie. Pagkatapos niya akong mabihisan at maayusan ay bumaba na kami sa sala. "Oh, Tising, bakit hindi ka pa nagbibihis?" Tanong ni nanay kay manang na naroon pa rin sa kusina na abala sa kung ano. "Ah, hindi ako sasama. Maiiwan na lang ako rito at hindi ako mahilig maglibot. Siguradong mage-enjoy kayo rito sa south. Sige na, magbihis ka na nay."tugon naman ni manang. Base sa kanilang itsura, batid kong mas matanda si nanay Josie kaysa kay manang Tising na sa tingin ko ay nasa halos kalahati pa lang ng edad ni nay Josie ang sa kaniya. "Ganoon ba? O sige, iiwan ko muna si Tania sa sala sandali."paalam ni nanay na agad nagtungo sa kaniyang kwarto. Maya-maya ay lumapit sa akin si manang Tising  na mayroong nakangiting postura, animong may nakakatuwa sa ano mang tinitingnan niya. "Hi, Tania!"masiglang bati nito na tila ngayon niya pa lang ako nakita at nakilala. "Hi po."mahinahong tugon ko. "Parang kanina lang kita narinig magsalita ah? Masyado kang tahimik, hija. Nalulungkot ka pa ba sa......"kahit hindi niya itinuloy ay tukoy ko na ang nais niyang sabihin. Marahil ay iniiwasan niya iyong banggitin sa pag-aalalang muli kong maalala ang tungkol 'don, kahit na ang totoo ay hindi ko makakalimutan iyon kailanman."Pasensiya ka na, hija. Alam mo.....dapat hindi ka sumisimangot, para hindi ka pumapangit. Dapat ngumiti ka para makita ang ganda mo, oh."aniya pa na iniangat ang baba ko. "Bata ka pa lang, panay na ang kwento ni lola Trina sa'yo......dahil ikaw ang kauna-unahang apo niya at nag-iisang apo sa ngayon.....dahil wala pa namang anak ang auntie Tracee at uncle Tram mo. Alam mo.....dapat maging malapit kayo ng lola mo eh, sabagay, siguradong mangyayari rin 'yun kapag nagtagal."dagdag niya pa na mistulang alam niya ang lahat ng ditalye tungkol sa kaniyang amo. Nanatili lang ako sa kinauupuan ko hanggang sa matanaw ko na si lola na bumababa sa hagdanan. "Oh, apo, nasaan ang nanay Josie mo?"tanong niya nang tuluyan ng nakalapit sa akin. "Nagbihis po." "Ganoon ba.....oh ano? Ready ka na ba? Excited ka ba?"nakangiting tanong niya ulit sa akin. Kahit na hindi, tumango na lang ako. Ilang sandali pa ay natapos na si nanay Josie kaya nagtungo na kami sa labas. Naroon na si mang Ramon sa tapat ng sasakyan, handang pagbuksan kami ng pintuan. Nasa harapan si lola at kami pa rin ni nanay Josie sa likuran. Si manang Tising naman ang nagbukas sa amin ng gate at siya na rin ang nagsara niyon nang makalampas na kami sa barikada. Nakita kong may ibinulong si lola kay mang Ramon bago kami lumiko sa sementadong daan, tumango naman si mang Ramon at pinausad na ang sasakyan. Muli naming nadaanan ang iba't-ibang mga bahay-negosyo sa magkabilaang direksyon ng kalsada. Ang mga palayan ay kaliwa't kanan rin. Hindi mawawala ang malalago at matatayog na mga punong-kahoy na nagisisilbing tagapag-hatid ng sariwang hangin. Kung sariwa ang nalalanghap naming hangin doon sa north, may mas isasariwa pa pala iyon, at 'yun ay ang hangin rito. Kahit medyo marami rin ang mga sasakyang naglalayag sa kalawakan ng daan, walang ano mang bahid ng polusyon o kung anong masama sa kalikasan akong nakikita, naaamoy o naririnig. Hindi ko alam kung bakit ang tahimik ng mga sasakyan, tila walang mararamdamang ingay mula sa mga makina. Marahil ay nagiging payapa ang dating ng buong paligid dahil sa maganda at kalmadong tanawin saan mo man ituon ang iyong mga mata. Ilang saglit lang ay unti-unting humina ang takbo ng aming sasakyan. Muli kaming lumiko sa patag pero 'di sementadong daan na