“Bakit kailangan mong pagdudahan ang anak natin, Elmiro? Sya si Meghan. Maaring nakakapagtaka ang pagbabago ng blood type niya pero sya ang anak natin Elmiro.” Iyak ng ginang ng aminin ng asawa niya ang ginawa niyang DNA Test. “Akala mo ba ay madali sa akin ito? Simula ng lumabas siya sa hospital noon ay ibang iba na siya sa Meghan na nakasama natin. Kahit ikaw ay ramdam mong may nag-iba.” “Sanhi iyon ng pagkaka coma niya, Elmiro. May amnesia ang anak mo.” “Bakit hindi man lamang gumaling ang amnesia niyang iyon?” “Hindi ba sabi naman ng doctor na matagal bago bumalik ang alaala niya at ang worst case ay baka hindi na talaga ito bumalik.” “Matatahimik lamang ako kapag nakita ko na ang DNA result namin.” determinado nitong sabi. “Elmiro!” iyak ng kanyang asawa, “Paano kung negative an