nakapagitna sa dalawang malawak na lupang bukirin. Walang nakatanim sa mga lupang ito, sa halip ay mistulang mga pinagtabasan ng palay ang nagkalat sa kabuuan ng dalawang lupain. Nang tuluyang kaming huminto ay napagtanto kong kahawig ng lugar na ito ang mismong kinaroroonan ng bahay ni lola. Ang pinagkaiba lang ay hindi bahay ang nakatayo sa gitna ng mga bukirin, kundi isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito......Pitong mga punong idinisenyong pabilog. Sa gitna ng mga puno ay may ilang tipak ng malalaking kwadradong bato na maaaring magsilbing mga upuan o 'di kaya naman ay maliit na mesa. Nang makababa kami sa sasakyan ay walang pag-aalinlangan kong iginala ang aking paningin sa buong payapa at matiwasay na paligid. Ang simoy ng hangin sa umaga ay umihip para lang hawiin ang dahon ng mga puno dahilan para magsayaw ang mga ito. "Nandito na tayo......ito ang dati naming sakahan ng asawa kong maagang nawala. Ito ang pangunahin naming pinagkakakitaan noon, kaya lang..... Bago mawala ang asawa ko ay ibinenta na namin ito"ani lola habang iginagala rin ang mga mata sa paligid. "Bakit niyo naman ho ibinenta?"tanong ni nanay Josie. "Dahil.....ayokong patakbuhin ito ng mag-isa.....lahat ng 'meron ako ngayon.......mapa pera....bahay......o ano mang yaman ko, ay mula rito."sambit pa rin ni lola tsaka naglakad patungo sa mga upuang bato sa gitna ng mga puno. Sumunod naman kami. "Ahhh...kung ganoon ho, ano'ng pinagkakakitaan niyo ngayon? Ngayong hindi na kayo ang namamahala sa mga sakahang ito?"kuryosong tanong pa rin ni  nanay Josie. "Ang totoo niyan, wala na. Wala akong pinatayong ano mang negosyo. Kaya ngayon....wala akong source of income ika nga. Sa halip, lahat ng pera ko noon ay inipon ko sa bangko, kaya ang mga pera ko ay nababawasan lang at hindi na nadaragdagan pa."muling tugon ni lola na ngayon ay nakaupo na kasama kami. "Talaga ho? Paano ho 'yun? Hindi ho ba kayo nababahala kung maubos ang pera niyo?" "Naku, Josie, matanda na ako, siguradong bago maubos ang pera ko.....baka......wala na 'ko."nakangiti pang ani lola. "Madam, maaga pa ho para diyan." "Siyanga naman ho, lola Trina."sang-ayon ni mang Ramon kay nanay Josie. Nginitian lang sila ni lola." Ah, lola, gusto niyo ho bang bumili ako ng makakain natin, habang nakatambay tayo rito?"ilang saglit lang ay giit muli ni mang Ramon. "Aba, sige. Mabuti pa nga."tugon ni lola. "Nanay Josie, gusto niyo ho bang sumama? Para ho makapili kayo ng gusto niyo at ni Tania."suhestiyon ni mang Ramon na binalingan si nay Josie. "Naku, sige, ayos sa akin iyon at ng makapamasyal na rin."nakangiting sang-ayon ni nanay. Nagpaalam muna si nanay sa akin at maging kay lola bago sila tumayo at naglakad pabalik sa sasakyan. Ngayon, kaming dalawa na lang ni lola ang tahimik na nakaupo rito sa gitna ng mga puno. "Nagustuhan mo ba rito, apo?"maya-maya ay tanong ni lola na siyang bumasag sa katahimikan. "Opo."tanging sagot ko. "Tania, apo, alam ko.......nalulungkot ka pa rin sa pagkawala ng mama at papa mo, kaya lang.....ayokong nakikita kang ganiyan. Siguradong ganoon rin ang mga magulang mo."tila hindi na natiis ni lola ang pananahimik ko dahil sa nararamdamang lungkot. "Lola, kayo po, hindi na po ba kayo malungkot?" Napatingin sa akin si lola dahil sa tanong kong iyon. Ilang sandali pa bago siya tumugon. "Apo, anak ko ang papa mo, at ganoon na rin ang turing ko sa iyong ina, kaya nang malaman ko ang nangyari sa inyo, ay labis ang pagdadalamhati ko.....at hanggang ngayon, nalulungkot pa rin ako."seryosong saad niya. "Ako din po." "Pero....pinililit kong maging masaya, ganoon rin ang auntie Tracee at uncle Tram mo, maging si Josie. Pinipilit naming maging masaya dahil.....kahit ganoon ang nangyari, kailangan naming magpatuloy sa buhay, hindi pwedeng magmukmok na lang kami sa isang sulok, kasi.....walang mangyayari sa akin kapag nagkataon. At dapat, ganoon ka rin, apo." "Isa pa, kailangan rin naming maging maayos at matatag sa harapan mo, nang sa gano'n ay may pagkuhanan ka ng lakas, maging pisikal o lakas ng loob, upang malampasan mo ang pinagdaraanan mo ngayon."titig na titig sa akin si lola nang sabihin niya ang bawat salitang binabanggit niya, dahilan para lubos kong maramdaman ang nais niyang iparating sa akin. "Nalulungkot po ako, kasi hindi ako sanay na wala sila."malungkot ngang giit ko tsaka tumingala sa pagitan ng mga punong nakapaikot sa amin upang matanaw ang bughaw na kalangitan. "Hayy, apo, halika nga rito."dinig kong bumuntong-hininga siya. Mula sa pagtingin sa langit, bumaling ako sa kaniya at umupo sa tabi niya kung saan niya ako pinapaupo. Isinandal niya ako sa kaniyang balikat habang hinahaplos ang aking ulo, pababa sa dulo ng aking buhok. "Maaaring.....nawala nga ang mama at papa mo....pero.....kahit kailan, apo, hindi ka nila iniwan. Kaya nga kahit saan tayo magpunta may langit eh, kasi....kahit saan ka magpunta......nandiyan sila, nagmamatyag sa'yo...pinapanood ka...tinitingnan kung maayos ka ba, kung masaya ba o malungkot. Syempre kapag malungkot ka, malulungkot rin sila. Ayaw mo 'yun, hindi ba?"tumango ako habang iniisip ng mabuti ang mga sinasabi sa akin ni lola. "Oh, edi dapat huwag kang malungkot. Alam mo, hija, kahit hindi mo sila nakakasama o nakikita, pakiramdaman mo lang ang puso mo, maririnig mo sila. Isipin mo na lang na....nagpunta sila sa ibang bansa.....doonnn sa malayooooo......kaya nga lang....walang balikan--pero!...lagi mong tatandaan na....nandito lang kami para sa'yo, ako ang magiging nanay at tatay mo, may bonus ka pa sa nanay Josie mo. Oh, ang dami ng mag-aalaga sa'yo, kaya wala ng dahilan para malungkot at magmukmok ka. Malinaw ba?"nakangiting pagtatapos niya. Tila sinampal ako ng katotohanan dahil sa mga sinabi ni lola. Gumaan ang loob ko sa mga magagandang isiping idinulot ng bawat salita niya. Marahil ay tama nga siya. Bata lang ako kumpara sa kaniya na marami ng karanasan sa buhay. Alam kong tama ang mga sinabi niya, siguro ito na ang pagkakataong ipagkakaloob sa akin para malampasan ang kalungkutan at matabunan ang aking pangungulila. Tumango ako ng nakangiti. Pakiramdam ko, sa loob ng ilang araw, ngayon ko pa lang nagawang ngumiti ng natural, 'yung walang iniisip na negatibo, walang inaalalang lungkot at higit sa lahat, walang nararamdamang pag-iisa, dahil sa presensya ng mga taong nagmamahal sa akin. Nanatili akong nakasandal sa balikat ni lola hanggang sa muli siyang magsalita. "Alam mo ba na ang pitong puno na nakapaikot sa atin ngayon, ay may ibig sabihin?"nagpapakahulugang sambit niya. "Hindi po."nagtataka akong umiling. Bumangon ako mula sa pagkakasandal sa balikat niya at pinasadahan ng tingin ang mga punong nakapaikot sa amin na siyang tinutukoy ni lola. "Bawat isa sa mga 'yan ay may katumbas na isang salita na naaayon sa bilang nila."ngayon ay nakatingala na rin siya sa mga puno na animong sinasaliksik ang bawat ditalye ng mga ito.  "Ano pong salita?"kuryosong tanong ko. "Naku, apo, alam ko matalino ka, pero....sa edad mong 'yan, siguradong hindi mo pa maiintindihan. Tsaka ko na sasabihin sa'yo kapag nasa tamang edad ka na, okay?" Tumango na lamang ako ng nakangiti, dahilan para mapangiti rin siya. Batid kong alam ni lola ang naging epekto sa aking murang isipan ng mga sinabi niya kani-kanina lang, kaya hindi na ako magtataka kung makaramdam siya ngayon ng saya para sa akin. Matagal pa kaming naghintay kina mang Ramon at nanay Josie, pero hindi pa rin sila bumabalik. Halos mag-tanghalian na ay wala pa ring sasakyang dumarating hanggang sa dumilim na ng kaunti ang langit at umihip ang malamig na hangin. "Nasaan na kaya sila, hindi ko naman matatawagan si Ramon dahil nasa sasakyan ang telepono ko........Ayos ka lang ba, apo? Hindi ka ba nilalamig?"nag-aalalang tanong ni lola, dahil ang kaninang mahinang ihip ng hangin ay unti-unting lumalakas. Humindi ako sa tanong niya pero dinala niya pa rin ako sa kandungan niya at yinakap. Ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang pagsama ng kaunting dampi ng tubig sa hanging humahampas sa aking balat. Dahan-dahang bumagsak ang malalaking patak ng ulan mula sa kalangitan, kasabay ng biglaang pagbuhos ng ala-ala sa nangyari sa aking mga magulang. Mabilis na tumulo ang mga luha ko dahil sa pananariwa ng ala-alang iyon. Umuulan noong mangyari ang aksidente, marahil ay iyon ang dahilan kung bakit nadala ako ng aking damdamin sa muling pagkakataon. Sumilong kami ni lola sa isa sa mga puno, upang kahit papaano ay maibsan ang pamamasa ng ulan sa amin. Ang yakap ni lola ang nagsisilbi kong proteksiyon habang siya ay unti-unti ng nababasa. Patuloy lang ako sa pag-iyak, hanggang sa maaninag na namin ang papalapit na imahe ng sasakyan. Mabilis itong huminto at agad na bumaba si mang Ramon bitbit ang dalawang payong, ang isa ay gamit niya at ang isa ay batid kong para sa amin. Nang makalapit na siya ay nag-aalala at natataranta niyang inakay si lola habang ako naman ay kinarga niya hanggang sa makapasok na kami sa loob ng sasakyan. "Naku, madam! Pasensiya na ho kung ngayon lang kami nakabalik."nag-aalalang bungad ni nanay Josie mula sa front seat na inabutan kami kaagad ng maliit na tuwalya. Nauna akong pinunasan ni lola habang pilit kong pinapatahan ang sarili ko sa pag-iyak. "Shhh, tama na, apo. Okay na, tumahan ka na."buo pa rin ang atensiyon sa akin ni lola hanggang sa matapos niya akong punasan, ay bumaling siya kina mang Ramon, na ngayon ay abala na sa pagmamaneho pauwi."Saan ba kayo nanggaling at nagtagal kayo?"mahinahon pero kunot-noong tanong niya sa kanila. "Pasensiya na ho, eh nasiraan ho kasi kami kaya namasyal muna si nay Josie habang hinihintay kong matapos ang sasakyan."kumakamot sa ulong paliwanag ni mang Ramon. "Opo, hindi na ho namin napansin na malapit ng umulan, mabuti na lang at natapos 'yung pagpapagawa bago tuluyang umulan, kaya naka-abot kami kahit ho nabasa na kayo."dagdag paliwanag ni nanay. "Ganoon ba? Mabuti nga kung gano'n. Hindi ko naman matatawagan itong si Ramon dahil naiwan dito ang telepono ko."tugon ni lola sa kanilang dalawa habang yakap pa rin ako mula sa kaniyang gilid, tila iniibsan ang ginaw ko. "Oo nga ho." Hindi nagtagal ay narating na namin ang bahay. Si nanay Josie ay inalalayan si lola habang muli naman akong kinarga ni mang Ramon. Nang makapasok na kami sa loob ay bigla na lang uminit ang pakiramdam ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Narinig ko na lang na nag-aalalang sumigaw si lola at nay Josie bago balutin ng kadiliman ang paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD